Chapter 20 (Epilogue)

5.2K 243 74
                                    

Play the music before you read.. Enjoy!

DualPointOfView♣️

Keegan Hadlee

"Sweetheart?"

Napalingon si Lennox sa kanya. Natatawa siya dahil kelan lang nong sila pa ang mga estudyante. Ngayon may mga apo na sila. Matanda na at higit sa lahat. Kulubot na rin pero hanggang ngayon. Hindi nagbago ang paningin niya sa kanyang asawa. Iyon nga lang ay pareho na silang gumagamit ng tungkod. Mahina na ang kanilang mga mata at kadalasan ay ulyanin na.

"Bakit?"

"Masaya ka ba?"

Napangiti ito sa kanya ng matamis bago nito hawakan ang kamay niya.

"Masaya ako. Sobrang saya dahil sa iyo. You gave me everything I deserve kasi sabi mo nga I'm a woman." Natawa ito ng mahina. "But you forget you're a woman too kaya deserve mo rin lahat ng ginawa ko para sa iyo. But we deserve all of it kasi mahal natin ang isa't isa."

Napangiti siya dahil doon. "Hindi ka ba nagsisi kahit segundo lang ng buhay mo na ako ang nakasama mo hanggang ngayon?"

Marahan itong umiling sa kanya. "I never did even a sec of my life."

"Natakot ka ba?"

"Saan? Sa relasyon natin noong una?"

"Oo."

Napatingin ito sa malayo bago tumingala sa kalangitan. Malaya ang hanging nililipad ang ilang hibla ng buhok nitong karamihan ay kulay puti na. Nasa gilid sila ngayon ng dagat at gusto niyang masaksihan ang paglubog ng araw.

Payapa lang silang nakaupo habang naririnig ang tawanan at sigawan ng kanilang mga apo malapit sa kanila kung saan nag-set ang mga ito ng picnic. Kasama rin nila ngayon ang mga anak at apo ni Lennon. Lennon passed away already at si Adelaide na lang ang buhay pero naka-wheel chair ito parati.

Nag-outing kasi ang buong pamilya sa Costa Miñonette. Ang isla ng asawa niyang pinagdalhan sa kanya ni Lennon ng ma-coma siya noon. Gusto niyang makita ulit ang lugar kung saan siya namuhay sa panahong para na siyang walang pag-asa. This place gave her hope and life.

At ngayon nga ay ipinamana na ito ng asawa niya sa anak nilang si Karleex. Mathius and Karleex have two daughters and one son. Nasa kolehiyo na nga ang mga ito at malapit na siguro silang magkaroon ng apo sa tuhod pero para sa kanya. Mukhang hindi na niya maaabutan pa iyon.

"Oo natakot ako pero mas nangibabaw ang pagmamahal ko para sa iyo. Ikaw ang una ko sa lahat Kee. Ang sabi ko non sa sarili ko. Kahit anong mangyari, hindi ako bibitaw sa iyo dahil alam kong totoo ang nararamdaman ko. Gusto kong alagaan ang pakiramdam na iyon. Hindi ako kelan man nakaranas ng ganito. Tama ka." Lumingon ito sa kanyang may matamis na ngiti sa labi.

"Itsura lang natin ang nagbago. Pinatanda tayo ng panahon pero iyong nararamdaman ko sa iyo. Sariwa pa rin na parang kahapon lang ng magkita tayo sa school, binubully kita hanggang sa nahulog ako sayo. Time flies so fast right?"

Hinalikan niya ang kamay nito. "Sobrang bilis ng panahon. Estudyante lang tayo kahapon pero ngayon, malapit ng mawala sa mundo."

Nakita niya ang pagsimangot nito. "Huwag ka ngang magsasalita ng ganyan. Marami pa tayong oras. Pinagpapasalamat ko nga at hanggang ngayon magkasama pa rin tayo na akala ko tuloyan ka ng nawala sa buhay ko noon."

She smiled at her.

___

Lennox

Nainis siya sa sinabi ni Keegan sa kanya. Hindi sila aabot rito kung hindi rin sa tatag ng pagmamahalan nila.

She saw her smiled at her.

"Huwag ka ng sumimangot." Hinalikan nito ang kanyang noo.

"Ako naman ang magtatanong sayo." Aniya. "Ikaw ba'y hindi kelan man nagsisi na ako ang pinakasalan mo?"

Natawa ito sa kanya. "Sweetheart naman. Kada taon kitang pinakakasalan para mag-renew ng vows tapos ngayon tatanungin mo ako ng ganyan?"

Inirapan niya ito. "Gusto ko lang marinig."

Sumandal ito sa kanyang balikat habang magkahawak pa rin sila ng kamay. Bago ang birthday ng asawa niya ay hiniling nitong magbakasyon silang lahat sa isla at dahil hindi maganda ang panahon at schedules ng anak nila't mga apo ay naipagpaliban iyon. Ngayon na lang natuloy at masaya siya dahil kompleto sila ngayon. At kahit antagal na nilang nagsasama ni Keegan, hindi siya nagsasawang parati itong nasa tabi niya. Wala talaga silang sinayang na panahon.

"Sweetheart, lahat sayo ay pawang maganda. Minahal kita noon. Mahal pa rin kita hanggang ngayon at sa bawat araw. Nadadagdagan ang pagmamahal na iyon."

Papalubog na noon ang araw at ang gandang pagmasdan.

"Lennox." Mahinang tawag nito sa kanya.

"Hmm? Nilalamig ka na ba? Medyo mahamog na." Aniya.

"Hindi, gusto lang kitang makasama ngayon. Alam mo bang ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko?"

Iyong saya niya ay biglang nabahiran ng lungkot sa hindi niya malamang dahilan.

"Ang swerte ko sayo. Salamat sa pagmamahal mo. Salamat sa pagbibigay mo sa akin ng anak at mga apo."

She bit her lower lip. Iba ang dating ng pasasalamat nito sa kanya. She wanted to say stop pero mas malakas ang isang bahagi ng utak niyang gusto niyang marinig ang mga sasabihin nito sa kanya. She have this odd feeling that something is wrong.

"Salamat sa napakaraming masasayang taon."

Para na tuloy may bumara sa lalamunan niya. She swallowed that lump pero hindi mapigilan ng mga mata niyang maluha.

"Gusto mo bang kumain na tayo?"

"Hmm. I just want to be with you." Humigpit ang hawak nito sa kanyang kamay. "Dito lang ako magpapahinga kasama ka, sweetheart. I love you so much." Kasabay ng katagang iyon ang paglubog ng araw. Ilang sandali pa'y lumuwag na ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay.

Napaiyak na siya.

"You said we'll go together. Why now Keegan?" Tuloyan ng bumuhos ang kanyang mga luha. "Why sweetheart?"

No response.

Pumikit siya habang umiiyak. Pagkaraan ng ilang sandali ay pinunasan niya ang kanyang mga luha.

"This journey with you was the most amazing Kee. Salamat mahal ko. Susunod ako sayo. I'll be coming home to you and I promise you. Hinding hindi na tayo magkakahiwalay pa non. Rest well Kee."

She kissed her lips once more.


"I love you too sweetheart."








The END!



_______

Satisfied?
Well.. I Am .

We only have one life to live . be with the one you love and fight for it dahil hindi lahat ng pag-ibig magkakapareho . sa iisang tao mo lang iyon matatagpuan . when you have it . hang on to it . close your eyes and wish..

Thank you sa lahat ng sumuporta 😊 sana nagustohan niyo .

_KeiRos


WhyKeegan?ANewJourney
Date Started: January 08, 2021
Date Finished: January 23, 2021
15 days..

🎉 Tapos mo nang basahin ang Why Keegan? A New Journey.. Part 2 (Completed) 🎉
Why Keegan? A New Journey.. Part 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon