Chapter 34

26 6 0
                                    

History of family and San Mateo High

Joy's P.O.V

"Sigurado ba kayo na ngayon na?" Tanong ko

Kasalukuyan kaming nakasakay sa van na lagi naming ginagamit kapag may out of town trip o kaya importanteng lakad

"20" sabi ni Stephen habang binubuklat ang notebook nya

"Ha?" Naguguluhan ko syang tinignan

"Pang bente mo ng tanong yan, Joy ano ka ba paulit-ulit ka nalang!" Napabusangot nalang ako at tumunghay kay Lee

Taas kilay nya akong hinarap at binigyan ng 'what do you need' look

"Chocolate" sabi ko sabay lahat ng kaliwang palad

"Kiss muna" inilapit nya ang mukha nya sakin para mahalikan ko, pumikit pa ang mokong

*PAK*

Napadilat sya ng sapo ang kanang pisngi at gulat na tumingin sakin

"Kiss mo muka mo!" Sigaw ko sabay kuha ng chocolate na nakasilip sa bag nya

Kanina pa kasi kumakaway sakin ang chocolate na 'to kaya kailangan na nyang makain

"Kiss lang naman, Damot!" Sabay irap sakin

Natawa nalang ako sa katarayan ng impakto, napuno ng katahimikan sa van walang nagbabalak na magsalita

"Since 1992 pala pinatayo ang school ng SMH at natapos ito ng 1994" putol ni Stephen sa katahimikan

"Si Mr. Romualdez San Mateo ang nagpatayo ng school sa edad na 20" tumango-tango lang kami tanda ng nakikinig kami

"Sa school na ito nya nakilala ang asawa nya na si Cecilia Felizardo mas bata sa kanya ng dalawang taon"

Huminto na ang van sa mismong tapat ng gate ng San Mateo High

Sabay-sabay kaming bumaba at sinindihan isa-isa ang flashlight

"20 years old si Cecilia ng makilala sya ni Mr. Romualdez bali 24 years old noon si Mr. Romualdez" tuloy parin sa pagkwento si Stephen habang naglalakad kami papasok ng building ng elementary

"2 years after nagpakasal ang dalawa pero hindi sila agad nagkaroon ng anak dahil sa pag aasikaso ng mga estudyante sa school"

"And 3 years after nagkaroon sila ng anak sa edad na 27 at 29 lalaki ang unang anak"

"Pinangalanan itong Recelio Raguindin San Mateo pero makalipas ang limang taon nagkaroon ng kidnapping sa baranggay Vensula maraming bata ang nawawala at kasama na doon si Recelio..."

"Stop" pigil ni Xyrille Kay Stephen kaya tumango ito bilang pagsangayon

Nandito na kami ngayon sa principal's office at pinag mamasdan ang lawak ng buong kwarto

"Kailangan nating mahanap ang libro na naglalaman ng impormasyon at history ng San Mateo High" sabi ni Stephen kaya sinimulan na  naming hanapin ang tinutukoy nya

History of San Mateo high (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon