CHAPTER 37
LORAINE
Parang umiikot ang mundo ko habang naglalakad kami papunta sa pinakamalapit na CR. Mahigpit ang kapit ko kay Brie sa takot na matumba ako bigla.
"Ano bang nangyayari sa'yo?" My sister asked. I shook my head because I can't answer her. Tingin ko, sa oras na sumagot ako, bigla na lang akong susuka.
I closed my eyes dahil hilong-hilo na talaga ako.
"Ikaw na lang ba ang papasok o sasamahan kita?" Nang imulat ko ang mga mata ko, nasa harap na kami ng CR.
"C-come with me, please—" Shit! Ni hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil mabilis na akong tumakbo at sumuka sa toilet bowl.
"Hala!" Hinagod niya ang likod ko kaya mas naiyak ako. It should be Jackson!
"Shit," I cussed when I stopped puking.
"Loraine..." I bit my lip and shook my head. Alam kong alam niya na.
"Oh my gosh." I sniffed. I am scared. Nitong nakaraang araw, hindi pa ako naniniwala dahil wala pang sign.
"B-bakit ka nagsusuka?"
"Oh, God." Lumapit ako sa sink at naghilamos doon.
"Hindi ako pwedeng magkamali. Alam ko 'yan." Hinarap ko siya.
"H-hindi ako dinatnan last month, and now I am three weeks delayed. Oh, God." Napasabunot ako sa sarili.
"B-buntis ka?"
Matagal ako bago nakasagot. "I-I think so."
Her eyes widened. "S-sinong—si Jackson ba? He needs to know! Hindi siya pwedeng magpakasal sa babaeng 'yon kung meron kayong anak—"
Marahas akong umiling. "At hindi din siya pwedeng magpakasal sa'kin dahil lang sa buntis ako! I know he doesn't love me anymore! Ako na lang ang nagmamahal sa'min, Brie." Mas naiyak ako. Thinking that I will raise our baby na ako lang.
She pulled and hugged me. "Tahan na. Nandito lang si ate. Akong bahala sa'yo." Hindi ko maiwasang umiyak sa balikat niya.
"I'm scared. I don't know if I can be a good mom. I-I'm so scared." I looked at my hands na nanginginig na ngayon.
"Hindi naman kita papabayaan, Loraine..."
"Oh, gosh. I'm not ready to have a baby." Hindi pa ako nakakapagpa-check-up, but I know there's something inside me.
"Anong plano mo?" Kumalas ako sa yakap at tumingin sa salamin. God, my nose is so red.
"I-I'm going back to France." May anak man o wala, ay talagang babalik ako doon.
"You're going back to France?" Napatalon ako nang biglang sumulpot si Jackson.
"Jackson..." I gulped. Narinig niya ba? Kanina pa ba siya r'yan?
"For what reason?"
"U-uh..." I looked at Brie, trying to ask for her help.
"Hindi mo na kailangan malaman," sambit ni Brie.
"Oh! I remembered, taga ro'n pala ang kasama mo sa hotel months ago. You promised that man to marry him, right?" Hindi ako nakaimik. Nanghihina ako sa tingin niya. I couldn't even open my mouth!
"Jackson, umalis ka na nga! Lasing ka na!" Pagtataboy sa kanya ng kapatid ko.
"Am I right, Loraine?! What now? How can you explain to him that he'll not be your first?!" Nanlaki ang mata ko. Is that a big deal? Kung mahal ka ng isang tao, walang kaso 'yon.
BINABASA MO ANG
Chase Once Again [ Billionaire Series #2 ]
Romance"Keep chasing your dreams while I keep chasing you." - Jackson Calin Loraine Quenery was chasing her dreams and that's making his father proud and to be the President of Quenery Jewelers plus to find her long lost sister. Jackson Calin was her boyfr...