Kissing Kissel

96 2 2
                                    

01-26-11

Bigla kong naalala si Kissel. Yung crush ko nung grade 6 pero classmate ko na sya mula pa nung grade 4 at 5. Ang naalala ko matangkad lng sya sken non ng mga half inch. HAHAHAHA XDD

Pero super kulit (as in lumilipad na sa kakulitan!) , malikot, at pilyo. Sya ang paboritong dalhin ng adviser namin sa guidance. May naaalala pa nga akong sinapak ko yon eh. Sa sobrang kakulitan siguro. Sa kanya ko unang nasambit ang P.I.M. ibig sabihin sobrang galit na talaga ko non. Madalang mo kasi kong mariringgang magmura nung grade school pa ko, sabi kasi ni mama : "MAKIPAG-AWAY KA NA, 'WAG KA LANG MAGMUMURA." Ngaun bad na ko , HAHAHA

Mabalik tau kay Kissel. Ayon nga , super kulit kaya nagkaroon kame ng away. Hindi ko na lng maalala kung ano yung eksaktong dahilan, basta sa sobrang pikon ko sinapak ko sya. Muntik pa nga din nya kong sapakin nun kung hindi lang nakaawat ung isa naming klassmeyt. Grabe db?

Hindi ko na din matandaan kung paano ko sya naging crush.Siguro nung sinamahan nya kong umuwi nung nagkasakit ako pero pumasok pa din ako. Tapos hindi ko na kinaya aun muntik na kong mag-colapsed, tapos sabi ng adviser namin nun umuwi na daw ako. Eh wala namang sinabi ung titser namin na ihatid ako ng kung sino mang herodes pero aun nag-volunteer syang ihahatid ako. Aun na ung time na nawala na ung inis ko sa kanya.. HEHE :)

  Kung ano ung ugali niya d2, siya talaga un sa personal ü

Hehe, so i came up w/dis idea.. hindi pa kompleto to..

CHAPTER 1

IT was a beautiful day indeed for Maci, kung hindi lamang niya nakita ang pagmumukha ng reptilyang kapitbahay niya na si Kissel, paglabas pa lamang niya ng kaniyang bahay. Kasalukuyan nitong nililinis ang sasakyan nito na nasa garahe. And he was half naked for Christ sake! Hindi niya tuloy mapigilan ang paggala ng makasalanang mga mata niya sa katawan nito. Lalo na sa six-packed abs nito na hindi niya alam na meron pala ito. At habang patuloy niya itong pinagmamasdan, napansin niya ang mangilan-ngilang  kapitbahay nila na napapadaan sa tapat ng kanilang bakuran na hindi mapigilang hagurin din ito ng tingin. Kunsabagay, hindi niya masisisi kung mahumaling man ang mga ito kay Kissel, lalo na sa mga pandesal nito. At that moment, she was sure that he was probably the most handsome and most intriguing car washer in the world.

At siya na ang pinaka-gagang babae nang mga oras na iyon dahil pinupuri niya ang reptilyang iyon. She was about to take her eyes off him when he finally notice that someone is watching him. Saglit na nagtama ang kanilang mga mata bago siya tumalikod at naglakad papasok ng kaniyang bahay. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. And she didn't know why.

"What the heck?" Aniya sa sarili habang tutop ang dibdib at nakasandal sa likod ng pinto. "Saglit na pagkabaliw lamang iyon Maci. 'Wag mong gawing big deal!" Pagkausap niya sa sarili.

Napaigtad siya ng tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon sa back pocket niya at sinagot.

"Yoh."

Napakunot noo siya. "Who you? Textback, ASAP!" Aniya pagkarinig sa pamilyar na boses na iyon. Si Kissel.

He chuckled.

"Ikaw talaga Maria Lucinda. Nabosohan mo na nga ako't lahat, kinakaila mo pa ko ngayon."

"Hindi talaga kita kilala. Walang Maria Lucinda dito, wrong number ka. Sige, bye." Aniya, narinig pa niya ang malutong na halakhak nito bago niya tuluyang nai-off ang kaniyang phone. "Sira-ulo talaga." Iiling-iling na naglakad siya sa kusina.

UMASIM ang mukha ni Maci nang may mamataan siyang reptilya sa paborito niyang tinatambayan sa park na nasa loob ng kanilang subdivision. Katatapos lamang niyang mag-jogging at magpapahinga na nga sana. Ang kaso, may asungot. Ang kapit-bahay niyang si Kissel.

"Excuse me." Tawag-pansin niya rito.

Nag-angat ito ng tingin mula sa pag-aayos ng sintas ng sapatos nito.

"Yes?" Tanong nito. Bahagya pang tumaas ang kaliwang kilay nito.

He was utterly handsome wearing his black and gray hood shirt and jogging pants. Lalong na-emphasize ang malalapad na balikat nito at ang magandang pangangatawan.  He looks very refreshing despite the sweat running down his cheeks. Bahagya pang namumula ang mga pisngi nito. Yummy!  Pilyang sigaw ng isip niya.

Nababaliw ka na dahil pinupuri mo ang reptilyang 'yan! Nababaliw na nga siguro siya dahil nakikipag-conference siya sa sarili niya nang dahil lang sa lalaking kaharap niya. She cleared her throat.

"Puwesto ko 'yang inuupuan mo," aniya rito.

Luminga-linga ito. "I don't see any name on it."

Antipatikong unggoy! Nanggigigil na namaywang siya. Hindi niya hahayaang lalong masira ang araw niya ng dahil lamang dito. Huminga siya ng malalim bago ito muling hinarap.

"Fine!" Nanggigigil na sagot niya rito bago nagmartsa palayo rito.

"You can stay here if you want!" Pahabol na sabi nito.

Nilingon niya ito. "Bakit? Kapag nag-stay ba ko rito, aalis ka na?" Taas ang kilay na tanong niya rito.

"Hindi. Pero puwede namang tabi tayo," nakangising sagot nito.

"No, thanks." Naalibadbarang sagot niya saka ito inirapan at tinalikuran. Narinig pa niya ang malakas na pagtawa nito.

Umagang-umaga ngunit sira na agad ang araw niya. Ang ganda pa naman ng gising niya dahil sa magandang napanaginipan niya kanina. Ngunit ngaun kahit kapiraso ay hindi na niya maalala iyon. Ang tanging umiikot na lamang sa utak niya ay ang nakangising mukha ng talipandas niyang kapitbahay.

"Buwisit talaga!"

Sa sobrang panggigigil niya ay napagdiskitahaan niyang sipain ang mga batong nakakalat sa dinaraanan niya. Ngunit sadyang minamalas nga yata siyang talaga, dahil bumalik sa kanya ang isang batong nasipa niya. Tumama iyon sa bukong-bukong niya.

"Aray! Buwisit!" Iika-ikang naglakad siya sa gilid ng kalsada habang mangiyakngiyak na umupo roon. "May araw ka rin sa aking reptilya ka!" Gigil na sabi niya. "Aaw..."

 *TO BE CONTINUED...*

Kissing KisselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon