"Una na ako Lia may aasikasuhin pa kami ni Ceres eh" simpleng tango lang ang ibinigay ko sa kaniya saka dumiretsyo sa Cafeteria.
Kitang kita ko ang mga matang sumasalubong sa akin. Ang iba ay masaya sa nangyari pero ang iba?
Alagad rin yata ni Segried ang mga to.
Hindi pa ako nakakarating roon ng makaramdam ako ng isang kamay na biglang humatak sa akin.
"Aray ha! Makahatak ka, akala mo yata hita ng manok tong braso ko!" Aburido kong hinatak ba balik iyon saka umayos ng tayo.
Akala mo naman kasi holdaper ತ_ತ
"Congrats"
Agad akong napatingin sa palasingsingan ko kung saan nakasuot ang isang singsing na may disenyong korona.
Masaya ba ako? Parang hindi ko maramdaman ang galak kahit na alam kong nasakin na ang malaking katungkulan na ito.
Parang kahit kailan ay hindi ko ito pinangarap pero may pakiramdam rin ako na para sa akin talaga ang isang to.
At nabuhay ako para maging ganito.
"Thank you" binigyan ko siya ng pekeng ngiti saka tinapunan ng tingin ang mga maletang nasa harapan ko. "Aalis ka?"
"Oo, may kailangan lang akong gawin sa labas... Kanina pa dapat ako umalis pero hinintay ko pa kayong matapos para makapagpaalam sayo"
Pero hindi pa siya nag tatagal rito... Iiwan na naman niya ako.
"Mabuti naman at naisipan mong mag paala-"
"Oo na... Baka kasi isipin mong si Ate Dion lang ang mahal ko, mag selos ka pa"
Medyo makapal rin pala ang pag mumukha ng isang to.
Pero may punto... Konti na lang ay iisipin ko na ngang may gusto siya kay Ate at siya talaga ang mahalaga para sa kaniya.
"Magtatagal ka ba dun?" Ngumisi lang siya sa akin saka sandaling tinap ang ulo ko.
"Hindi... Pag natapos ko na ang mga dapat kong gawin ay babalik na rin ako kaagad rito, hindi naman kita pwedeng iwanan" Tumango tango na lang ako at iniwasang malungkot.
Ayokong pigilan siya sa pag alis niya.
Baka sobrang importante nun at sisihin ko pa ang sarili ko kapag di niya nagawa.
Lumapit ako sa kaniya saka saglit siyang inakap.
"Sige na baka mag gabi na, delikado sa daan"
Pagkaalis niya ay umuwi na rin ako... Nasa dorm na ako ng maalala kong may bibilhin pala ako dapat sa Cafeteria.
Hayaan na, hindi naman ako gutom.
Nag basa basa lang ako saglit ng libro ni Aexearene... Wala naman kasi akong alam na gawin bukod sa gumala at kumain.
Wala rin naman akong makulit ngayon dahil wala sina Hermes... Ang naririto lang talaga ay sina Minerva at Hestia.
Kinuha ko ang pitaka ko saka pinagmasdan ang isang litratong nandoon.
Kami lang ni Ate Dion... Ni makita sa litrato ang mga magulang ko ay hindi ko nagawa.
Nag tanong ako dati kay Ate Dion tungkol doon pero wala siyang maibigay sa akin dahil wala naman silang pictures noon.
Hindi ko rin tuloy maiwasang tanungin kung anong klase ba silang magulang, kung paano nila mahalin kaming mga anak nila, kung gaano kaalaga si mama at kung gaano katapat na asawa si papa.
BINABASA MO ANG
Aexearene Academy: School of special abilities (COMPLETED)
FantasyI'm Aphrodite Liana Despues...I thought I already knew myself,I thought my personality was complete but I was wrong... That section helped me identify who I really am... ~ Vehemens ~