CHAPTER ONE

158 20 6
                                    

CHAPTER ONE

Pitch's POV

KANINA kapa ba?” tanong ko agad kay Mauren na nakaupo sa may bench nang makarating ako sa campus.

Agad niya akong sinamaan ng tingin. Inis na inis ang mukha niya na para bang susugurin ako.

Ang alas sais, naging alas otso.” nakasimangot na aniya. “Hello? Panis na ako dito at kakarating mo lang. Letse ka! Sabi mo, alas sais—”

“Oo nga.” putol ko sa kanya dahil paulit-ulit na naman siya. “Nalate ako ng gising kasi 'yong alarm clock ko, mali pala ang pagkaset—”

“Bobo, tangnamo.”

Di ko napigilang matawa. Ganyan talaga si Mauren. Agad din akong napatigil nang tignan niya ulit ako ng masama.

“Mali pala ang tumawa?” tanong ko.

“H'wag mo 'kong pagtawanan kasi masasapak kita Pitchy.”

“Sorry HAHAHAHAHA. Kanina kapa ba nga?”

Mas sinamaan niya pa ako ng tingin bago sumagot.

Kakarating ko lang.” aniya at tumayo.

“Madami bang gwapo?” kunwari interesadong tanong mo. “Kung wala, reto kita sa tropa ng pinsan ko.”

“Omggg!” 'di makapaniwalang aniya. “You mean, sa crush ko?”

“Joke.” natatawang bawi ko. “Asa ka naman— Aray, Mauren!”

“Nakakainis ka! Akala ko pa naman blessing na. Inuuto mo lang pala ako.” naiinis na aniya.

“Oo, bobita. May jowa kasi. Bet mo maging kabet ah. 'Di mo ako inform.”

Sumimangot lang siya at inirapan ako.

Tinawanan ko lang siya at muling nilibot ang paningin sa buong campus.

Marami ng estudyante sa quadrangle. Alas nuebe pa naman ang start ng program for first day classes as welcome speech ng mga faculty and staffs sa buong estudyante, lalo na sa mga bago.

Mula JHS ay dito na ako nag aaral. Matagal ng patay ang mga magulang ko, kaya ang kapatid ni papa at ang asawa nito ang kumupkop sa 'kin. Pinaaral nila ako sa isang private school since wala naman silang anak.

Mauren is my bestfriend since we're childhood. Sumama lang talaga siya sa 'kin, kasi dapat daw kahit saan ako, ay andun siya.

Tara sa announcement board. Tignan natin kung anong section tayo.biglang aniya.

Diba pupunta pa sa Conference para sa welcome ceremony?” tanong ko.

Oo. Punta pa muna tayong canteen pagkatapos. Di na ako kumain sa bahay eh.

Bakit naman?” tanong ko at nagsimula ng maglakad.

Excited na excited na akong makita yung crush ko, no!” kinikilig na aniya. “Imagine, Pitchy. 2 months lang ang bakasyon, pero feeling ko 2 years na kaming nagkadivorce. Huhu.

Napailing nalang ako. “Anong divorce ka dyan? Tigil-tigilan mo nga yang kaOA-han mo. Di ka nga pinapansin ni Prince.

Mahina n'ya akong hinampas. Tumawa lang ako. Kahit araw-araw yata kaming nagkasama ni Mauren ay hindi pa din kami nauubusan ng kwento.

Napatigil ako sa paglalakad nang biglang magvibrate ang phone ko. Agad ko 'yong binasa nang makitang si Tito 'yon.

HE'S A HIGHSCHOOL REPEATERWhere stories live. Discover now