CHAPTER 38

6.2K 137 8
                                    

CHAPTER 38

LORAINE

          "Good morning, Mama Raine! Merry Christmas!" Kinukusot ko pa ang mata ko nang makita si Spiro na kumakain kasama ang lahat. Ako na lang pala ang wala.

Umangat ang kilay ko nang makita si Mia na katabi ni Jackson. Tumikhim ako bago umupo sa tabi ni Spiro.

"Good morning, baby." Hinalikan ko siya sa pisngi. "Where's Papa?" tanong ko kay Brie.

"Ah, kasama ang mga oldies." Tumango naman ako at kumuha na rin ng pagkain. Tumingin ako kay Jackson na matigas lang ang ekspresyon.

Walang ginawa sina Brie at Dereck kundi maglandian. Sina Crystal at Shawn naman ay bangayan lang. I rolled my eyes.

Tumikhim muna ako bago magsalita. "Shawn..." Lumingon si Shawn at Jackson sakin. Wait, bakit pati siya lumingon?

"Yes?"

"Si Dra—"

"Ah, Loraine. Papa-check up ako mamaya. Samahan mo ako, ha?" Lumipat ang tingin ko kay Brie na pinutol ang sasabihin ko.

Oh my, God. Oo nga pala. Baka maghinala sila.

"Sure." Ngumiti ako.

"Ano na 'yung sasabihin mo, Loraine?" Umiling lang ako kay Shawn. "Weird."

"Shawn, Jackson is getting married. Ikaw ba?" Kunot-noo kong tinignan si Crystal na pinapakain ang anak niya. Kailangan ba talagang banggitin ang kasal ni Jackson? Nakakabingi na.

"Kapag ready na si Loraine." Humalakhak siya kasabay ng lahat maliban sa amin ni Jackson. Wait, nilalandi ba ako ni Shawn o nangaasar lang?

"Tsk."

Napangiwi ako nang makita ang orange juice. I even pinched my nose para hindi ko masinghot ang amoy noon. Mahirap na at baka masuka lang ulit ako.

"What's wrong, Mama Raine?"

"Wala, baby." Pilit akong ngumiti sa kanya. Binilisan ko na lang ang pagkain para hindi ko na maharap ang orange juice na 'yon. That's gross.

I took a shower at nag-ayos na. Tamad akong pumunta sa pool area. I don't know kung kailan kukuha si Papa ng ticket pabalik sa France. Gusto ko sanang doon na manganak or something. Wait, manganak agad?

"You didn't congratulate us last night."

Natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Mia. Kinalma ko muna ang sarili ko bago siya nilingon. Nakangisi siya kaya mas lalong nakakainis.

"Congratulations. Okay na?" Ngumiti ako para hindi niya mahalata ang pagkainis ko.

"Oh, girl, stop being nice here. You have no manners." Nawala ang ngiti ko. Gago 'to, ah. Sabayan ba ang init ng ulo ko.

"I have no time for you, Mia. So if you will excuse me, you may now leave." She didn't move. Nanatili lang siyang nakatayo.

"Wala ka na ngang manners, cheater ka pa." I gritted my teeth. Anong karapatan ng babaeng 'to na tawagin akong gano'n?

"I am not a cheater." Humagikgik siya. "Pwede bang umalis ka na lang? Naaasiwa ako sa pagmumukha mo."

"The feeling is mutual, Loraine. Pero tinitiis ko. Why? Because I want you to see how happy Jackson is with me. You don't deserve him! Dapat lang talagang naghiwalay kayo. You cheater."

"I am not a cheater. Ano bang alam mo?" I arched my brow. Hindi siya nakasagot. "You know what, Mia? Harapin mo na ako kapag alam mo na ang buong detalye. Katulad ka lang din ni Jackson."

Chase Once Again [ Billionaire Series #2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon