Chapter 14 - Level Up

4.2K 91 8
                                    

AMANDA'S POV:

I blinked three times bago ko tuluyang idinilat ang aking mga mata. Nasa kwarto na ako, at nakasuot na nang malinis na damit pantulog. Pilit kong iniisip kong ano ang mga nangyari sa akin. I shook my head and bang my palm with it.

Malinaw sa aking alala ang intimate moments namin ni Richard. We were making out. Pero ang hindi ko maalala ang iba pang detalye.

"Panaginip lang ba ang lahat?" Bulong ko sa aking sarili. Dahan dahan kong hinawakan ang aking labi. Napapangiti ako. Somehow I felt it wasn't just a dream.

"Why does it feel so real? I could still smell Richard's scent on my skin". I whispered.

Tumayo na ako at inilibot ang aking paningin. Nakarinig ako ng mga boses na nagtatawanan. Nagmumula sa labas ng aking kwarto ang mga ito. Then I decided na lumabas at magtungo sa dining area kung saan ko mas lalong narinig ang mga tawanan.

"Amanda, venez nous rejoinder" Chef Jaden's waving his hands while asking me to join them.

"You're just in time for dinner sweetheart". Malambing naman bati ni Mrs. Van Roize.

Ngumiti ako at umupo na rin. Katabi na naman ni Richard si Thyme, dahilan para mag-init ang aking ulo. Mag katapat kami ng upuan ni Richard, kaya kitang kita ko ang lahat ng kilos nilang dalawa.

"Did you know that Tokay Gecko is a well know medicine. It replenishes the lungs and kidneys, reinforces the vital energy and relieves dyspnea. It is suitable for those who are suffering from chronic bronchitis associated with deficiency of the lungs and kidneys". Mukhang may kinalaman na naman ang mga sinasabi ni Chef sa aming kakainin. Napalunok ako sa isiping kakain ako ng tuko. Bigla tuloy nagtayuan ang mga balahibo ko sa kilabot.

Lahat kami ay nakatingin lang sa kanya at inaabangan ang iba pa niyang sasabihin. Nagbabakasakali ang lahat na malaman kung saan hinalo ni Chef Jaden sa mga niluto niya ang tuko, para maiwasan namin ito. Pero mukhang malabo na ipaalam niya iyon. Pikit mata na lang kami na sana ay hindi namin matyempuhan sa mga niluto niya ang may tuko. Sinasabi lang naman kasi ni Chef kung ano ang kanyang niluto pagkatapos namin kumain at mabusog.

 "Qu'attendez-vous pour ? bon appétitKinukumpas niya ang kanyang kamay while asking kung ano pa ba ang hininintay namin.

Masayang kumakain ang lahat, paminsan minsan ay nagkakakwentuhan. Pero kahit na ganun ay patuloy pa rin ang pag mamasid ko kay Thyme at Richard. Nakita ko inabutan ni Richard si Thyme ng pasta. Ngumiti naman si Thyme at nagpasalamat. Kitang kita ko ang kilig sa mga mata ni Richard. Bwusit, parang si Thyme lang ang nakikita niya. Wala na siyang paki-alam sa akin, na kay Thyme lahat ang attention niya. Dati-rati naman ay pinagsisilbihan niya ako sa tuwing kumakain kami sa Oversight. ——-Eerrrgggh! Kumukulo ang dugo ko. Sa inis ko ay binalak kong tadyakan si Richard. Pero ng gagawin ko na ito ay bigla tumingin sa akin si Richard, ngumiti siya at nilagyan ng pasta ang plato ko, tapos ay ilagyan niya ng tatlong dumplings sa ibabaw.

"Kainin mo lahat yan. Napapansin ko kasi na pumapayat ka na. Ayoko ng payat, hindi masarap yakapin". Bakit kaya sa pangdinig ko ay napakaromantic ng tono niya at tagos hanggang bones ang sincerity ng kanyang mga salita.

Leche ka Richard, bakit kayang kaya mo akong pangitiin kahit pa inis na inis ako sayo. Pero hindi lang ako basta napapangiti. Kinikilig rin ako. Kahit pilitin kong itago ang saya sa aking mukha ay hindi ko pa rin ito mapigilan. Kaya ang dapat sana na pag sipang gagawin ko ay napalitan ng paghimas ng aking mga paa sa kanyang mga binti at hita. Richard jumped a little sa pagka gulat.

RICHARD CROW (Guns & Perfume) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon