010
Secretly
(Cross Alejo's pic is shown above)
___
"HANLA SHET! S-sorry." Nanginginig pa ang mga kamay ko nang tangkain kong hawakan ang labi niyang medyo dumugo. Akala ko ay pipigilan niya ako sa pag hawak ngunit nagkamali ako.
"Are you a vampire?!" Bigla naman akong napaigtad nang sumigaw ito. Idagdag pang magkalapit pa rin ang mga mukha namin kaya naman, hindi ko sinasadyang madiin ang daliri ko sa labi niya. Umaray ito na parang ang sakit-sakit. Konting sugar lang naman amp.
Ewan ko rin ba kung ba't ko kinagat. Masyado na ba akong gutom at naisip na ulam ang nasa harapan ko kaya bigla ko na lamang siya ginano'n. Eh kase naman, kasalanan niya rin. Kung saan-saan kase lumalakbay ang kamay niya kaya nagulat na ako.
Pagkalipas ng ilang segundo ay lumayo siya sa 'kin dahilan para sumandal ako sa upuan. Pakiramdam ko ay nanghihina nang husto ang katawan ko. Halikan pa nga lang ang ginawa namin pero ang lakas na agad ng epekto. Para kang nilalasing sa bawat galaw pa lang ng mga labi niya.
Walang nagsalita sa aming dalawa at parang gusto ko na ring lumabas na lang at umuwi na. Ang awkward kase. Bakit ko nga ba kase siya hinalikan? Nakakahiya! Baka isipin pa niyang patay na patay ako sa kanya. Pero... Hindi nga ba?
"Sorry tala-" Muli niyang nilapit sa 'kin ang mukha niya kaya napatigil ako. Iisipin ko na talagang isa siyang Math problem sa isang test paper dahil nakikita ko palang siya, tumitigil na mundo ko.
Shet corny ko.
"Stop saying sorry. Atleast I enjoyed your bite."
Para tuloy akong napipi sa kalagitnaan ng byahe dahil nawalan ako ng salitang sasabihin pa. Ni hindi ko na nga rin natanong kung saan ba kami pupunta. Pero laking pasasalamat ko na lang at hindi na siya nagsalita pa. Feeling ko kase sa tuwing may lalabas na salita sa bibig niya ay may halong pang-aasar 'yon.
"I took the supermarket flowers from the windowsill." Sumandal ako sa bintana ng sasakyan nang marinig ang kanta ni Ed Sheeran na Supermarket Flowers sa stereo. Isa talaga siya sa mga paborito kong singer dahil nahawa ako kay Elle. Parati niya kaseng kinakanta ito kaya parang na-immune na rin ang isip ko.
Mas okay na rin ang makinig sa musika kesa makipag-usap kay Cross.
"I threw the old day from the tea to the cup
Packep up the photo album that you had made
Memories of a life that's been loved."
Mahina kong sinabayan ang kanta habang pinagmamasdan ang bawat puno at bukid na nadadaanan namin. Feeling ko nga kini-kidnap na ako dahil kanina pa kami bumyabahe. Nilabas ko ang cellphone ko sa bag para tignan ang oras.
"Luh! Alas-dos na pala!"
Ngayon ko lang napagtanto na nalipasan na pala ako ng gutom. Naalala ko ring hindi pa pala ako kumakain ng agahan tsaka tanghalian. Kasalanan ko bang hindi ko man lang naramdaman ang gutom? Aisshh. Kasalan din 'to ni Cross eh! Labi pa niya ang pinakain sa 'kin kesa totoong pagkain!
"Hmm?" Binalingan ko siya ng tingin. Bakit ba ang tipid-tipid magsalita ng lalakeng 'to? Feeling ba niya mauubusan siya ng letter sa alphabet kung dadagdagan niya ang mga salitang bibigkasin?
"P-pwede bang k-kumain muna tayo?"Kumunot bigla ang noo niya sa tinanong ko at biglang napahilamos ng mukha."You didn't eat yet?!" Dahan-dahan akong umiling.
Grabe pa ang pagpipigil ko sa sariling mapangiti dahil sa reaksyon niya.
"Eat me then."
Luh?
YOU ARE READING
Met By Accident
RomanceCarina Garcia is a damsel in distress or a woman who's a magnet of accidents. Then suddenly, on her way to work, a sudden collision of cars echoed the city and results to severe damage of two people. Fortunately, she wasn't harmed physically but the...