CHAPTER 40
HINDI mapakali si Natalia habang inaantay ang kaibigan na makalabas mula sa loob ng opisina nito. hindi nya alam kung bakit sya andito pero parang may sariling buhay ang mga paa nya at kusa pa talaga syang dinala ng mga ito sa harap ng opisina ni Vanessa.
Hindi nya batid kung sya lang ba'to o may sapak talaga sya? alam nyang ngayon ang appointment ni Cohen kay Vanessa kaya imbis na iwasan nya ang binata heto sya ngayon at nakatayo sa labas ng pinto at parang baliw na nagpapabalik balik sa pag-lalakad.
Napahinto si Natalia sa paglalakad ng biglang bumukas ang pintuan at agad na bumungad sa kanya si Cohen. walang ka emosyon emosyon ang mukha nito habang nakatingin sakanya.
Napalunok si Natalia hindi nya tuloy alam kung ano ang sasabihin rito. nag-iwas sya ng tingin at saglit na nag-isip kung ano ba dapat ang gagawin. sa huli ay pinili nalang nyang talikuran ang binata at maglakad nalang papalayo.
"Ano ba'tong ginagawa ko...." bulong nya sa sarili. "baliw ka talaga Natalia, baliw ka"
"Excuse me?"
Napatigil si Natalia sa paglalakad ng marinig nya ang boses na iyon, kahit pa kasi hindi nya tingnan ang itsura nito ay kilalang kilala na nya ang nagmamay-ari ng boses nito. kahit pa nga siguro nakapikit sya makikilala parin nya ang boses na iyong ng binata.
Napakagat labi si Natalia. hindi nya alam kung pa'no ba dapat nya haharapin ang binata. malaki ang naging kasalanan nya rito at hindi nya alam kung mapapatawad pa ba sya nito.
"can we talk?"
"H-ha?" gulat na sabi nya. "k-kasi...."
"may gusto lang akong sabihin"
Saglit pang natigilan si Natalia bago nya sinagot ang binata. "m-may trabaho pa kasi ako."
"Fine."
Narinig nya ang papalapit na mga yapag ng binata kaya ramdam ni Talia ang malakas na kabog ng puso nya dahilan para nerbyosin sya.
"kung gano'n, aantayin pala kita sa labas?" sabi ni Cohen na ngayon ay nakapamulsang nakatayo saharap nya.
"H-ha?" parang tangang aniya. "k-kasi mamaya pang alas'otso ng gabi ang off ko kaya baka matagalan." palusot nya.
"is that so?" bumuntong hininga ang binata. "okay. aantayin kita hanggang alas'otso ng gabi." sabi nito sabay lakad papaalis.
"T-teka———"
Hindi na sya nakapag-komento pa dahil nakalayo na ang binata kaya walang nagawa si Natalia kundi ang maglakad nalang rin papunta sa loob ng opisna nya.
Sapo sapo ni Natalia ang noo habang nakaupo sa swivel chair, Hindi nya maintindihan kung bakit ganu'n ang inaakto ng binata sakanya. hindi nya alam kung totoo ba iyon o umaakto lang ito para maipakita sakanyang maayos na sya?
Nalilito tuloy sya sa kung ano ba dapat ang maramdaman nya.
LUMIPAS ang ilang oras at pasado alas'tres na ng hapon. ininat ni Talia ang mga braso maging ang mga kusu-kusuan. medyo napagod kasi sya sa operasyon nya kanina halos sampung oras rin kasi sya sa loob ng OR kaya nang makalabas sya ay ramdam na ramdam nya ang pagod sa katawan.
BINABASA MO ANG
Chasing Your Heart [UNDER REVISIONS]
RomanceWhen Natalia Santiago fell in love with Cohen Montenero, would she admmit her change of feelings or will she forever keep it hidden? **** Cohen Montenero is a famous welthy person. They own the whole land of Hacienda Montenero. He was known as a col...