Taken For Granted

14 0 0
                                    

Siya si Love...

Masayahin, masarap kausap, palangiti

May pagkabaliw pero may mga sandali

Na magiging misteryoso at seryos siya

Maunawaing tao

Malambing, mapagmahal ngunit paminsan-minsan ding tinotoyo

Siya yung kapag humingi ka ng tulong

Basta kaya niya, go lang siya

Siya yung handang makinig sa mga kwento mo

Kahit puro tawa mo lang ang naiintindihan niya sayo

Siya yung dadamayan ka sa tuwing may problema ka

Tipong mas uunahin pa niyang ayusin yung problema ng iba

Kahit may personal din siyang pinoproblema

Siya yung paalalahanan ka na wag mong pababayaan ang sarili mo

Kahit mismong siya, hindi alam ang salitang pahinga

Siya yung patatahanin ka

Sa tuwing nasasaksihan o naririnig niya ang yong pag iyak

Ayaw kasi niya na malalamang umiiyak ang mahal niya

Kasi mas nasasaktan siya

Iniisip niya na hindi ka niya kayang protektahan

Sa sakit na yong nararamdaman

Kaya gagawa yan ng paraan mapatahan ka lang

Tipong hindi siya titigil hangga't hindi niya naririnig muli ang yong halakhak

Dun lang siya makokontento

Sa isip niya, "ngumingiti na ulit ang mahal ko,

Mas mabuti na yon kaysa

Ang mas durugin pa niya ang puso niya

Hanggang sa maubos ang pagpapahalaga niya sa sarili niya"

Siya yung hindi humihingi ng kapalit

Sa tuwing gagawin niya yung pabor na hiniling mo sa kanya

Siya yung dancerist na, songerist pa

Artist din, saan ka pa?

Ginising daw kasi siya nung nagpaulan ng talent si Lord

Ika nga niya "Jusmiyo marimar"

Siya si Love...

Hindi siya perpektong tao

Sa pisikal na katangian pa lamang,

Alam niyang siya ay dehado

Sa ugali naman,

Aminado siyang hindi siya isang santo

Madalas na makikitang maganda ang araw

Pero mag-ingat kapag nakita mong ang buwan sa langit ay dumungaw

Malamang, mawawalan na siya ng gana

Hindi ka niya papansinin

Pansinin ka man, di naman magsasalita

Tanging iling at tango lang ang magiging tugon niya

Mabilis siyang mainis

Pero minsan lang siya magalit

Kapag naiinis siya, iba ang tawa niya

May halong pagkagigil at pagkairita

Nagiging matabil ang dila niya

Tipong lahat aawayin niya

At yun ang iniiwasan niya

Kahit naiinis na siya,

Ayaw niyang makagawa o makapagsalita ng mga bagay na

Sa huli, pagsisihan niya

Kaya mas pinipili na lang niyang manahimik

Kapag naman galit siya,

Asahan mo na ang pagbabago ng pakikitungo niya sayo

Kayang kaya ka niyang alisin sa buhay niya

Na parang hindi kayo matagal na nagkasama

Hindi siya nanghihinayang kasi para sa kanya

Ikaw nga hindi nanghinayang, siya pa kaya?

Kayang kaya niyang palabasin na hindi ka niya kailanman nakilala

Si Love yung magandang kasama at masarap makilala

Pero si Love din yung demonyita pa sa maldita

At dahil aa katangian niya

Inabuso siya

Ginagawa siyang tanga

Siya kasi si Love...

Taken for GrantedWhere stories live. Discover now