Give Me One Week
"Is there something I need to know, K?"
Napalunok ako. Pumikit ako at humarap sa kanila, "Nothing, mom. Nothing to worry about," pagkukunwari ko.
"You sure?" Aniya.
"Opo," tumango ako, "Aakyat na po ako. I need to rest."
» inside my room
Nakahinga na ako ng maluwag nang nakapasok na ako sa loob ng kwarto ko.
Amuraedo nan niga joha amureon maldo eobsi----
Nagulat ako nang may tumunog. Ring tone ko pala, 'Best Luck' by Kim Jongdae, OST for 'It's Okay, That's Love'.
Sinagot ko ang tawag.
"Hello?"
"Keysiiiiiii," (KC)
"Oh, Kenzo, ba't ka napatawag?" Tanong ko.
"Wala lang. Bakit nga pala ang tagal mo bago nakauwi kanina?"
"Oo nga e. Na-bored ako kanina, wala akong kasam---" natigil ako sa pagsasalita nang naalala ko ang mga nangyari kanina.
The way he looked at me. The way he sat beside me. The way the atmosphere became awkward. The freaking way he acts.
"Oh, bakit ka napatigil?" Aniya.
"Sasabihin ko na lang sa'yo bukas. Nakakaasar talaga!"
"Ngayon na,"
"Bukas. Bye," I ended the call.
» kinabukasan
Bumangon ako galing sa higaan ko at bumaba pagkatapos kong mag-ayos. Para hindi na ulit sila mag-hinala, pinilit kong mag-act na energetic.
"Good morning!" Malakas kong pambungad sa umaga nila habang pababa sa hagdanan.
Tinaas ni Ate Aleja ang kilay nya, "Anong nakain mo?" Aniya.
"Wala lang. Masama bang maging masaya sa buhay?" Nilagpasan ko sya habang nakangisi at binati naman ang ibang tao sa bahay.
"Morning, mom!" Sabi ko at humalik sakanya.
Ngumiti sya at nilapag na sa lamesa yung hawak nya na food.
Pagkatapos kumain, kinuha ko na ang bag at phone ko tsaka dumiretso na sa kotse.
» at Elizabeth Seton College
"Ano na iyon?" Nagulat ako nang biglang may sumabay sa akin sa paglalakad. Si Kenzo pala.
"Ah, hi," sabi ko.
"Ano nga yun?"
"Yung..?"
"Sasabihin mo,"
"Ah okay..." Sinabi ko na sakanya kung ano ang nangyari kahapon.
"Ohmygod." Sabi nya at umawang ang bibig nya. "He's a jerk. Iba na sya. Bakit sya ganun? Ang gulo nya!"
"Sinabi mo pa," sabi ko at hinipan muli ang bangs ko. Nakakairita, sobra. "Whatever."
Nagpatuloy na kami sa paglalakad papuntang room. Nakita kong nandoon na sa loob sina Cheska at Patrick.
"Guys, I'mma tell you something!" Ani ni Kenzo at pumunta sa kanila.
Umiling ako ng kaunti dahil mukhang ibabahagi nanaman nya iyong sinabi ko. Well, it's fine.
» lunch time
Pumunta na kaming apat sa McDo. Not like last year, hindi na lang si Kenzo ang kasama ko lagi, kadalasan ay pati sina Ches at Pat na rin.
Kinuha na ni Patrick ang orders namin at as usual, sya na ang nag-order para saamin.
After a few minutes, he came back. "Here are your orders!" Aniya nang nilapag ang isang tray sa lamesa namin.
"Thanks," sabi ko at kinuha na iyong akin.
» few minutes later
Tapos na kaming kumain, at drinks na lang ang inuubos namin.
"By the way, tutoo yung kaninang sinabi ni Kenzo?" Ani ni Pat.
"Oo nga?" Sabat ni Cheska.
Tumango lang ako at hindi nagsalita.
"Kaasar. Why does he act like that?" Kahit si Cheska ay nanggagalaiti na rin.
"Ako mismo ang kausap nya ng sinabi nyang ayaw nya na sa'yo, pero ano 'to ngayon!?" Ani ni Patrick.
"I know right," umiling ako at muling sumipsip sa McFloat ko. "Sawa na ako sa ganito, gusto ko na talaga makapag-move on
"Eh paano ka magmo-move on?" Tanong ni Kenzo.
"Hmm... Give me one week."
BINABASA MO ANG
How to Unlove You (On an indefinite break)
Teen FictionIt's easy to forget you, it's painless to find another one to replace you, it's simple to get over you, but how can I do these things, if I don't even know how to unlove you?