18

1.9K 203 75
                                    

A/n:

Kamusta ang life? Di ko kayo nakalimutan, busy lang ako. ☺️☺️☺️





Unedited....





"Tama na," saway ni Ismael nang muli silang naupo. Tatlong grupo na lang silang naiwan sa bar dahil magdadaling-araw na at naglilinis na nga ang mga waiter.

"Gushto ko pha!" sabi ni Fuchsia na tipsy na.

"Enough!" madiing sabi ni Ismael at inagaw sa dalaga ang boteng hawak. "Uuwi na tayo dahil hindi mo na kaya!"

Kanina pa nawala si Natasia at nag-text na nakauwi na ito.

Dinampot niya ang pouch ng dalaga nang mahulog sa sahig at tumayo.

"Let's go, Fuchsia!"

Pero hindi ito sumasagot kaya hinaharap na niya. Namumungay ang mga mata nitong nakatingala at titig na titig sa kanya.

"Kaya mo pa ba? Buhatin na kita."

"Hindi na ako bata," mahinang usal nito na hindi pa rin inaalis ang mga mata sa mukha niya. Tumayo ang dalaga at tiningala siya. "See? Kaya ko nang uminom! Khaya kho nang makipagsabayan sa mga babae rito at kaya ko nang makipagsiksikan sa dance floor!"

"What was exactly your point, babygirl?" mahinang tanong niya pero salubong ang mga kilay.

"Stop calling me babygirl because I am not a little girl anymore!" medyo malakas na sabi ng dalaga kaya napalingon ang ilang tao sa kanila lalo na't wala nang musika.

"Okay," pagsuko ng binata. "Uwi na tayo-" napatigil siya nang sumuka ang dalaga habang nakahawak sa sandalan ng silya kaya agad niyang hinagod ang likod nito. "It's okay."

Lumapit ang waiter at inabutan sila ng tissue.

"Pasensya na," paumanhin ng binata at naglapag ng 500 bilang tip sa waiter na magpupunas ng mesa.

"Khaya khong-waah!"

Tili ng dalaga nang buhatin siya ng binata palabas ng bar saka idiniretsong sakay sa backseat ng sasakyan.

"Mahiga ka at matulog, gigisingin na lang kita kapag makauwi na tayo," sabi niya pero nasa fetal position na ang dalaga habang nakapikit ang mga mata kaya napabuntonghininga siya bago isinara ang pintuan. Alanganing iuwi niyang ganito si Fuchsia dahil lango nga ito sa alak at baka kung ano pa ang sabihin sa kanya ng pamilya nito kaya sa condo na niya ito idiretso.

-------------

Masakit ang ulo, kumakalam ang sikmura at naduduwal siya nang magmulat ng mga mata pero tinatamad na gumalaw. Bumukas ang pinto ng shower room kaya nanlaki ang mga mata niya nang makitang naglalakad si Ismael palapit sa kama.

Nakatapis lang ito ng puting tuwalya at topless kaya malaya niyang napagmasdan ang mala adonis nitong katawan. Mabalahibo ang binti at may manipis na balahibo sa dibdib at may papandesal pa sa abdomen. Tumingala pa siya para makita ang mukha nito pero mabilis niyang ipinikit ang mga mata nang magsalubong ang paningin nila. Nagtalukbong siya ng kumot at napahawak sa dibdib na kumakalabog.

"Bangon ka na. Nagluto ako ng sopas at nagsaing na rin tapos bulalo para mainitan ang tiyan mo," sabi nito sa baritonong boses at hinila ang kumot kaya napilitan siyang bumangon.

Naupo siya sa couch at sinusubukang alalahanin ang mga nangyari pagkatapos nilang uminom sa bar pero wala na siyang maalala. Hanggang doon lang sa kotse ang huli niyang naalala.

Napatingin siya sa suot na oversized na white tshirt.

"Sumuka ka kagabi kaya hinubad ko na ang damit mo pinalitan ng tshirt ko. Magkakasakit ka kapag hindi ko iyon ginawa," sabi ni Ismael na tila nabasa ang iniisip ng dalaga.

Pisi ng Saranggola (Krayola series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon