Isang malakas na sampal ang pinakawalan ng palad ko. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko. Ang pagdaloy ng tubig ulan mula sa aking katawan ay hindi ko na maramdaman. Ang mga patak ng ulan na bumabadya sa aking mukha ay hindi ko maalintana. Hindi ko alam kung paano sisimulan, walang salita ang lumalabas sa akin kundi luha na hindi ko magawang pigilan. Nanlalabo ang paningin ko. Gusto ko mang tumakbo upang makalayo sa pwestong kinalalagyan ko, sadyang pinanghihina ang tuhod dahil sa katotohanang masakit man isipin pero totoo.Ang mga mata niyang punong puno ng awa ay hindi ko maramdaman. Masyadong pinagdidilim nito ang paningin ko kahit pa ang totoo ay napakaliwanag ng paligid ko.
Hahakbang sana siya at akma akong hahawakan pero lumayo ako. Hindi ko maatim na tingnan maging maramdaman ang presensya niya. At ang tanong na noo'y hindi ko masagot sagot, ngayo'y sayo ko pa nakuha."Alam mo...Alam mo kung gaano kahirap sakin ang magtiwala. . Pero pinaniwalaan kita, dahil ang sabi mo hindi mo ko sasaktan. .P-pero...nagkamali ako." patuloy ang pag-agos ng luha ko. Marahil ay ito ang tanging paraan para mailabas ko ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko magawang mag-angat ng tingin sa kaniya. Hindi ko magawa. Hindi ko ata kaya."Sana hindi ko nalang narinig... Sana hindi ka nalang umamin, Sana nagsinungaling ka nalang, mas okay na sigurong mabulag ako sa kasinungalingan kesa masampal ng katotohanan.. "
Sa wakas ay nasabi ko ang mga salitang iyon. Pilit kong pinipigilan ang pag-iyak. Pilit na pinipigilan ang pagsinok maging paggaralgal ng boses ko. Gusto kong mabigkas iyon ng buo, iyong maiintindihan niya.Hindi ko magawang sulyapan siya. Hindi ko kaya. Na sa tuwing titingnan ko siya ay bumabalik ang alaala ng nakaraan. Mga alaalang hanggang alaala nalang at hindi na kayang balikan.
©All Right Reserved. ZhelCort.
YOU ARE READING
Journey Of Love(ONGOING)
AléatoireHalos umiikot lang ang buhay ng isang Althea Cervantes sa pag aaral. Kontento na siya sa isang mhie at Sandra na nariyan. Pero parang may kulang. Kahit anong gawing paglimot ay bumabalik at bumabalik parin. Mga alaalang hanggang alaala nalang at hi...