Chapter 36

2.3K 108 35
                                    

"A-ano po ang ibig ninyong sabihin miss Gabriella?" ang tanong ni Bobby sa kanya. Habang nakaupo sila sa mahabang upuan na gawa sa kahoy sa harapan ng bahay nito.

"Ang kaso ng tatay mo Bobby," ang sagot niya at diretso niyang tiningnan si Bobby sa mga mata nito.

Nakita niyang kumunot ang noo ni Bobby at mukhang nagtaka ito sa kanyang sinabi, "kaso ni tatay? Pero?" at biglang bumagsak ang mga balikat nito kasunod ang pag-iling ng ulo.

"Seth?" ang tanong nito sa kanya at nagtaas pa ang dalawa nitong mga kilay at siya naman ay mabagal na tumangu-tango. Muling umiling si Bobby at napabuntong-hininga at mula sa kanyang mga mata ay bumaba ang mga mata nito sa lupa habang ang mga kamay nito ay nakalapat sa kahoy na upuan.

"Inalok niya ako noon na buksan ang kaso ni tatay, una noong kararating lang niya rito, pangalawa yung, araw nang rodeo, siguro bumalik na naman sa kanya dahil sa napag-usapan namin ang tungkol sa mga ginagawa n gaming mga tatay noon na magkasama, kaya siguri bumalik na naman sa kanya ang ideya na iyu," ang paliwanag ni Bobby sa kanya.

"Gusto na naman niyang buksan ang kaso," ang sagot niya kay Bobby.

"Tinanggihan ko na siya, sinabi ko na nakaraan na iyun at natanggap na namin ang nangyari kay tatay," ang malumanay na sagot ni Bobby sa kanya at nagtama ang kanilang mga mata.

"Pero bakit kay Seth hindi? Hindi niya matanggap," ang desperadong saad niya at bahagyang tumaas ang boses ni Gabriella.

"Gusto niya pa ring buksan ang kaso ng tatay mo, hanggang ngayon namumuhay siya sa nakaraan," ang sagot ni Gabriella.

"Bobby, parang awa mo na, tanggihan mo siya, kakausapin ka niyang muli para suportahan mo siya, para kuhain ang iyong permiso na buksan ang kaso ng tatay mo Bobby," ang giit niya sa kaibigan ng asawa.

"Pero Miss Gabriella, case closed na po ang kaso ni tatay," ang giit ni Bobby sa kanya at tumangu-tango siya.

"Oo, pero hindi para kay Seth, hindi ko alam kung anong gumugulo at nagtutulak dito na buksan at malaman pa ang kaso na sarado na," ang puno ng desperasyon na saad ni Gabriella.

"Bobby, alam ko na sa pandinig at isipan mo ay tila makasarili ako, pero sampung taon akong nagdusa, sampung na puro sakit at kalungkutan ang nangyari sa sampung taon na iyun, ngayon na, nakamit ko na ang kasiyahan, ang muling magkasama kami ni Seth at ituloy ang aming pagmamahalan, ayokong agawin ng tatay mo ang katahmikan na tinatamasa namin ngayon ni Seth, ayokong..ayokong magulo ang isipan at damdamin niya, gusto ko ng mamuhay sa kasalukuyan Bobby, ikaw at ako, kaya sana, si Seth ay makumbinsi mo rin," ang mariin na sabi niya kay Bobby at nangilid na ang luha sa kanyang mga mata habang diretsong nakatuon ang mga mata niya kay Bobby.

"Parang awa mo na," ang pagmamakaawa niya kay Bobby at alam niyang nagiging makasarili siya dahil sa ang mismong nasaktan o naging biktima ng nakaraan ay sina Bobby, pero naging makasarili siya, at handa siyang maging makasarili.

Tumangu-tango si Bobby sa kanya bilang sagot, "oo Miss Gabriella, hindi ko naman gusto na talagang mabuksan ang kaso, tahimik na si tatay at kami rin, napatawad na namin kung sino man ang gumawa niyun kay tatay at inintindi na lamang namin na malaki ang pangangailangan ng taong iyun kaya naman nakagawa ito ng krimen," ang malumanay na sabi ni Bobby sa kanya at kinilabutan man siya sa kanyang narinig na napatawad na nina Bobby ang pumatay sa ama nito ay kahit papaano ay lumuwag ang kanyang dibdib.

"Huwag kayong mag-alala Miss, ako ang bahalang makipag-usap kay Seth kapag kinausap niya ako ay mariin ko siyang tatanggihan at pipilitin kong makumbinsi siya na kalimutan na ang lahat at huwag ng ituloy ang binabalak nito", ang malumanay at may ngiti sa mga labi na sabi sa kanya ni Bobby at kumirot ang puso niya dahil sa nakaramdam siya ng pag-uusig ng kanyang konsensiya.

The Bribe To Be - Gabriella Kirkland - Kirkland Series (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon