<20> Plan B?

57 4 0
                                    

Kevin's POV 

I sighed after I told them what happened between me and Jace, and of course their reaction? Well CJ is shocked after what happened, and Ash maintained his bored look. 

"So are you telling us that you didn't show up to Jace after you called an ambulance?" that's Ash looked irritated. 

"Should I show up? That's not my obligation, I don't have an obligation, after all, pasalamat pa nga siya eh tumawag pa ako ng ambulansya kung hindi baka wala na siya sa mundong ibabaw." I defend myself, dinaig pa ang pagdedefend ng study sa panel. 

"Oo wala ka ngang obligasyon pero sana sinabi mo manlang sa kanya na dare yon o kaya ay ipinasabi mo na lang" pagpipilit parin ni Ash. 

"Oo nga naman Kevin, uso magtext o tumawag sa mga kamag-anak niya o di kaya sa kanya mismo" singit naman ni CJ. Ayy nako pinagtutulungan na naman ako ng dalawang kumag. Bwisit!

"Oo na, oo na. Kasalanan ko na, tsk nawala kasi sa isip ko yung lintik na Jace na yon, masyado akong naexcite sa paghihiganti kay Maira, I'm so thirsty for revenge" naiinis kong saad. 

"Sus kunwari ka pa, gusto mo lang agad na makasama si Maira" pang-aasar na naman ni CJ. 

"Oo nga baka naman ikaw pa ang naunang nahulog sa patibong na mismong ikaw ang gumawa?" panggagatong pa ni Ash. 

"Shut up, you two! Don't you even dare to speak to me like that! I'm just doing this for my revenge, you get it? At ilang beses ko ba ipapaliwanag sa inyo na si Scian ang gusto ko at hindi kung letseng Maira na yan. Keep that in mind! Understood?" halos pasigaw kong tanong. 

"Yeah yeah, masyado kang defensive napaghahalataan ka tuloy" aba't talagang tuloy pa ang isang toh ah!

"Shut up CJ" pagsasaway ni Ash, buti naman at naisipan niya akong kampihan ngayon. 

"Wag mo ng paulit-ulitin baka lalong mainlove yan" dagdag niya pa, sa lintik na iyan talagang walang balak na kampihan ako. Pangisi ngisi pa sila kaya naman lalo akong naiiyamot. Huminga na lang ako ng malalim, inhale...... exhale....... Kalma Kevin mga kaibigan mo yan. 

"Tsk whatever, we need to think a backup plan, just in case" pag-iiba ko ng topic. 

"Backup plan? Why do you need that?" curious na tanong ni CJ. 

"Common sense nga CJ, syempre sa ngayon nagdududa na si Maira, kaya kailangan na ng Plan B" pagpapaliwanag ni Ash, binabawi ko na yung sinabi ko kanina, mukhang kinakampihan na ako ng isang toh. 

"Ahhh sorry naman, hindi naman kinwento ni Kevin sa atin yon" kamot batok na sabi ni CJ. 

"Syempre LQ nila yun eh, confidential lang" he said while smirking. And of course binabawi ko ulit ang sinabi ko kanina mukhang wala ng chance na kakampihan ako ng isang toh. 

"LQ agad? di ba Lover's quarrel yun?" Pagtatanong ni CJ, tumango tango naman si Ash bilang pagsang ayon . 

"Eh di pa nga sila lovers eh, mas tama sigurong sabihin na Ligawan's Quarrel yun, oh diba at least LQ padin yun" pangiting sambit ni CJ. Napatawa naman si Ash at ako naman napa face palm na lang. Ayyy nako bahala na nga silang magsama, parehas silang mahilig mang-asar, mas tama atang sabihin na mahilig silang pagtulungan ako, sabagay hindi kasi nila ako kaya na mag-isa sila, Kevin niyo ata toh? Matatag toh mga pre! 

"Pfffttt daming katarantaduhan ang pumapasok sa utak mo CJ" pagpipigil niyang tawa. 

"At least may laman ang utak ko! Matalino ako sa katarantaduhan!" proud niya pang saad. Na ikinatawa pa lalo ni Ash, ako naman nagtatalo ang isip kung tatawa o mapipikon. 

"Enough with the nonsense" pagsingit ko kaya napatigil silang dalawa.

"Any suggestions for the backup plan? or plans?" tanong ko sa kanila. 

Nagtaas naman ng kamay si CJ, pfffftttt wala kami classroom, si Ash naman natatawa sa kinikilos niya. 

"Ayyy hehe, what if ang plan B naten ay ano sabihin mo na ng diretso kay Jace na dare lang namin yon sayo" pagsa-suggest niya. 

"Edi masasaktan naman yung Jace na yun" pagtataka kong sabi.

"Edi ayos, parang yun na magiging practice mo sa gagawin mo kay Maira" proud niyang sagot. 

Napa face palm naman kami ni Ash sa ideyang iyon. Idea ng bata, dinaig pa ng grade one. 

"Stupid child! Kung sasabihin ni Kevin agad agad yon edi hindi natin siya napakinabangan?" seryosong saad ni Ash. 

"Wag mong sabihin na may gagawin muna tayo dun bago natin ibasura?" nagtatakang tugon ni CJ. 

"Yeah tutal nadamay na siya rito, idamay na natin siya ng tuluyan" Ash. 

"Sige ba basta ako ang mauuna ah" nakangising saad ni CJ. What does he mean?

"Hoy CJ ibang paraan ng pakikinabang ang sinasabi ko rito, ano yang sinasabi mo?" nagtatakang tanong niya rito. 

"Sus kunware ka pa Ash, alam kong gusto mo din magpasarap" nakangising sambit ni CJ. Kumunot naman ang noo ko sa mga sinasabi niya, ano daw? 

"Hoy ikaw CJ ha puro ka kalokohan, iba ang tinutukoy ni Ash, you pervert!" naiinis kong saad, nagets ko kasi sinasabi niya, palibhasa playboy kaya yun ang palaging nararanasan. 

"Ayy hehe iba ba tinutukoy ni Ash?" pakamot kamot na sabi niya. 

"Oo ibang iba, ikaw kasi puro kabastusan ang laman ng utak mo" napipikon na sabi ni Ash sa kanya. 

"Ehehehe sorry naman akala ko kasi yoon na" pagdedepensa niya pero, wala ayoko na magsalita.

"Anyway, what's in your mind Ash" I changed the topic of our conversation baka mamaya kung saan pa mapunta yung kaninang topic eh. 

"I'm glad that you asked" sabi niya pa bago magsimulang magsalaysay ng mga ideya.

"Ang talino mo talaga Ash" sabi ni CJ pagkatapos sabihin ni Ash ang nasa isip niya, well hindi ko naman maitatanggi ayos din mag-isip ng plano ang isang toh. 

"Yeah, unlike you" pang-aasar ni Ash, na ikinasimangot nung isa. 

"So Kevin, is my plan approved or not?" tanong niya sa akin.

"Hmmm kung yun ang gagawin ko kelan ko pwedeng simulan?" nag-aalinlangan kong tanong. 

"Baka bukas pwede na?" suhestiyon niya.

"Oo nga naman Kevin, siguro naman bukas pwede na kasi sigurado naman na hindi ka papansinin ni Shamaira" aba ayos din magsuggest si CJ ngayon ah. 

"Isipin mo yun may part pa pala ng utak mo ang gumagana" sarcastic na sabi ni Ash. Tumawa  na lamang si CJ.

"Sige sisimulan ko na bukas ang Plan B" I said, sigurado naman na gagana na itong plano na ito. 


Just wait for my dearest revenge Maira, it will be soon.

Plan B is up for tomorrow!


When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon