Ang istoryang ito ay likha sa kathang-isip. Ang mga mababanggit na pangalan, lugar, at mga pangyayari ay parte ng imahinasyon ng author. Ang pagkakapareho sa tunay na buhay ng mga mababanggit na katauhan o pangyayari ay purong pagkakataon lamang.
Enjoy reading. :)
——————————————————
DRIVE
"Nasaan na kayo?" Kei asked. I didn't answer. Naka loud speaker ang phone at nakapatong sa dashboard ng sasakyan.
"Hello? Anyone from the other line?"
Nanatili ang tingin ko sa bintana. May kalakasan ang ulan at nag momoist ang lamig sa bintana ng sasakyan. Narinig kong bumuntong hininga si Renz bago sumagot. "Paalis pa lang kami, Kei."
"Huh? Akala... nasa..." the line became choppy.
"Humihina na ang signal sa lakas ng ulan," rinig kong saad ni Renz. "Use this to cover yourself."
Napalingon ako sa kaniya nang iabot niya sakin ang isang itim na blanket. Umiling ako sa kaniya. "Okay lang ako,"
"Pero basa ka, baka magkasakit ka lang," He insist as he tried to cover me.
Ibinalik ko sa kaniya ang masama kong tingin at padabog na ibinato ang blanket. "I said I'm okay! I don't need that!"
He stiffened. "What's your problem? Kanina ka pa—"
Sa pinagsamang galit at frustration, tears pooled my eyes. "Anong problema ko, Renz? Hindi mo alam?"
"I don't know, that's why I'm asking you! Kanina ka pa sa restaurant! Ang ayos ng pakikipagusap ni Lily, tapos ikaw ay pabalang sumagot? That was rude of you, Gina."
"Of course! Ano ang gusto mong pakikitungo ang gawin ko? Makipag plastikan sa babae mo?" Naiiritang sagot ko. Ang luha ay nagbabadya nang bumagsak.
"Here we go again," He whispered at humarap na sa manibela and he started the engine. "Babae ko na naman, lagi mo namang naiisip 'yan!"
"Kasi totoo naman! Ano? Don't tell me itatanggi mo?" sagot ko at nakatingin na ngayon sa dinadaanan namin. Puro puno ang nasa gilid ng highway kaya mas nahaharangan ang liwanag galing sa araw na natatabunan rin ngayon ng makakapal na ulap. Malakas pa rin ang ulan kaya halos mahirapan nang makita ang daan.
"Wala akong itinatanggi kasi hindi naman totoo ang iniisip mo! Lagi ka nalang nag dududa, pati ang sekretarya ko pinagdududahan mo,"
"Bakit? Sinong sekretarya ba ang papasok sa opisina ng ganoon ang suot? E, halos mag bra't panty nalang 'yon!"
"That's her style! My god, Gina! Ang tagal na natin sa relasyon na 'to! At sa tinagal tagal na 'yon, hanggang ngayon nagdududa ka pa rin!"
Tears fell from eyes. I looked down at my hands. "Paanong hindi, Renz? Ilang beses na rin kitang pinatawad para sa ginagawa mong panloloko sakin? Do you think I have the guts to think na hindi mo na uulitin 'yon?"
"You're just paranoid." tanging sagot niya. Peke akong natawa saka napailing at muling tumingin sa bintana.
Paranoid I am. I guess I have the rights to get paranoid at all times. He cheated on me for how many times, I forgave him and the other day he'll cheat again. Hindi ako sigurado kung humihingi ba siya ng tawad para sa nagawa niya o para sa susunod niyang gagawin. Nakakapagod, paulit ulit lang ang nangyayari samin, mambababae siya, babalik sakin, babawi, mambababae ulit, babalik ulit sakin, babawi, mambababae and blah blah blah, just like a cycle.