Pitong buwan ng pagkakaibigan
Pitong buwan ng mga kasiyahan
Pitong buwan ng mga kulitan
Pitong buwan ng mga asaranMahal kong mga kaibigan
Nakaabot na tayo ng pitong buwan
Pagkakaibigan sana nati'y walang hangganan
Kahit marami pa tayong pinagdadaananMasyado man tayong abala
Sa kanya kanya nating mga buhay
Nandito lang kami para sa inyo'y gumabay
At handa kami sa inyo'y umalalayMga kaibigan kong maaasahan
Sa mga oras ng pangangailangan
Palagi pa rin kayong nariyan
Kahit pa kayo'y may pinagkaka abalahanKung darating man ang araw
Na tayo'y magbabaliktanaw
Sa mga kulitan na kahit mababaw
Paniguradong walang makakaagawMaraming salamat aking kaibigan
Pagkakaibigan nati'y umabot ng pitong buwan
Sana hindi pa ito ang hangganan
Nang ating mga pinagsamahan