Chapter 1
--------
"Nice kill!"
"Chance ball!"
Napatalon kami ng tinoss ni Alan yung bola kay Raycco. Agad kong pinagtapat yung dalawa kong kamay.
Nang tumalon si Raycco ay napapikit na ako sa sobrang kaba. Parang nabingi ako sa ingay ng sigaw ng nasa taong nasa paligid ko. Hindi ko alam kung panalo ba kami o talo. Ang ingay nila. Dun na ako napa dilat ng yugyugin ni Micah yung balikat ko. Pagkadilat ko ay nagtama ang aming mga mata.
Kakaway na sana ako at ngingiti ng agad siyang bumaling sa kanyang mga kasamahan at nakipag high-five. Nabitin sa ere yung kamay ko.
"Panalo silaaaa!" Sigaw ni Micah sabay wagay-way sa dala niyang blue na balloon.
Ngumiti ako ng pilit sakanya. Di mawala sa isip ko yung mukha niya ng tignan niya ako. Ibang-iba sa pakikitungo niya sa kasamahan niya at nga kaibigan niya.
Yung mga mata niya na pag tumingin sa iba ay may bakas na tuwa habang saakin naman siya tumingin ay palaging nakakunot yung noo at parang nawawala sa kanyang mood.
Tumingin ako sa taas kung saan nakalagay yung score nila.
24-26
Sila yung 26 at yun na yung final set.
Kinalabit ko si Micah na busy sa pag ch-cheer kina Raycco. Tumingin siya saakin. Dahil sobrang ingay ay lumapit ako sakanya at bumulong.
"Restroom lang" sabi kona medyo nilakasan yung boses kasi baka di niya marinig.
Lumapit din siya saakin para bumulong. Napabaling ulit yung paningin ko sa banda nila Raycco. And for the second time nagtama ulit yung tingin namin. Ayan na naman yung nakakunot niyang noo na para bang ang laki ng galit niya saakin. Iniwas ko nalang yung tingin ko sakanya at nag focus sa sasabihin ni Micah.
"Huh? Bakit? Ayaw mong e congratulate sina Raycco?" Tanong niya. Umiling ako sakanya. Bago pa siya makapag salita ay tumalikod na ako at pilit sinisiksik yung sarili ko sa daan para makalabas. Naririnig ko yung tawag ni Micah saakin kahit na sobrang ingay pa rin ng mga tao sa paligid. Hindi ako lumingon sakanya at pinagpatuloy lang ang pakikipagsiksikan ko.
May tumulak saakin sa likod kaya napadapa ako. Parang bigla nalang tumahimik yung mga tao na nasa paligid ko. Tinaas ko yung paningin ko at may nakita akong dalawang lalaki na nakatayo at nakalahad yung kamay saakin. Tumingin ako sa paligid ko, lahat sila nag bubulong-bulungan habang nakatingin saakin.
Gusto kong umiyak dito ngayon. Namumuo na yung mga luha ko. Ayaw ko ng ganito. Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay pero bat ganito? Ayaw ko ng pinag ch-chissmisan ako ng mga tao. Ayaw kk ng attention.
So please tama na.
