--------> hey guys, this is my first story na gagawin dito sa wattpad. :) please vote if you like it and write comments if you have something to say and suggestions <---------
"Febe!!!!! Wake up!! Mag eempake ka pa ng mga damit mo!!!"pasigaw na sabi ni mama sa labas ng pinto ng sobrang aga sa umaga! Lilipat na kasi kami ng bahay.
"Yes ma! You don't need to shout! Hindi bingi ang anak niyo!" Sigaw ko naman.
"Ok, hurry up then. We need to leave before 8" whaaat??!!!! Before eight? Eh seven o'clock na.
"Ma naman! Bkt dimo ako ginising ng mas early?" Bumangon ako sa kama at binuksan ang pinto ng kwarto ko at bumaba sa sala kung saan nakita kong naka empake na ang ibang mga gamit at appliances ng bahay.
"Wag nang mashadong marami ang sinasabi at mag empake kana"
Dali-dali akong umakyat ng kwarto at nilabas ang maleta ko at nilagay lahat ng mga damit ko.
"Manang Fleur!!!" Sigaw ko sa maid ng bahay para siya nalang ang mag ayos ng mga iba kong gamit para makaligo na ako.
Pagkatapos kong naligo, nagbihis na ako at inayos ang buhok ko. Dito talaga ako natatagalan sa buhok ko tuwing may lakad ako. I want it perfect kasi. Char!
Pagkatapos kong maayos lahat bumaba na ako dala ang maleta ko. 8:20 na nung makababa ako kaya nasermonan na naman ako sa mama ko.
"Alam mo ikaw na bata ka! Lagi ka nalang ganyan! You are out of responsibility for your self. Tara na! Baka matraffic tayo," sumakay na kami sa van at tahimik kaming nag byahe. Mejo mahaba haba ang byahe. I put on my earphones at tinuloy ko na ang inaasam asam kong tulog ko.
Ako nga pala si Febe Bryle Benjamin, 18 years old. (Febe = Fi/ib) Taga San Pedro Laguna kami pero we are moving out to Baguio. Binenta na namin yung bahay namin sa Laguna kasi wala narin naman kaming reason para magstay dun since my dad died last year. Cancer. Simula nun, naging malungkot si mama and she spent her whole time at work. Samantalang ako naman ay nag aaral. Sa Baguio kami titira kasi taga dun yung boyfriend ni mama, si tito Patrick, I could say that he's a good person kasi lagi niya kaming binibisita ni mama sa Laguna everytime may free time sya. At dahil dun, nakikita kong nagiging masaya si mama pag kasama niya si tito Patrick, hindi ako galit na nagka boyfriend si mama, kasi diko rin siya masisisi. Kasi kawawa siya kay papa nung buhay pa siya, lagi silang nag aaway at nakikita kong binababaan niya ng kamay si mama. Kung san masaya si mama dun narin ako masaya. Pero may isa pa akong kinakatakutan, baka kung nalaman nilang bakla ako, baka yun ang maging dahilan ng paghihiwalay nila kasi baka ayaw ni tito patrick ng bakla at hindi rin alam ni mama.
"Febe! Febe! Gising na andito na tayo! Febe!" Nararamdaman ko ang pag tapik ni mama sa balikat ko habang ginigising ako. At ramdam na ramdam ko ang ang lamig na bumabalot sa katawan ko kaya nasarapan ko ang pagtulog.
"Aaaarrgg! Andito na pala tayo" sabi ko habang humihikap."Oo, bumaba kana at dalhin mo na ang mga mga gamit mo" sabi ni mama. Kinukuha ko palang ang maleta ko nang narinig ko ang boses ni tito pat para salubungin kami.
"Hi mahal" pagsalubong niyakay mama sabay yakap at halik. Diko maiwasang manggigil. Napakalaswa. Haha!
"Hi febe, welcome here in Baguio" sabay nang pag welcome niya ang nakapaka aliwalas na ngiti niya. Ang pogi tlga ni tito Patrick, at ang swerte ni mama sakanya haha.
Maganda rin naman kasi si mama."Eto na nga pala ang bagong bahay natin" sabi ni tito patrick sabay turo sa napakalaking bahay. Ang ganda ng bahay niya at ang laki. Nagtaka tuloy ako kung bakit ganito kalaki ang bahay niya pero siya lang naman mag isa. Hmm.
"Febe halika papakita ko ang kwarto mo," umakyat kami ng hagdanan at may binuksan siyang pinto. "Dito ang kwarto mo, sa tabi nito kwarto namin ng mama mo, at sa kaharap ng kwarto mo, guest room, Oh, maiwan na muna kita, ikaw na ang bahala, ito ang susi mo" iniabot sakin ang susi na may dalawang kopya. Baka daw kasi mawala yung isa para may reserba. Inayos ko ang mga gamit at damit ko humiga ako sandali.
Napakalamig talaga dito. Kumuha ako ng jacket at lumabas ng kwarto. nadatnan ko si mama at ang katulong sa bahay na naghahanda na ng dinner at si tito Patrick na nanunuod sa sala.
"Oh anak, diba dapat nagpapahinga kana?" sabi ni mama
"Hindi na ma, nakatulog din naman ako sa byahe kanina. Ma , paano na pala yung mga naiwan nating mga appliances sa bahay? Kasama ba yun na binili?" Tanong ko kay mama.
"Hindi, ipapadala ng LBC yun dito baka bukas pa darating" sagot ni mama at tumango nalang ako.
"Baka gusto mo munang mamasyal jan sa labas Febe, madaming convenient store jan na pwedeng tambayan at yung SM jan lang sa may upper hill." Sabi ni tito
"Cge po" lumabas ako ng bahay para suriin ang paligid. May nakita akong seven eleven sa may kabilang kalye kaya pumunta ako dun para bumili ng sneakers na chocolate. Favorite ko talaga ang sneakers. Hoho! Yummy! Nang nabayaran ko na sa cashier, umupo ako sa may tabi ng window glass.
Napapaisip ako kung anung pwedeng gawin sunod nang may biglang umupo sa tabi kong maputi, matangkad , matangos , makinis at mabangong lalake. Napatingin ako sa kanya, nginitian niya lang ako at ngumiti nalang rin ako pabalik. Mejo natakot ako kasi biglang nalang sumulpot
Baka mandurukot. Pero cute siya mashado para maging snatcher. Hihi"Hulaan ko, kayo yung bagong lipat"
Bigla siyang nagsalita at tumango nalang ako habang kinakain ang sneakers ko. "Nikko nga pala" sabay abot sa kamay niya para makipagkilala. Ay iba rin to haha. Makapal si kuya. Pero keme lang."Febe" inabot ko nalang rin ang kamay ko para makipagshake hands.
"Taga san nga pala kayo dati?" Tanong niya
"Aah, sa Laguna" pilit ngiti kong sagot.
"Ow, anlayo naman pala. Pero dina kayo babalik dun?" Andami naman tanong nito.
"Hindi na kasi binenta namin yung bahay namin dun kaya dito na kami" I answered back.
"Aaahh, taga jan nga pala ako oh" sabay turo sa bahay na katabi ng bahay ni tito patrick."kapit bahay lang tayo haha" sabi nya sabay tawa. May topak ata to eh.
"Eh bat ka natawa?" Tinitigan ko lang siya with a blank face. -_-
"Wala lang, masaya lang ako kasi magkapit-bahay pala tayo" masaya niyang sagot. Type ata ako nito. Kaloka.
"Aaah cge, anlamig talaga dito noh?" Tanong ko sakanya. Trying to be nice kasi mukha naman talaga siyang mabait.
"Ay oo ah, lalo na sa december hanggang febuary. Nilalamig ka ba?" Tanong niya sabay tingin
"Sobra" sabi ko na nakayakap sa katawan ko.
"Kung gusto mo yakapin muna kita?" sabi nya sabay kindat. May pagkamanyak si kuya. Haha.
Tinaasan ko lang siya ng kilay. Bakla kaya to? Kapoging lalake. Pogi naman tlaga. Haha.
"Aahh, hi-hindi , may jacket naman ako kaya ok lang" nauutal kong sagot sanhi ng pagtawa niya "haha! Joke lang yun, di kana mabiro,"
"Sige lang, sanay naman akong hindi sineseryoso" ay char! Humugot ako nang wala sa oras.
"Hala to, hugotero. Haha"
Pagkatapos naming mag kwentuhan nagpaalam na ako para umuwi kasi gabi na rin."Oh panu yan, mauna muna ako baka hinahanap na ako samin."
"Aah cge, may bibilhin pa ako sa SM eh. Nice meeting you.... Febe" sabay ngiti. Cute talaga nito.
***********
Pagdating ko sa bahay, saktong kainan na ng hapunan, niyaya ako nila mama na kumain pero sabi kong dina ako kakain kasi nabusog na ako sa chocolates kaya dumiretso nalang sa kwarto. Humiga ako sa kama at ramdam ko na ang pagod ko. Bago ako tutluyang makatulog nag toothbrush at naghilamos muna ako.-----> the first chapter ends in here :) hit vote if nagustuhan niyo :) and comment kung may suggestion kayo or sasabihin. Mag coconsider ako hahaha! And here where the friendship of Febe and Nikko starts.
*yung pag pronounce ng pangalan ni Febe ay (febe/ fi-b / fib). If ever nanconfuse kayo *
BINABASA MO ANG
My Neighborhood (boyxboy)
RomanceLove is what you do. Be good at it. Competence is a rare commodity at this age and days. Sabi nga nila, kahit gano tayo kagaling mag mahal, pero kung yung taong mahal natin eh di naman tayo mahal. Bigti na teh! Ay djoke! Haha. Sometimes, the more we...