Kabanata 33

2.1K 57 3
                                    

Sa gulat ko ay naitulak ko ng malakas palayo sa akin si Isaiah. Buti na lang at hindi siya nawalan ng balanse dahil sa ginawa ko. Nakangisi naman si Icarus ng dumako ang tingin ko sa kanya. Inirapan ko siya at ang mokong tumawa ng pagkalakas lakas.

"Ang ingay mo." puna ko at mas lalo pang humalakhak ang gago. Napatingin naman ako ng bahagya kay Isaiah na nakangiti at tila sinusuportahan pa ang kaibigan. Napatingin ito sa akin at nawala agad ang kurba sa kanyang mga labi.

"Did you bring my clothes?" tanong ko ng lingunin kong muli si Icarus. Pinakita naman niya ang bitbit niyang bagahe at tumango ako.

"So, anong oras ang flight natin?" tanong ni Icarus at umupo sa sofa na animo'y sa kanya ang penthouse.

"I'll just make a call. Feel free to get something out of the fridge. You know the way, Icarus." pinagmasdan ko naman siyang lumayo matapos niyang sabihin sa amin yon. He fished out his phone from his pockets and dialed something.

"So" panimula ni Icarus at umirap naman ako bago siya tabihan.

"Huwag mo kong simulan." saad ko at tumawa siya.

"I'm not saying anything, Allele. I just want you to think wisely this time." kumunot naman ang noo ko.

"I should be the one telling you that." sabi ko at nagkibit balikat lang siya.

"One last thing, if your heart says risk it. Risk it. Nakakabaliw mag-isip." makahulugang sabi niyang muli. Bumuntong hininga ako at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.

Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Alam kong alam niya na hanggang ngayon ay binabagabag parin ako ng konsensya ko sa ginawa kong pang-iiwan kay Isaiah. Pagbalik-baliktarin mo man ang mundo, I still left him. I left him without telling him why.

Hindi ako proud sa naging desisyon kong iyon. Maybe with all the decisions I've made in my life, yun ang pinakagusto kong balikan at baguhin. Pero sa tuwing iniisip ko iyon ay lagi kong sinasabi na mas mabuti ang ginawa ko noon. If I choose the other options, things may not be better than what I chose right now.

Masaya na ako na nakikita ko siya ngayon kahit bilang lang ang nagiging pag-uusap namin. Kahit naman noon hindi siya masyadong masalita pero sa actions niya pinapakita ang mga gusto niyang sabihin.

Tahimik akong nakaupo sa may bintana ng private plane ni Isaiah. May ginagawa pang kaunting inspections bago kami tumulak. Medyo natagalan ang pagpunta namin sa airport dahil nga biglaan ito.

"Would you like some snacks, Maam?" tanong ng flight attendant sa akin at umiling naman ako.

"No, thank you. I'll just call you when I need anything." sagot ko at tumango naman siya. Nilingon ko si Icarus na mahimbing ang tulog sa upuan. Hindi pa kami nakakaalis sa airport ay nakatulog na siya.

Napatingin naman ako kay Isaiah ng lumakad siya sa may kinauupuan ko at umupo sa right side na upuan. Kaharap ko siya pero nasa kabila siyang row.

"We're leaving?" tanong ko at tumango naman siya.

"They just check some things. Sorry for the delay." ngumiti naman ako. May biglang tanong naman na sumulpot sa utak ko at bago ko pa ito maisip na mali ay nasabi ko na ito.

"Bakit hindi kasama si Corrine?" napapikit ako sa sinabi. Mukha namang hindi siya bothered sa ranong ko o sadyang dahil sa sobrang tahimik niyang tao ay mabilis niya ito naitatago.

"She have some things to do in France. She's a model. I don't want to be a burden and ask her to come. Our relationship is always been that way." sagot niya sa tanong ko at dahan dahan naman akong tumango.

Innocent Rose (One Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon