Umuwi na kaming dalawa ni minda at naisip kong itanong sa kanya kung ano ang ibig sabihin ng winika saakin ng ginoo
“Minda,anong ibig sabihin ng salitang Te quiero?”tanong ko dito at tila ba nagulat ito
“Sinong nag sabi sa iyo niyan esme?”
“Ah si ginoo eliaz sinabi niya saakin yun pagkatapos ibinigay ang kwintas na ito”ipinakita ko ang kwintas sa kanya at siya naman ay parang gulat na gulat sa mga pangyayari
“E—esme k..kasi ano…”
“Kailan ka pa na bulol minda?” Medyo naiirita na ako ang wiwirdo ng mga tao ngayon
“Mahal Kita”
“Ano?!” o_O
“Yun ang ibig sabihin ng te quiero”
naghuhurmentado ang puso ko at parang bigla nalang hindi makagalaw totoo ba ang binitawang salita ng ginoo?“Esme alam mong ba—”
“Alam ko minda”
Nakauwi na ako sa bahay at iniisip pa din ang mga nangyari, iniibig ko ang ginoo ngunit hindi maari dahil baka ang pamilya ko naman ang pag ininitan ng kapitan
Masyadong mataas ang antas ng pamumuhay ng ginoo samantalang ako ay napaka baba Isa pa mayroon na siyang binibining nakatakdang pakasalan
Kinabukasan ay pumunta ako sa bundok sagana at umakyat ulit sa paborito kung puno masyado pa ding gulong gulo ang isip ko
“Binibini halika at mag usap tayo”ani ni eliaz alam kong kanina niya pa ako tinitingnan at humahanap siya ng tamang tyempo up ang ako ay maka usap
“Ginoo alam mo namang hindi mo ako maaring gustuh—”
“Pakiusap binibini wag mong sabihin saakin yan alam na alam ko iyan ngunit ayaw kung pigilan ang aking sarili lalo na at ngayon lamang ako susuway saaking ama”
“Pero madadamay ang pamilya ko eliaz alam mo yan”
“Ako ang gagawa ng paran binibini pero pakiusap hayaan mo akong iparamdam sayo ang pagmamahal ko sa iyo nag susumamo ako”pakiusap niya saakin at tila ba nadudurog ang puso ko sa nakikita kong kalungkutan sa kanyang mga mata
“Tatangapin mo ba ako binibini?”nakikiusap ang tono ng kanyang salita“maari ba kitang ligawan?”
“Sige pumapayag na ako ginoo” at dahil mahal ko siya ay bumigay kaagad ako
Lumipas ang mga araw at lagi akong niligawan ng ginoo ipinapakita niya saakin kung gaano niya ako ka sinisinta
Siya ay malambing,maalalahanin,maginoo at higit sa lahat ay napaka galang niya saaking mga magulang talagang dumadalaw pa siya saaming bahay at nag hahatid ng iba’t unang prutas,ipinag igib at pinag sibak rin niya ako ng kahoy
Nakuha na niya ang biyaya ng aking mga magulang at kami ay naging mag kasintahan na nga
“O aking sinta ako’y nagagalak
Sa tuwing nakikita iyong halakhak
Ganda ng iyong ngiti
Sa isip ko’y laging gumasagi
Kislap sa iyong mga mata
Ang laging nais kong makita
Nais kitang makasama
Hanggang saaking huling hininga
Oh esmeralda
Ikaw ang aking sinta”Basa ko sa tula na ginawa saakin ng ginoo pang labinpitong beses ko na itong nabasa ngayong araw at hindi ako nag sasawang basahin ito
“Ano’t tila nasisiraan ka ng bait diyan esme?!” Tanong ni inay Josefina ewan ko ba at kung magsalita siya ay laging pasigaw hindi ko pa nga siya naririnig na magsalita ng mahinhin
“Hayaan mo na siya Mahal at pumapag ibig lamang ang ating bunso” sabi ni tatay Augustine at kumindat saakin kaya naman ay natawa na lamang ako
“Paniguradong nag bigay na naman ng liham sa kanyang kasintahan” ani ni kuya Augustino kaya naman ay mas lalo ako napatawa
“Nawa’y lahat” sabi ng aking nakatandang kapatid ko na babae na si Estellaña
“Anong salita na naman ba ang iyong natuklasan este?!”si nanay na naman ang nagsalita
“Nawa’y lahat ay mayroong kasintahan yung kasi ang nais kung ipabatid nay”pagpapaliwanag pa nito at bigla na lamang kaming nagtawanan
“Paano kasi sa dami ng umakyat ng ligaw sa iyo ay tinangihan mo silang lahat!!” Si inay ulit yung nagsalita
“Paanong hindi ko sila tatangihan nanay eh ang sabi nila hindi daw pantay ang aking pang upo!!”sigaw ni ate na nagpagulat kay nanay
“Aba sinisigawan mo ba ako este?!!!”
“Hindi po nay tinatawanan po kita”
“Aba loko tong batang to ah”
At yun nanga naghabulan si nanay at ate habang kami namang ay tawang tawa sa kanilang dalawa...
_________
A/N:Masayang pamilya <3
| Jorij Vieno |
BINABASA MO ANG
BUNDOK SAGANA(Maikling Kwento)
Historical FictionAng wagas na pag mamahalan nina Eliaz at Esme na kanyang hamakin ang lahat makapiling lamang ang isa't isa......