Leus' POV
Lumipas ang ilang minuto at sa wakas ay nakahanap na rin kami ng taxi. Medyo natagalan kami kasi medyo late na rin natapos yung bakbakan namin kanina. It's already 10PM at ramdam ko rin yung gutom at pagod ni Lorde.
While we are on our way home, napansin ko nalang na nakatulog na pala si Lorde habang nakasandal siya sakin at naka-akbay pa rin ako sa kanya. Kanina pagpasok namin sa taxi, sinubukan kong tanggalin yung kamay ko mula sa pagkaka-akbay sa kanya pero he refuses kasi baka raw matumba ako which I admit na parang hindi ko pa talaga kaya maglakad mag-isa. Grabe yung mga suntok nung mama sakin kanina, talagang nahilo at nawalan ako ng lakas sa katawan ko. Parang naubos lahat. Tsk.
Hindi gaano katindi yung traffic kaya medyo smooth yung pag-uwi namin pabalik ng hotel.
"Jowa mo, pre?" tanong ni manong driver sakin habang nag-aabang sa go signal.
"Ah-eh. Hindi po. Kaibigan lang" sagot ko. Tapos tinawanan lang ako. Loko tong drayber nato. Ayaw maniwala.
"Diyan naman talaga nagsisimula lahat diba? Alam ko na mga galawan niyo. Mga kabataan talaga ngayon" sabi niya sabay tawa. Hindi na ako umimik kundi baka masuntok ko ito eh.
"San nga pala kayo?" tanong niya ulit
"Hotel Madrigal"
"Tingnan mo nga naman" tapos tumawa na naman ulit ang unggoy.
Nung malapit na kaming makarating, biglang nag ring yung phone ni Lorde which made him na gumalaw ng kaunti. Since parang tulog na tulog yata tong isa, I decided to answer the call.
"Hello bro. Good Evening" bati ko sa kuya ni Lorde
"Good evening pare, kasama mo ba ngayon si Lorde?"
"Oo bro, actually malapit na kami sa hotel. Tulog kasi si Lorde kaya ako nalang yung sumagot sa tawag mo" paliwanag ko sa kanya.
"Sige. Dito nalang tayo mag-usap pagkadating niyo. Sige pare salamat!" pagkababa ng tawag eh sakto naman na dumating na kami sa labas ng hotel.
"Lorde, gumising kana. Nandito na tayo" habang tinatapik-tapik ko siya and at the same time kinuha ko na rin yung wallet ko para magbayad.
"Hoooooooy gising na. Andiyan na mama mo oh" sabi ko sabay abot nung bayad at ng walang anu-anoy biglang gumising ang nooy patay na patay sa kaniyang tulog.
"HUH?! NASAAN SI MOM?" halatang gulat na gulat sa narinig niya.
"Nasa loob ng kwarto nila malamang. Hali ka na nga. Halikan kita jan eh" sabi ko sabay bukas ng pinto.
"Gago ka pala eh." Sabi niya sabay labas sa taxi. Actually medyo okay na yung katawan ko. Nakakapaglakad na ako ng maayos pero medyo masakit pa rin yung mga tama ko sa may parte ng tiyan at namamaga yung pisngi ko at tsaka medyo basa kami sa ulan kay pareho kaming nanginginig sa lamig.
Pagpasok namin sa loob, isinoot ko yung hoodie para di gaano mapansin ng mga crews na bugbog sarado yung mukha ng anak ng may-ari ng hotel. Panigurado pag nalaman nila to, isusumbong nila agad ito kay dad and instead na tulungan akong gamutin ito, mas lalo pa akong papagalitan nun.
Pumasok kami agad sa loob ng elevator na sakto namang walang tao kaya medyo nawala yung kaba ko. Pagdating namin sa labas ng pinto ng kwarto nina Lorde at ni Braden, napatingin muna kami sa isa't-isa. Hinubad ko muna yung hoodie ko at tsaka kumatok. Pagkabukas ng pintoan ng kuya ni Lorde, halatang gulat na gulat siya sa nakita niya.
Lorde's POV
Tangina bes. Before kasi namin kinatok yung pintoan, nagtinginan muna kami ni Leus na parang tinatanong ang isa't-isa kung ano ang gagawin. Nung binuksan na ni kuya ang pintoan, bakat sa mukha ng gago ang kaniyang pagkagulat.
BINABASA MO ANG
Some Type Of Love
Ficção AdolescenteSi Lorde ay isang masayahin, kalog, matalino at gwapong estudyante na naninirahan sa ibang bansa kasama ang kaniyang pamilya. Pero bukod sa kaniyang pagiging gwapo, gwapo din ang kanyang hanap. Maraming naging interesado sa kaniya ngunit hindi niya...