"Anak, sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Seryosong tanong ni Melissa sa anak niya habang masinsinan silang dalawang nag-uusap sa kwarto. Si Alyssa muna ang nag-aaliw kay baby Kylie doon sa sala."Oo, nay." Sagot ni Vanessa." Ito lang ang tanging paraan para matigil na ang pagkabalisa ko. Kailangan na kailangan ko ang suporta ninyo." Dagdag pa niya habang hawak ang mga kamay ng kanyang nag-aalalang ina.
"Kung talagang yan ang paraan para mapanatag ang loob mo, susuportahan kita. Wala kang dapat ipag-alala sa anak ninyo ni Sander. Apo ko si Kylie kaya hindi ko siya pababayaan. Walang salarin na aamin sa katotohanan hangga't hindi ginigipit gamit ang matibay na ebidensya. Kung talagang matindi ang pagdududa mo na nambabae ang asawa mo," Napabuntong hininga si Melissa bago pa nagpatuloy, "Maghanap ka ng katibayan na magpapatunay na nagloloko talaga si Sander."
Niyakap ni Vanessa ang kanyang ina at laking pasasalamat niya dahil lagi siyang suportado nito sa kanyang mga desisyon at plano.
*
*
*
*
*
It's undas 2020 pero bawal pumunta sa mga sementeryo sa actual na araw ng mga patay. Mahirap na, tiyak kasi na dadagsa ang mga tao doon at mahirap i-monitor ang social distancing. Sa 7th of November na nagpunta si Diane sa memorial park kung saan nakalibing ang kanyang ama upang dalawin ito. Sinamahan siya ni Sander dahil si Regina ay may ibang lakad kasama ang kanyang French husband. Hindi maiwasan ni Diane na maisip na mabuti pa ang pinsan niya.
Dati si Regina ang naiinggit kay Diane kasi nasa kanya na ang lahat: asawa, anak, career, success. Akala ni Regina noon tatanda siyang mag-isa. Life is full of surprises ika nga naman. At puno rin ng twists and turns. And now the table has turned. Si Diane ang mag-isa habang si Regina ay masayang-masaya sa kanyang married life. Medyo late nga siyang nagkaasawa pero sobrang "worth the wait" naman daw si René.
Diane cuts all those thoughts from her head. Yun pa talaga ang naiisip niya habang nakatingin sa puntod ng ama niya. At ngayon ang kanyang yumaong ama na naman ang naiisip niya. For sure her dad had a happy life, but at the end he didn't have a happy death. Namatay siyang hindi nakapag-reconcile o kahit closure man lang kay Dina. That was a sad ending. At nag-flashback na naman kay Diane ang lahat. Hindi na niya napansin na tumulo ang kanyang luha.
"Diane.." Nagsalita na si Sander na nakatayo sa kanyang gilid. "Masakit pa rin pala sayo ang pagkawala ng dad mo kahit sa tagal ng panahon."
Nahihiya si Diane na nakikita na naman siya ng assistant niya na umiiyak ngunit hindi niya talaga mapigilan ang sunod-sunod na pag-agos ng kanyang mga luha.
"Ito oh.." Says Sander while offering her a handkerchief.
Ngunit hindi pinansin ni Diane ang kanyang inalok na panyo. Sa halip ay lalo lang tumindi ang kanyang pag-iyak hanggang sa humahagulgol na talaga siya. Mas lalong nag-aalala si Sander at ang tangi niyang naiisip gawin ay ang yakapin ang umiiyak niyang boss.
"Ayokong nakikita kang umiiyak, nasasaktan." Says Sander as Diane puts her head on his shoulder, sobbing and just letting her tears flow. "Pero andito lang ako. Hindi kita iiwan, hindi kita huhusgahan. Iiyak mo lang yan hanggang sa gumaan ang loob mo."
"Ang sakit pa rin." Sabi ni Diane na halos hindi na maiintindihan dahil sa pag-iiyak niya.
Sander rubs her shoulder. They stayed in that position for a while. Sa totoo lang, nasasaktan si Sander na nakikitang nagkakaganito si Diane. This wonderful and amazing woman deserves so much love and appreciation. Sander thought. He wants to give her all the love she deserves. Hindi niya alam kung tama o mali ang nararamdaman niya pero basta yun ang totoong feelings niya.
BINABASA MO ANG
Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)
FanfictionSTRONG-MINDED. SOPHISTICATED. PASSION and CAREER-DRIVEN. Ganyan mailarawan si Diane Martinez, ang boss ng Martinez Company. TIMID. SMART-BUT-SLOW. CONSERVATIVE. Ganyan naman niya i-describe ang kanyang ordinaryong empleyado na si Vanessa. But there'...