"Elle, come here."
Pinalapit ako ni Ate Mara sa tabi niya. Nakauwi na rin si Aldrich dahil late na rin naman. May trabaho pa yata siya bukas.
Lumapit ako kay Ate para makinig sa sasabihin niya. "I know you heard Aldrich's ideal girl." Sabi niya.
"Yes," maikling sagot ko dahil medyo naguguluhan ako.
"Do you think... he likes you?" She smiled.
Tumabi naman sa amin si Mama para makinig sa pinag uusapan namin ni Ate."No," maikling sagot ko at tumayo na para pumunta sa kwarto. Sumunod naman sa akin si Mama. Hinatid niya ako hanggang sa pintuan ng kwarto ko at nag goodnight pa. Wala naman akong flight bukas kaya pwede akong magpuyat ngayon.
"Goodmorning!" Sabi sa akin ni Lola dahil nakita niya akong palabas sa kwarto. Pinapakain niya ako pero hindi ako sanay mag almusal.
"What are your plans in your birthday, Mara?" Rinig kong sabi naman ni Tito Jordan sa anak niya. Next month ay birthday na ni Ate Mara at for sure, dito lang sa bahay gagawin.
Tumambay muna ako sa may terrace habang umiinom ng kape. Medyo malamig ngayon dito kaya naka jacket ako dahil magpapasko na. I still can't believe na 2years na kaming nagpapasko rito. Honestly, I missed how we celebrate Christmas in the Philippines. Dito kasi ay may trabaho pa rin sila kahit sa araw ng pasko.
I miss to hang out with my friends. I hope totoo 'yung sinabi ni Mama na before birthday ko ay magbabakasyon kami sa Pilipinas.
"Dad, I told you I don't have a plan to have a boyfriend again. It's just a waste of time. I can live without a boyfriend." Paliwanag ni Ate Mara sa Daddy niya. Wala rin pala siyang boyfriend? Siguro may ex siya. Nababalitaan ko dati na may jowa siya, e. Ano kayang nangyari sa kanila? Nacurious tuloy ako.
Nang tinabihan niya ako ay nagkaroon ako ng pagkakataon na itanong sa kanya kung bakit ayaw na niya. "I can't trust boys anymore. Except my Dad and Aldrich." Iyon lamang ang sagot niya at umirap pa.
"Why?" Tanong ko sa kanya.
"My last boyfriend cheated on me. So tell me now, why would I trust love again?" Nakita ko sa mga mata niya na nalulungkot pa siya sa nangyari. Baka hindi pa niya nakakalimutan ang lahat. Naguilty tuloy ako dahil nagtanong pa ako about sa past niya.
"Elle, I trust Aldrich for you. He's the perfect man for you, my dear. He won't hurt you." Dagdag niya. Umiling na lang ako at tumawa ng kaunti. Bakit kaya pinagpipilitan siya sa akin ng pamilya ko, e kaibigan lang talaga ang turingan namin sa isa't isa.
Pagkatapos kong uminom ng kape ay humiga ulit ako para hintayin ang lunch time. Nagscroll na muna ako sa social media accounts ko para hindi mainip.
From: Martha
I miss you so much, sis! How are you?I randomly received a message from my bestfriend. Nagkita kami last year dahil may layover sila rito. Sayang lang dahil hindi na naulit iyon.
To: Martha
I miss you! Ayos lang naman ako, ikaw? Kamusta ka na?From: Martha
I'm fine. Do you know na nagpupunta pala sa bahay niyo si Billy? Naikwento lang sa akin ni Selene. Ayaw ko ngang maniwala pero kahapong dumaan ako doon nakita ko siya na palabas sa gate niyo.Hindi na ako nabigla sa sinabi niya. Madalas ngang pumunta si Billy sa bahay ko dahil nga barkada niya si Kuya Kelly at doon sila nagbobonding kapag wala silang trabaho. Besides, nakakausap ko pa rin naman si Billy, e. Nagrereply siya minsan sa mga facebook at instagram stories ko. Hindi na nga lang araw araw. Siguro, once a month?
To: Martha
I know.From: Martha
Sana all may closure! Tagal mong nakamit 'yung closure na gusto mo 'no? 8 years amp! Hahaha.To: Martha
Well I think it's not about closure. It's the acceptance.From: Martha
Sana all pa rin! Kamusta kayo ni Aldrich?To: Martha
What the heck? Pati ba naman ikaw?From: Martha
Ano? Sabi ko kamusta kayo? Bakit parang nilalagyan mo ng malisya?To: Martha
He's fine. Palagi pa ring nakabuntot sa akin kapag wala siyang trabaho.From: Martha
I think he likes you. Hindi mo lang ramdam dahil namanhid ka na sa pag ibig na 'yan.To: Martha
He treat me the way how he treats Ate Mara. Walang pinagkaiba. I'm one of his friends.From: Martha
Awit, ang manhid mo.Madami pa kaming pinag usapan ni Martha tungkol sa maraming bagay. Natapos na rin akong kumain ng lunch at balik na naman ako sa kwarto. Mamaya yata ay susunduin ako ni Aldrich dito para kumain sa labas. Ganoon ang ginagawa niya tuwing wala akong flight at wala siyang trabaho, palagi kaming kumakain sa paborito kong restaurant dito.
"Looking good, huh?" Puri niya sa akin nang makita na niya akong lumabas sa pintuan namin.
Pinagbuksan pa ako ng pinto sa restaurant nang makadating na kami. Namili na rin ako ng mga gusto kong kainin nang lumapit sa amin ang waiter.
Dumating na rin ang pagkain kaagad. Kanina pa ako hindi nagsasalita, hindi ko rin alam kung bakit. Mukhang nagtataka tuloy si Aldrich.
"Bakit ang tahimik mo yata ngayon?" He asked.
"Do you like me?" Napalunok siya sa narinig niya sa akin. Nagulat rin ako sa sarili ko kung bakit ko nasabi iyon.
"Uh, let's not talk about that, Elle. Ang weird, e." Patuloy pa rin siya sa pag kain.
"Yes or no-"
"Yes, I like you. Is that enough?" Imbes na magalit ako sa sagot niya ay pinagtawanan ko lang.
"Aren't you mad? I'm sorry, Elle." Maingat na tanong niya.
"No, it's not your fault." Sagot ko naman at nginitian siya.
"Really? So it means our friendship will remain? Walang magbabago, ha?" He said.
"Wala." I smiled at him.
Naging curious tuloy ako kung anong nagustohan niya sa akin. Alam rin kaya ni Ate Mara? Kaya ba lagi niyang tinatanong kung walang chance sa akin si Aldrich?
Lumipas ang ilang araw at wala namang nagbago sa pagsasama namin ni Aldrich. Palagi pa rin niya akong sinusundo sa Airport. Hindi ko naman pinagsabi na gusto niya ako dahil baka ipagpilitan siya sa akin.
"Hindi mo ba talaga binibigyan ng chance ang mga taong gustong maging parte ng buhay mo?" He asked while he's driving.
"Bakit mo natanong?" Tanong ko even if I already get what he mean. He's part of my life naman, e. He's my friend and also my cousin's friend.
"Wala naman." He smiled.
Nagulat ako nang bumaba na kami sa sasakyan at may dala siyang bouquet na bulaklak. "For you."
"Oh, thank you! Nag abala ka pa." Kinuha ko iyon at pinapasok na rin si Aldrich sa bahay.
"Saan galing 'yan, anak?" Tanong ni Mama, nakita niya kase iyong bulaklak na dala ko. Kaagad ko na lang nilapag iyon sa sofa para dumiretso na sa kusina.
"Uh.. kay Aldrich po." Ngumiti kaagad siya dahil sa narinig niya sa akin. Akala niya siguro'y nililigawan ako ni Aldrich.
"Aldrich, may gusto ka bang sabihin, hijo?" Sabi ni Papa habang nakaupo na kami at kumakain na. Nagulat naman itong si Aldrich at mukhang kinakabahan. Tinignan niya muna lahat ng mga kasama namin bago pa niya sagutin ang tanong sa kanya ni Papa.
"Manliligaw po ako kay Elle. Hihintayin ko po siya hanggang sa maging interesado na siya ulit para umibig."
BINABASA MO ANG
Maybe in a Parallel Universe
Teen FictionIn life, there's a person who will come and will let you feel the best. Like what happened to Adrielle, she felt the love and happiness that she's dreaming for her whole life because she met Billy. Happiness has a boundary. You can never be always h...