Chapter 40

17 4 0
                                    

"Sumama ka na lang kasi!"

This is what I missed about Kuya Kelly. Hindi pa rin nagbabago ang pagiging makulit niya! I went home already and I'll stay here in the Philippines for good. Sayang naman ang bahay na pinagawa ko kung hindi ako titira dito.

I'm fine with my parents, I already accepted their apologies but I wanna live on my own will. Wala na silang magagawa kung bakit gusto ko munang lumayo sa kanila. Besides, ilang linggo na lang ay birthday ko na. For sure na uuwi sila rito and they will stay for two weeks.

"Saan ba kasi talaga tayo pupunta?" Kanina pa ako naguguluhan sa kanya dahil pilit niya akong sinasama sa pupuntahan niya. I don't even know kung saan at kung sinong kasama.

Hinila niya ang kamay ko at dinala pa ako sa closet ko para mamili na ng damit na susuotin. Buti na lang ay naka ligo na ako! "Kasama ba si Selene?" I asked him with a curious tone.

"No, huwag ka na ngang magtanong! Just wear goddamn dress. Yung magiging maganda ka sana!" Wow, kapag ba hindi ako naka-dress ay pangit na ako? Kababalik ko lang dito ay iniinsulto na naman ako ng mabait kong pinsan. Mabuti pa si Ate Mara ay palagi lang nakasuporta sa akin.

I wore a white off shoulder puff sleeve dress, I really love wearing white and for my footwear, a one inch silver pointed heels. I curled my hair and put a light make up on my face.

"Nag- stay ka lang sa Miami, nagmukha ka nang diwata, huh? Kapag siguro ako ang tumira doon ay magmumukha lang akong tikbalang!" He fixed some of my hair na sumasagabal sa mukha ko. I just smiled at him. I really trust Kuya Kelly. Sa kanya ko lang sinabi yung nalaman ko kay Mama. Mabuti na lang ay napilit ko siyang huwag nang sabihin kay Billy kahit bestfriend niya pa ito.

After I fixed myself, I quickly went downstairs because Kuya was already waiting for me. "Ready?" Sabi niya sabay ngisi. I don't know kung bakit sa pagpilit niya sa akin na sumama ay ngayon lang siya nagmukhang hindi excited.

Nakasakay na kami sa kotse at siya ang nagdrive. Tahimik lang akong nakaupo sa shotgun seat at tinitignan ang mga bawat tanawin nadadaanan namin. Minsan ay sumusulyap siya sa akin and he looked so worried everytime na tinitignan ako. "Siguraduhin mong maganda 'yang papasyalan natin, ha?" Tinapos ko ang katahimikan namin habang nasa biyahe. I didn't received any answer from him. He just stared at me for few seconds and smiled a bit.

"Elle, can you uh wear this?" He smiled awkwardly habang inaabot niya ang blindfold. I didn't get it why I need to wear that. Hindi ko kaagad sinuot iyon pero in the end, siya pa rin ang nasunod. "T-thank you."

Dahan-dahan niya akong inalalayan habang bumababa ako ng sasakyan. "Can I remove it-"

"No." He said. I can hear some people talking behind me, but their voices weren't familiar. "Bakit kailangan nandito iyan?" Iyon ang huli kong narinig bago ako makarinig ng isang kantang malumanay.

Inupo na ako ni Kuya Kelly habang patuloy pa rin ang tugtog. Nang alisin niya ang takip sa mata ko ay bumungad sa akin si Tita Elly. She held my arms tightly. I looked around surroundings. It seems like a magical wedding. Tinignan ko si Kuya Kelly pero wala siyang reaksyon. I looked at my back at nakita kong may.. What the hell!? Pamangkin ni Billy 'tong batang babae, huh? Anak ito ni Kuya Bren!

Tumingin ako sa harapan and.. Oh, there he is! Standing and waiting for his bride. I looked at Tita Elly para malinawan ako kung bakit kailangang nandito ako sa kasal ni Billy. Lalo lang akong nasasaktan dahil nakikita kong ikasal sa iba ang taong mahal ko.

"Pasensya ka na, anak. Gusto lang naman kitang makita. Alam ko namang umiiwas ka na sa pamilya namin, e. Hindi ko kagustuhan na sa mismong araw ng kasal ni Billy, 'nak. Wala lang akong ibang ideya. Don't worry, wala siyang alam na nandito ka." She explained. Kaya pala kahit siya ang nanay ng groom, nasa likod siya nakaupo. Hindi siya ang naghatid kay Billy, huh?  Tumango lang ako habang tulala pa rin.

Maybe in a Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon