"So you are confused?"
Kumunot ang noo ko sa tanong ni Yoshi. Sinabi ko kasi sa kaniya na mayroon akong kaibigan na nagkaroon ng bagong kaibigan. Tapos naguguluhan siya kung gusto na ba niya iyong kaibigan niya o ganoon lang talaga siya umakto bilang kaibigan.
Pero hindi ko naman sinabi ako 'yon!
"Iyong kaibigan ko ang pinag-uusapan natin dito."
"No, it doesn't seem like your friend's confused. It's more likely to be you-"
"Anong sinasabi mo?" tanong ko na may halong irita at kaba.
"Come on, tell me. You're not actually referring to your friend because you're referring to you self, am I right?" Aba! Tinaasan pa ako ng kilay!
Napalunok ako bago napaiwas ng tingin. Dapat talaga hindi ko na lang sinabi sa babaeng 'to, e. Nakalimutan kong nakakabasa nga pala ng isip 'to. Wala naman kasi akong ibang mapag-sabihan, e! Puro buang lahat ng mga kaibigan ko!
"See? Tama ako." Mahina itong natawa. "Why are you confused? Are you being sweet?"
Am I?
"Ewan," sagot ko sa parehong tanong niya.
"Kung nagiging sweet ka na, baka iba na 'yon. That's not how you treat a friend! Sweet ka lang naman sa 'min kapag serious situation na. Like for example, someone got depressed. Doon ka lang sweet. But the rest? Huh, big no."
Napalingon ako sa kaniya ulit. "Magkaiba kasi kayo-"
"Exactly." Sumingit na siya agad.
"Wait, patapusin mo ako, ah. Magkaiba kasi kayo. I mean, kayo kasi, magaan ako sa inyo. Kapag sa inyo kasi, parang puwede akong maging weird anytime, parang okay lang na maging abnormal ako, maging bipolar ako sa harap niyo. Ni okay nga lang na saktan ko kayo, e." Natawa ako sa sinabi ko. "Siya kasi, parang ang sensitive niya. Parang anytime, mat-turn off siya, gano'n. Parang anytime masasaktan siya kapag hindi ako maingat sa mga salita ko."
"Why does it sound like you want to empress her?" natatawang sabi niya.
"Nah, nevermind." Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa bench sa tapat ng building namin.
"Well, if that's the case..." Tumayo na rin siya. "Mahihirapan din akong mag-identify ng feelings. I'm not a love guru tho," natatawang sabi nito. "But I think you like her. Pero pag-isipan mo pa rin. Just keep things going between the both of you but care about your feelings at the same time."
Tumango na lang ako. Nauna pa siyang maglakad sa akin kaya naiwan ako. Naglakad na rin ako papunta sa library. Dapat kasi roon talaga ako pupunta, e. Nakita ko lang siya kanina kaya kinausap ko na rin.
Ganoon na nga ang nangyari. Hinayaan ko lang ang namamagitan sa amin ni Sol. Noong una ay akala ko okay lang. Pero habang tumatagal... Palalim ng palalim. Dive yarne, ghOrL?
From: Sol
Christmas is near. When are we gonna go shopping?
OA sa near, ah. Sa susunod na linggo pa kaya! Pero malapit na rin pala, hehe.
To: Sol
sat.
Katamad mag-reply.
Ba't ko ni-reply-an?
Manahimik ka, Caless. Nakakatamad mag-reply pero mag-rereply ako lagi sa kaniya. Okay? Okay.
From: Sol
Okii. I'll invite Diany and Krisel too. Is that okay?
Isama mo na lang. Text ka ng text, katamad nga sabing mag-reply, e.

YOU ARE READING
The Fall in Summer ( Girl's Love Series #2 )
RastgeleCaless always look at love like a distraction. But who would have thought that one of the summer days, she fell? Yes, and sadly, badly, unluckily... She felt for someone she never thought she would. It was supposed to be a summer vacation. But inste...