08.

368 18 3
                                    

"Abnormal, ang layo ng thoughtful sa napilitan."

Natawa ako sa sinabi ni Diany. Anong thoughtful, huh? Napilitan lang ako kasi baka umiyak siya sa sakit ng paa niya. Magkaiba 'yong thoughtful sa napilitan. Labag nga 'to sa kalooban ko.

"Still! Look at you now, wearing her heels because you gave her your shoes. Ibibigay mo ba 'yon kung hindi ka nag-aalala sa kaniya?" tanong niya pa ulit.

Napatingin ako sa sarili ko. Oo nga. "E pero napilitan pa rin ako!" Tanggi ko pa rin.

"Come on, aminin mo na lang. It's normal to care for a friend," sabi nito saka bumalik sa puwesto nila Sol.

A friend.

Nevermind.

Umuwi na rin kami pagkatapos namin mag-ikot pa ng kaunti.

Lumipas ang mga araw. Dumaan lang ang pasko na parang walang nangyari. Hiwa-hiwalay ang celebration ng tropa nitong pasko dahil walang planner. Wala si Magi. Nakalimutan naman naming mag-plano dahil busy rin kami. Si Mama, dinalaw ko lang noong pasko pero walang special. Normal lang. Pero okay na. At least kasama ko ulit si Mama.

Lalo namang naging boring noong New Year. Mag-isa lang ako dahil umalis si Mama noon, kasama ang mga kaibigan niya sa trabaho. Ang tropa, wala ulit. Nag-inom ako mag-isa at kinain ang kaunting handa ko. Syempre kaunti lang, mag-isa lang akong kakain, e. Sumilip lang ako sa balcony noong may fireworks na. Binati ko na rin ang ilang kapitbahay na sumilip din sa balcony.

Pa-boring ng pa-boring ang buhay ko. Pagkatapos ng New Year, back to normal. Hinintay ko na lang ang summer para makapag-relax ako ng matino-tino.

Nag-chat ako sa GC namin para mag-aya. Wala kasing nag-oopen ng topic, e.

cxless: woy, ano balak?

Hinintay ko lang ang reply nila. Panigurado mabilis silang mag-reply dahil wala naman silang gagawin at malamang nasa kuwarto lang sila, nakahilata at nakaharap sa cellphone kagaya ko.

oishixtaison: pass

Kumunot ang noo ko sa reply ni Yosh. Tumanggi? Bakit? Busy?

cxless: bat?

oishixtaison: long story

Nagkibit-balikat na lang ako. Baka ayaw niya nang pag-usapan. Hinintay ko na lang ang reply ng iba.

heat_her: outing daw kami nila mama

Awit, dalawa na.

sam.pu: di ako sama

Tatlo.

leigh.ma: aalis kami

Apat.

Alam kong hindi talaga sasama si Sam dahil kaka-break lang nila ni Nash at malamang ay iniiwasan niya ito. Ganoon din si Nash. Pero naiinis ako. Bakit kasi hanggang ngayon ay matching usernames pa rin sila sa IG?! Sam.pu = sampu. Leigh.ma = lima. Lintik! Ang korni na nga, ayaw pa nila palitan.

avelythe: ano meron?

cxless: yung totoo, avery blythe, naka-drugs ka ba?

Hindi ba obvious na summer ngayon at nag-aaya akong lumarga?! Ghad!

avelythe: hindi

Napasapo ako sa sariling noo.

wotahlili: pass din

adobobo: busy

Blah blah. Hanggang sa tumanggi na rin si JM, readings na naman ang excuse. Tumanggi rin si Kanao.

The Fall in Summer ( Girl's Love Series #2 )Where stories live. Discover now