"Psst! Bagal nito, e! Luh, bakit ako pinapahawak mo nito? Nagdala-dala ka nito tapos ako magbibitbit?!"
Binibitbit ko na lang kahit labag sa kalooban ko. Ibang klase rin 'tong Soleil na 'to! Napakabagal maglakad, 'kala mo pagong. Pinahawak pa sa 'kin 'yong bag niya kasi inayos niya 'yong sintas ng sapatos niya.
"Pahawak lang saglit! Ibigay mo na lang kay Charles kung ayaw mo! Lunurin kita, e!" Reklamo rin nito. Aba!
Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Nasaan na nga ba 'yong jowa nito?! Isa pa 'yon, e! Pagdating namin dito, nag-teleport na agad sa ibang dimensyon.
"Hoy, Charles!" Tawag ko kay Charles na nakatayo sa tapat ng beach bar.
"Pre..." Tumakbo ito pabalik sa puwesto namin. "Ba't?"
Hindi na ako sumagot at iniabot na lang sa kaniya ang bag ni Sol. Kinuha naman niya iyon kahit medyo nagtataka siya.
"Kris! Sa'n tayo?" tanong ko nang makalapit ako kay Krisel.
"Do'n tayo! May kinuha kaming room dito, e." Si Diany na ang sumagot para sa 'kin.
Tumango na lang ako at sumunod sa kanila. Bigla akong nagsisi na sumama ako. Ang init kasi maglakad! Punyeta.
Tatlo pala ang kinuha nilang rooms. Syempre magkasama si Diany at Krisel sa iisang room. Siguro si Charles ang kahati ni Sol sa kuwarto. Hanep! Mag-isa ako sa kuwarto. Finally... Peace.
"Argh! Hoy, alis!"
Gusto kong maiyak nang bigla na lang akong daganan ni Soleil sa kama. Nakadapa ako at feeling ko mapipisa ang tiyan ko sa ginawa niya. Ang bigat niya!
"Anong ginagawa mo rito?!" iritang tanong ko nang umalis siya sa likod ko.
Natatawa siyang umupo sa gilid ng kama. "Baka siguro room ko rin 'to?" Ah, roommate. Nice. "Anyways, tara na! Kain muna tayo ng lunch."
Tumayo na lang ako at sumunod. Kumain muna kami bago nagkaayaan ng swimming.
"Sure kayo, ngayon tayo mags-swimming? Mukhang uulan," sabi ni Diany habang nakatingin sa mga ulap.
"Yeah, she's right. But isn't that fun?!" sabi naman ni Kris.
"Oo nga! Mas masaya kung uulan!" Mukha ring excited si Sol.
Napatingin din ako sa ulap. Kanina lang, maaraw. Tapos ngayon, mukhang uulan. Biglang nagdilim ang paligid pagkatapos namin kumain kanina. Umambon pa nga kanina bago kami lumabas, e. Sayang din kung hindi kami tutuloy. Nakabihis na kaya kami!
Nagkibit-balikat na lang ako. Sabagay, okay rin kung uulan. Para hindi ganoon kainit kapag nando'n na kami sa tubig.
"Tara na!" Nauna na akong tumakbo papunta sa tubig. Ramdam kong sumunod rin sila dahil nakakarinig ako ng mga yapak.
Sumulong na ako agad at pumunta sa parte na hanggang dibdib ko na ang tubig. Sumunod ulit sila sa akin.
"Paano kapag may sharks dito?" walang kwentang tanong ni Diany.
"Ikaw una kong ipapakain." Umirap ako.
Nagsitawanan naman sila. Napailing lang ako. Pero kumunot ang noo ko nang ibalik ko ang tingin ko sa kanila. Kulang kami. Si Sol... Nasaan?
"Si Sol?" tanong ko.
Luminga rin sila sa paligid at nagtaka kung nasaan si Sol.
"OMG!! Tell me she's not drowning!" Si Kris ang unang nag-react.
Hindi nagsasalita si Charles pero alam kong nagpapanic na ito sa isip niya.
Halos mapatili ako nang may kumagat sa binti ko. Hindi kagat ng kung ano mang lamang-tubig. Pero sure akong hayop 'to.
YOU ARE READING
The Fall in Summer ( Girl's Love Series #2 )
RandomCaless always look at love like a distraction. But who would have thought that one of the summer days, she fell? Yes, and sadly, badly, unluckily... She felt for someone she never thought she would. It was supposed to be a summer vacation. But inste...