10.

377 19 2
                                    

"H-huh? Pa'no mo nasabi?"

Medyo kinabahan ako sa tanong niya. Hindi ko maintindihan kung saang parte ako naging obvious at nalaman niya 'yon. Mahina siyang natawa sa reaksyon ko.

"It's a different look for Sol. Let me guess, hindi ka naiihi 'di ba? Umalis ka lang do'n kasi nagseselos ka." Humakbang siya papasok sa C.R.

Pumasok na rin ako sa C.R. at sumunod siya sa 'kin. Nagulat ako dahil ni-lock niya iyong pinto. Hindi ko na lang pinakialaman kahit nagtataka ako kung bakit niya 'yon ginawa. Public C.R. kaya 'to?

"Ano bang sinasabi mo?" Pilit kong sinubukan na hindi mahata.

Papasok na sana ako sa cubicle kaso bigla niya akong itinulak kaya napasandal ako sa pader. Inilagay niya pa 'yong kamay niya sa gilid ng ulo ko.

"Look, Caless- I mean... Fuck, I like you!"

Napaiwas ako ng tingin. Saan naman galing 'yon? Siya? Gusto ako? Nababaliw na ba 'to?

"Nahihibang ka-"

"No. I know you like her but look at me! I'm here! I just can't stand that I'm here but you're looking at her the way I look at you!" Pinutol niya na ang sasabihin ko.

Nanlaki na lang ang mga mata ko nang hawakan niya ang baba ko at pilit ako iniharap sa kaniya. Mabilis niya akong hinalikan kaya hindi ako nakapalag. Nakakapanghina, sa totoo lang.

Nang matauhan ako ay mabilis ko siyang itinulak. Napaupo siya sa sahig dahil nawala siya sa balanse. Hindi niya kasi inaasahang itutulak ko siya.

Kahit ako ay napaupo rin nang kusa.

Tumayo ako matapos ang ilang segundong nakaupo lang ako, nakatitig sa kaniya at nakahawak sa mga labi ko. Naghilamos ako agad at naglakad na papunta sa pintuan. Lumingon ako sa kaniya bago ako lumabas.

"Sorry. Hindi ko kaya." Hindi ko kayang tumbasan.

Umiling na lang siya. Lumabas na ako agad dahil ayo'ko nang mag-stay pa roon. Bumalik ako agad sa puwesto namin kanina. Kumuha lang ako ulit ng beer at ininom ito.

Maya-maya ay bumalik na si Diany na parang walang nangyari. Parang wala lang siyang ginawa kanina.

"U-uh... Babalik na ako sa room, ah? Inaantok na ako, e." Tumayo na ako kahit hindi pa sila sumasagot.

"Alright. Late na rin naman na, e. Good night!" sabi ni Sol pero hindi ko na pinansin at basta na lang naglakad palayo.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa kuwarto namin. Sobrang gulo ng isip ko. Hindi ko alam kung paano nalaman ni Diany at hindi ko alam kung bakit gusto niya rin ako.

Pansin ko na rin namang habang patagal ng patagal ay nagiging iba ang kilos niya at lalo siyang nagiging mabait sa 'kin pero hindi ko kailan man inisip na iba na pala ang tingin niya sa 'kin. Magkaibigan lang kami!

Pero kahit papaano... Ramdam ko 'yong hinanakit niya.

May gusto siya sa akin habang may gusto ako kay Soleil. At ang gusto ni Soleil ay si Charles... Hindi ako.

Humiga na lang ako sa kama at malalim na humiga. Nag-shower muna ako bago ako natulog. Nagising ako na katabi ko na si Sol. Umiling na lang ako at umalis sa kama. Nag-hilamos muna ako at umupo sa gilid ng kama para hintayin siyang magising. Kaso mukhang mahimbing ang tulog ng isang 'to.

"Soleil?"

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok. Binuksan ko naman iyon agad at tumambad si Diany.

"T-tulog pa ba? Uhm, sige, mamaya ko na lang sasabihin." Alanganin siyang ngumiti.

Tumango na lang ako.

The Fall in Summer ( Girl's Love Series #2 )Where stories live. Discover now