© something_kyish, 2015-2018 (Edited 05-07-2018)
-------
MGA ILANG araw na ang nakalipas, Sabado na rin. Tambak sa maraming assignments, after ng ilang araw. Dalawang linggo na rin ako sa Alumina High kaya medyo nasasanay na ako sa aktibdades sa school, pati nga mga kalokohan sa loob ng klasrum namin. Kabilang na doon ang paper war sa klase one time na na-late sa pagpasok si Ma'am Dimaculangan at medyo malapit na rin ang time (mga five minutes yata) kaya hindi na siya nakapasok sa loob para magklase. Medyo nainis pa nga ako noong una kasi ako ang unang natamaan ng papel na naka-crumpled, gumagawa pa naman ako noon ng article ko para makasali ako sa school papers ng school. Medyo napikon na rin ako.
"Sino ang nagbato ng papel?!" pasigaw kong tanong sa klase matapos nahulog sa sahig ang ballpen pati na rin ang yellow pad ko. Sa sigaw kong iyon, napatingin at nanahimik ang buong klase, ni isa sa kanila walang umamin.
"Si Shawn 'yun, Ally!" sagot sakin ni Gab, habang nagsusulat rin siya ng kanyang article.
Hindi kaya, si Harry 'yun!" pananggi naman ni Shawn sa sagto ni Gab.
"Ano ako, eh ikaw nga ang nagpasimuno!" pananggi ni Harry.
Pinulot ko ang papel sa sahig na binato sakin at binato ko kay Shawn bilang ganti. Naghiyawan tuloy ang nasa klase.
"Napala mo tuloy, Taiwanese fisherman!" sutil ni Ricky sa kanya.
"Pakyu!" sagot ni Shawn as he raised his middle finger nakatutok kay Ricky, natawa na lang ang mga boys sa kanya.
Hahaha, natatawa pa rin ako, nagbatuhan na sila after ko magantihan si Shawn sa time na 'yun. Di bale na, kahit maka-section C ang mga kalokohan nila, enjoyin ko na lang, wala akong magagawa kung ganitong palagi akong napipikon.
Nasa loob ako ng malaking kuwarto ko, bandang hapon. Gumagawa na agad ako ng assignment kasi bukas may lakad ang family namin, mga lima pa naman ito. Inuuna ko 'yung TLE namin na sasagutan ang nasa aklat na puro explanation, medyo nakakadugo ng utak ang mga tanong dito eh, tulad ng What are the advantages of familirization of each cleaning material? Nama-mind blown ako ng konti.
**TWINK**
May biglang nag-ring sa cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa tabing lamesa, may nag-text sakin, binuksan ko ito at binasa ang text.
From: +63912 345 6789
Hi, Ally! ^^
Sino kaya ito, alam niya name ko, hindi naman yata ito ang sinasabi nilang 'prank texter' o 'prank caller'. Sagutin ko nga.
To: +63912 345 6789
Hu u?
Waha, napa-jejemon pa ako sa kung sino man ang nagtext sakin, nakakahiya naman. Di bale na, siguro naman maiintidihan niya ito. Nagulat ako nung agad siya nagreply.
From: +63912 345 6789
Hulaan mo, kilala kita, kaya siguro kilala mo rin ako.
Nagulat ako sa sagot sa text, talaga bang kilala niya ako? Kanino niya nakuha number ko? Nakapagtataka, sagutin ko kaya.
To: +63912 345 6789
Tlga? Kanino mo nakuha # ko?
Agad din naman siya sumagot.
From: +63912 345 6789
Secret, hulaan mo muna kung cno ako.
Jejemon din pala siya, no need na sa pag-type ng mahabang tagalog. Saguin ko nga.
BINABASA MO ANG
Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)
Dla nastolatkówSabi nila, hindi lang ako basta isang simpleng bata lang. Maganda. Matalino. Mabait. Talented. May maibubuga, kung baga. May kaya kami ng pamilya ko kaya lahat nasusuportahan, pero sa isang bagay lang halos nabago ang lahat. Isa akong transferee. M...