Kabanata 6

75 1 1
                                    

Linta

I can't believe it!

I know those kind of things pero kahit kailanman ay hindi pa ako nakakakita ng ganoon! Even in videos!

Nanlaki ang mata ko at napakurap kurap sa dalawa. Nagkatinginan kami ni Edward at nakita ko rin ang pagkakagulat niya. Hindi na ako nag-intay ng kahit ano at mabilis na kumaripas ng takbo!

Halos habulin ko ang hininga sa pagtakbo at kahit nasa loob na ako ng room ay lumilipad ang isip ko. Ni hindi ko na narinig ang sinabi sa akin ni Patricia ng pumasok ako.

Alam kong nangyayari talaga ang mga ganung bagay sa school and I know Edward's reputation to girls kahit isang buwan pa lang ako dito sa school.

Pero...I have never imagined that I could watch them while doing that thing.

Napapikit ako ng mariin habang ang iba ay nakikinig ng mabuti sa teacher. My mind isn't with me right now! Kainis!

Nang matapos ang klase ay kinabahan na ako sa hindi malamang kadahilanan. My heart is beating so fast while looking at the corridor. Halos tawagin ko na ang lahat ng santo na sana'y wag pagtagpuin ang landas namin ni Edward.

It would be embarrassing!

"Jez! Hindi ka pa ba uuwi?" Bumalik ako sa wisyo ng tapikin ako ni Patricia sa balikat. Kumunot ang noo ko sa kaniya. Kailan pa siya natuto na tapikin ako?

"Mauna ka na," saad ko. Tumango siya at ngumiti.

"Bye! See you tomorrow!" She said and left.

Huminga ako ng malalim at napatingin sa phone ko. Nakita kong may text si mommy na naghanda siya ng merienda. I already stood up and fixed my things. Siguro naman ay hindi ko na makakasalubong si Edward ng ganitong oras di ba?

Kahit hindi na kami nagkikita nitong mga nakaraang araw ay nangangamba pa rin ako.

Pero wait nga! Bakit ako ang nahihiya sa nangyari kanina? He should be the one who's embarrassed now! Siya itong may ginawang kababalaghan!

Marahan akong naglakad sa palabas ng room. Napabuntong hininga na lang ako ng makababa ako sa building ng walang nakakasalubong. Kakaunti na ang mga nakikita kong estudyante at lahat ng yun ay galing library. Naisipan ko tuloy tumambay minsan sa library kapag may time.

Diretso na akong naglakad patungong gate pero halos kumaripas ako ng takbo pabalik ng makita ko si Edward na naglalakad din patungong gate kasama ang isa niyang pinsan. Nakita kong ang kasama niya ngayon ay yung nagngangalang Isacar Suarez.

Kinabahan agad ako at magbabago na sana ng daan ng makita kong napatingin siya sa direksyon ko!

Damn it! Why am I so unlucky huh?!

I remained my blank expression. I have to stay calm. Hindi dapat ako ang nahihiya dito. Siya dapat di ba?

Marahan akong naglakad at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Kumunot ang noo ko ng bigla siyang tumigil sa paglalakad kaya napatigil din ang kasama niya. Why did he stop?

Don't be affected Jez!

Hindi ko alam kung bakit labis labis ang kaba ko lalo na ng magtapat kaming dalawa. Hindi ko magawang tumingin ng diretso sa mga mata niya. Kaya sa dinadaanan ko nakatingin ang mga mata ko.

"Jez," I heard him called me. Nagdalawang isip pa ako kung haharapin siya but I decided to face him. Walang mangyayari kung mananatili akong ganito.

Hindi ako yung tipo ng tao na sinisiksik lang sa loob ko ang mga nasa isip ko. I was always honest and right now I have to be honest. This is the right thing to do to escape this embarrassment.

Broken Days (SUAREZ SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon