Chapter 13

134 5 0
                                    

© something_kyish, 2015-2018 (Edited 05-07-2018)

------

NASA CLASSROOM ulit kami. Bumalik na naman kami sa dati. Katatapos lang ng nakakahiyang pagpapakilala sakin ni Ivan. Natameme talaga ako...

Wala pa kaming teacher nito at this moment, si Ma'am Lastimosa ang teacher namin ngayon, ang teacher namin sa MAPEH. Ang alam ko lang, PE kami ngayon, may activity yata na gagawin ngayon. Ano naman kaya?

Dumating na rin si Ma'am pagkatapos ng day dream ko. Binati naman namin siya ng 'Good Afternoon', agad din naman kami pinaupo ni Ma'am.

"Okay class, be ready yourselves dahil we have an activity. You are going to your personal suites near the basketball court to change your clothes into PE uniform. Ladies first muna so, girls, please fall in line outside!" utos samin ni Ma'am. Pupunta kami sa personal suites namin malapit sa court. Well, hindi ko pa napupuntahan 'yun, never since... so excited ko na makita ang suite ko.

Nakapila na kaming mga babae sa labas. Kami muna ang pinalabas... so ang mga boys, tuwang-tuwa. May binabalak ba sila habang wala kami? Di bale na, kalokohan talaga nila. Lalaki rin kasi eh.

Bumaba na kami ng hagdan at dumiretso sa building malapit sa wide field, malapit na rin sa court; 'yun ang sports convention building ng AH. Sosyal ng school no, kahit sa sabi ni Gab na hindi lahat ng mayayaman dito nag-aaral. Well, maswerte pa rin ang mga taong nakakapasok dito; kabilang na ako.

Nandito na kami sa sports convention building. Umakyat kami sa third floor, kung saan nandun ang suites namin. Sa mismong room na naming ng mga babae, sinalubong kami ng maraming locker na nakasilid. Iyon na ang mga suites namin, nadun ang mga damit na gagamitin namin sa PE class sa buong taong ito.

Ang suite ko, malapit sa may aisle, tapos sa pagitan ng suite ni Patty at ni Lovely. Noong papunta na ako sa suite ko after ko makuha ang susi kay Ma'am, waw, eto ang nangyari.

"Excuse nga diyan, Ally. Bubuksan ko lang ang locker ko!" sabi ni Lovely sakin bago pa niya ako isuog pakaliwa. Palibhasa kasi matabang babae to si Lovely. Alam niyo ang laki niya, kasinglaki ng dalawang payat na babae. Sabay-sabay na nga kami lumapit sa mga suites namin pero, ang makipagsiksikan, kasama pa ang tabang ito, tssk, mahirap.

"Ally, excuse nga rin ako—aray!" biglang sabi ni Patty sa kaliwa ko. Nasaktan yata siya gawa ng usog ni Lovely sakin, di ko malayang nandiyan siya.

"Okay ka lang?" tanong ko kay Patty na napaupo pa sa sahig.

"Oo, sino ba yung nanulak, ang sakit eh?!" tanong niya.

"Si Lovely, ang taba kasi!" sagot ko.

"Hoy, taba! Mamaya ka na nga makipagsiksikan dito oh, nakakasakit ka na eh!" suway ni Patty kay Lovely habang kinukuha ang damit niya sa locker niya.

"Ikaw kaya muna ang umalis!" pataray na sagot ni Lovely kay Patty.

"Anong ako? Palibhasa kasi—" hindi na tinuloy ni Patty ang sasabihin niya noong nagsalita si Ma'am Lastimosa sa likod namin.

"Alam mo naman yata ang ugali ni Lovely, right?" tanong ni Ma'am.

"Opo, pero kasi ehh—"

"Mamaya ka na sumabay, ok?" sabi ni Ma'am habang inaalalayan niya ang pagtayo ni Patty.

"Oh, sige po!" sabi ni Patty. Umalis muna kami at umupo sa bench malapit sa mga locker. Hinihintay naming muna sila makakuha ng damit nila bago namin kunin ang samin.

"Hoy, Ally. Hindi ka pa nakabihis?" pagtataka sakin ni Abby na hawak na ang PE niya.

"Hinihintay muna naming sila na makaalis doon sa pwesto namin. Ang laki-laki kasi ni Lovely eh, hindi kami makasingit!" sagot naman ni Patty sa kanan ko.

Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon