11.

362 18 0
                                    

"Argh! I felt really bad today! I'm feeling sick!"

Natigilan ako nang yakapin niya ako mula sa likod. Ganoon lang ng hitsura niya habang naglalakad kami. Ramdam ko tuloy ang init ng katawan niya. Hinipo ko ang noo niya. Mukhang may lagnat ang isang 'to.

"Uminom ka na ba ng gamot?" tanong ko sa kaniya.

Umayos siya ng tayo. "Yeah. Pero kagabi pa 'yon."

Gusto ko man siyang painumin ng gamot ngayon, wala naman akong dala.

"Pumunta ka sa clinic." Utos ko.

"Ayo'kong mag-skip ng klase," sabi niya habang nagkukusot ng mata. Inaantok na nga, papasok pa rin? Anong peg nito? Matutulog sa klase?

Nasalubong namin si Charles kaya tumakbo siya agad papunta rito. Niyakap niya ito kaya gano'n din ang ginawa ni Charles.

Nauna na akong naglakad pabalik sa building namin. Nagpatuloy lang ang klase. Wala kaming bantay noong sumunod na klase dahil may meeting daw ang mga Prof. Pumunta na lang ako sa library dahil wala rin naman akong gagawin sa room.

"Aray ko!" Napasigaw pa ako habang palabas ng room.

Natamaan kasi ako ng ligaw na papel. Kanina pa kasi nagbabatuhan 'tong mga bugok na 'to. Parang mga bata. May mga nagtatakbuhan pa.

Nang makarating ako sa library ay naghanap agad ako ng mababasa. As usual, boring. May nakita pa nga akong natutulog na estudyante, e. Pasalamat siya, wala paki 'yong isang student librarian.

Sinilip ko ang babaeng natutulog sa isang mesa. Natatakpan ng buhok ang mukha niya kaya bahagya ko iyong hinawi. Itatanong ko kasi kung puwede akong makiupo sa tabi niya. Puno na kasi ang ibang table. Malamang, dahil dito rin tumambay 'yong mga estudyanteng walang Prof.

"Ay. Soleil? Bakit dito ka naman natulog?" pabulong kong sabi nang makita ko ang mukha niya.

Dahan-dahan siyang dumilat. Mukha pa ngang nabigla.

"S-sorry. Anong oras na ba?" tanong niya.

Binuksan ko ang cellphone ko at pinakita sa kaniya ang oras.

"Shit! Isang oras na pala!" pabulong niyang sabi.

Tumango ako. Nagpaalam ako sa kaniya sandali at sinabing hintayin niya ako. Ibinalik ko ang librong kinuha ko kanina. Bumalik ulit ako sa table namin kanina para ayain siyang lumabas. Mukha pa rin siyang matamlay. Namumutla na ito ngayon.

"Kaya ba?" tanong ko. Nag-aalangan akong patayuin siya dahil baka hindi niya kaya.

Tumango ito at pilit na tumayo. Ewan ko kung anong nangyari dito at nagkaganito.

Nakalabas na kami ng library at papunta sana sa clinic. Doon ko muna siya dadalhin para maalagaan siya roon.

Hindi pa kami nakakasampung hakbang ay bigla na lang siyang bumulagta sa daan.

Nataranta ako. Hinimatay na! Jusko!

Mabilis ko siyang itinayo. Nahirapan din ako dahil naka-palda ako. Isa pa, mabigat siya!

Buti may tumulong sa 'kin na dalhin siya sa clinic. Sure akong baba niya ang unang parte ng mukha niya tumama sa sahig. Baka magkapasa 'to. Ano ba naman kasi 'yan, Soleil?!

Iniwan ko muna siya pagkatapos akong kausapin noong nurse sa clinic. May klase pa ako, e.

Binalikan ko siya sa clinic pagkatapos ng lahat ng klase ko pero sabi noong nurse ay may sumundo na raw sa kaniyang lalaki. Baka si Charles.

Naunahan ako.

Nagkibit-balikat na lang ako at umalis na. Naglalakad ako papasok ng condo nang makita ko si Tita Jing.

The Fall in Summer ( Girl's Love Series #2 )Where stories live. Discover now