Chapter 1

8 0 0
                                    

February 14, 2006

HER POV

"Guys, wala man tayong ka-date ngayon, masaya pa rin ako dahil nakasama ko kayo. Kayo talaga ang dabest sa lahat. Di baleng walang boyfriend nandyan naman kayong mga kaibigan ko eh."

"Anong drama yan Kath? Ito naman oh, yaan mo na yung Ex mo na yun, walang kwenta yun eh. Kami na lang i-boyfriend mo." sabi ni Ynna habang inaamoy-amoy ang bulaklak na hawak nya.

"Pero infairness ha, ang bango at ang ganda nitong bouquet na binigay sa'yo ah. Unique na unique yung pagkakaayos ng mga bulaklak." dagdag pa niya.

"Oo nga girl, kainggit. Samantalang kami ni Ynna isang bulaklak lang. Sa tropa pa galing. Pero sino kaya yung nagbigay sa'yo ng mga ito. Rich kid siguro iyon kasi ang mahal ng ganito eh, with matching Blue Magic teddy bear pa ah."

"Ano ka ba Bea, okay lang yun, malay mo pangit pala yung nagbigay nyan. Like duh!"

Nagtawanan na lang kami sa sinabi ni Ynna. Nandito kami ngayon sa isang fast food chain malapit sa SM. Valentines Day nga pala ngayon at since na pare-pareho kaming walang boyfriend, kami na lang ng barkada ko ang nagdate. Actually, I had a boyfriend, kakabreak lang namin last month. I thought, walang mali sa relasyon namin pero yung simpleng paniniwala ko pala na iyon ang nag-iisang pagkakamali. Kasi...lahat pala ng meron kami ay kasinungalingan lamang.

"Uy Kath! natulala ka na naman jan. Wag mong sabihing iniisip mo na naman sya?" nagising ako sa tawag sa akin ni Ynna.

"Hmm, namimiss ko lang siya. Pero syempre hanggang doon lang iyon 'no. Usong magmove on girls."

"Tamaaa! Oh ano na? Masyado ng late eh, uwi na tayo?" pag-aaya ni Bea. Malalim na nga ang gabi ngunit wala pa akong ganang umuwi.

"Sige guys, see you tomorrow. Mag-iingat kayo ha." I kissed their cheeks and bid good bye. Pero hindi pa ako umuwi. Bitbit ang isang bouquet ng bulaklak at blue magic bag na may lamang cute na stuff toy, nagtungo ako sa Pier. Malapit lang naman ako doon eh. Isang sakay lang.

Dama ko ang lamig ng hangin na sumasampal sa aking pisngi. Nakakatawa kasi mag-isa na naman ako ngayon. Nakarating na ako ng pier at pinili ko ang pinakatahimik na pwesto. May kaunting liwanag pa naman kaya kinuha ko ang aking DSLR camera pati ang tripod nito. Inayos ko ito at inilagay malapit sa isang puno. Selfie mode muna kumbaga. Tumayo ako sa tapat ng camera habang nakatalikod sa karagatan. Hawak hawak ko ang aking bulaklak at itinapat sa camera. 3-2-1. CLick! Tinignan ko ang kuha at napangiti ako. Patuloy ko lang na ginagawa ang ganun hanggang napansin ko ang papalapit na lalaki.

Matangkad sya at maputi. May katangusan ang kanyang ilong at may malalim syang dimple sa right cheek nya. May pagkabrown din ang mga mata nya and he’s wearing a mesy black hair. Hindi maikakailang napakagwapo nyang tingnan at tila hindi ko maialis ang aking paningin sa kanya. Nakasuot sya ng dark blue polo na nakaopen ang first three buttons pero may white shirt naman sya na suot kaya okay lang. Ang gwapo nyang tingnan. Naputol ang aking maiksing panaginip nang mapansin kong nasa harapan ko na sya at nakangiti.

"Hmm, hello? Ah--..uhm" nakakahiya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Patuloy lang nya akong tinitigan at binigyan nya ako ng isang napakatamis na ngiti. Isang ngiting nakakahawa. I smiled back.

"Napansin ko lang...na...nag-iisa ka at kinukunan mo ang sarili mo using this camera." Itinuro nya ang aking Camera. "If you don't mind, can I accompany you?"

"Huh?" Nagulat naman ako sa sinabi nya pero agad naman akong nakabawi. Natawa ako sa sinabi nya. Nginitian ko sya ng pagkalapad-lapad at tumango.

"Sure. Nakakahiya naman pala, nakita mo akong nagseselfie. Wala ka bang date ngayon?" I chuckled. Ganito ako. The way I speak. Sabi nila, kakaiba daw talaga. Pero ayoko ng kakaiba.

TimelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon