February 15, 2006
HER POV
Naging maganda ang tulog ko dahil na rin sa nangyari kagabi. Maaga akong bumangon upang pumasok sa school. Wala lang. Gusto ko lang makita ang mga kaibigan ko.
“Princess, have you eaten your breakfast?” Nakangiting tanong ng mommy ko.
“Not yet mom, pero po babaunin ko na lang yung niluto nyo para makatikim naman ng tunay na pagkain ang mga kaibigan ko.” Kinindatan ko lang si mama at nagtuloy na sa sala habang inihahanda niya ang lunchbox ko.
“Princess, late ka ng nakauwi kagabi. How’s your date?” Natawa na lang ako sa ngiting nakapaskil sa mukha ni mama. Para syang kinikilig na ewan eh.
“Well. My date with my friends was amazing and so funny. But you know what mom, nung pauwi na ako, nagstay ako saglit sa pier and there is this guy na lumapit sa akin. Aaah, he’s handsome, no doubt about it and alam mo po ba, ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya.” I flashed a genuine smile to my mother. Lalo pang lumapad ang ngiti nya. Si mama talaga. Aware kasi sya sa heartbreak na dinanas ko sa past relationships ko kaya ganyan na lang sya kahappy na nakikita na I’m like this...again.
“I see that you are happy huh. Sino naman sya anak?”
“I don’t know.” Then I laughed out loud. Totoo naman eh, hindi ko naman talaga sya kilala.
“Bakit? Hindi ba sya nagpakilala sa’yo?”
“Actually Mom, medyo matagal din ang pag-uusap namin eh pero none of us dared to ask that ‘Who are you?’ Or ‘Can I know your name?’ question. Ang weird di ba.” Tumayo na ako at kinuha ang lunchbox kay mama. “Mom, alis na po ako. See you later.” I kissed her in the cheeks and bid goodbye. Ang cute talaga ng mama ko.
–
“Ynna!” Sigaw ko nang makita ang kaibigan ko na naglalakad papasok sa cafeteria. Hindi na naman siguro sya nagbreakfast. We have one hour pa bago magstart ang next class kaya sa cafeteria kami lagi tumatambay. Maingay kasi sa room eh.
“Bago ‘to ah. Ang aga mo yata ngayon and…and…I feel good vibes.” Para syang wirdong tao na iniangat ang dalawang kamay at pumikit habang tila inaamoy ang tinatawag nyang good vibes.
“Haha, lagi naman akong good vibes ah?”
“Really? Haha, ito naman oh. Haha.”
Dumiretso na kami sa dating pwesto at inilabas ko ang lunchbox na ipinabaon ni mama.
“Oh, kainin mo. Para magkalaman ka naman. Kaw talaga, ang tamad mong kumain.”
“Hehe, ayos lang yan. Nakakaantok kasi pag umaga eh kaya di na ako nakakapagluto.”
“Oo na po. Nga pala, si Bea?”
“Nasa Library, may exam daw sila sa first subject nila e.” Kaya pala. Si Bea lang kasi ang nahiwalay sa amin eh. Magkaklase kami ni Ynna sa halos lahat ng subjects. Si Bea naman, Solo.
“Girl, I called you sa landline nyo last night pero sabi ni Tita, wala ka pa daw? Saan ka nagpunta after nating maghiwa-hiwalay?”
“Nagpalamig lang sa may pier.” At nginitian ko sya ng pagkalapad-lapad.
“What’s with the smile huh? May nangyari ba?” Nakatitig sya sa akin ngayon habang naiwan sa ere ang hawak nyang kutsara.
“Wala naman. Naalala ko lang yung mga ginawa natin kahapon. Salamat nga pala ha. Pinasaya nyo ako.”
“Drama ah. Haha, ganyan talaga. Wala naman kaming choice eh.” Aniya sabay simangot. Sira talaga ‘to. If I know, mahal lang talaga nila ako.
Natapos na sa pagkain si Ynna at nagtungo na kami sa classroom. Medyo nababawasan na ang kaingayan ng mga kaklase ko ah. Good for them. Paupo na sana ako sa seat ko pero may napansin akong sticky note.
To: Kathleya: “Hello :) Para sa’yo nga pala yang key chain na yan.” –-DJ
“Naks naman, yung secret admirer mo nagpaparamdam na ah. Sino kaya yan.”
“Ang ganda ng key chain Ynna.” Wika ko habang sinusuring mabuti ang key chain. Silver sya na flower na may isang dahon. Maganda talaga sya. Napangiti na lang ako dahil sa admiration sa hawak ko. Sino kaya yung nagbibigay nito sa akin.
Naging maayos naman ang takbo ng araw na ito para sa akin. Maagang nagdismiss ang mga prof pero hindi pa rin namin nakita si Bea. Sobrang strict kasi ng mga professors nila eh. Iniwan ko na lang sa locker nya ang food na pinabaon ni mama at nag-iwan ng maiksing note. Pupunta pa kasi ako sa part-time job ko eh. Actually, hindi talaga sya trabaho. Hobby ko talaga ito kaso yung may-ari kasi mas prefer na bayaran ako para hindi daw ako lugi. Eh since na persistent sya, wala na akong nagawa kundi ang pumayag sa gusto nya. Matanda na kasi ang may-ari ng shop na pinagtatrabahuhan ko. Nasa ibang bansa naman ang mga anak niya para sa iba pa nilang business. May isa syang apo dito sa Pilipinas, pero malayo naman ang tirahan dito. Isa nga palang mini-shoe factory ang negosyo nila. Mahilig kasi ako magdesign kaya napunta ako dito. Noong una, patingin-tingin lang ako hanggang sa nakita nila yung mga gawa ko kaya kinuha nila ako as their part-time designer. Pinayagan naman ako ni mama dahil hawak ko ang schedule ko.
“Hi lola, kumusta po kayo?” Bati ko sa matandang nakaupo sa may mini sala.
“Maayos naman apo. Kumusta ang eskwela? Ayos lang ba kung papasok ka pa ngayon? Mukha kasing pagod ka na eh.”
“Ano ka ba naman lola ayos lang po ako. Tsaka sayang naman kung hindi natin magagawa yung mga bago kong designs. Tingnan nyo po oh.” Ipinakita ko sa kanya yung bagong designs na iginuhit ko noong nakaraang araw at mukhang nagustuhan naman nya. Nag-dalawang-isip pa nga ako kung ipapakita ko ito eh kasi naman parang pangkasal na yung dating. Eh made to order lang naman yung mga ganun naming shoes eh.
“Apo, napakaganda naman ng iginuhit mo. Hindi natin yan pwedeng ilabas ng basta-basta. Mas mainam kung itatago mo muna iyan para magamit natin sa tamang panahon.” Napangiti ako sa sinabi ni Lola. Siguro kapag may client na magpapagawa ng wedding shoes, saka nya ilalabas ang design na ito. Nakakatuwa naman kung ganon.
“Sige po lola, kayo po ang bahala.”
Ipinagpatuloy ko na lang ang mga naiwan kong gawain noong isang araw. Hindi kasi ako pumasok kahapon para sa date namin ng mga kaibigan ko. Napangiti na lang ako nang maalala yung lalaki sa Pier. Kumusta na kaya sya? Makikita ko pa kaya sya? Parang gusto ko tuloy pumunta ulit doon. Haay! Napailing na lang ako sa ideya na iyon. Minsan, may mga bagay talaga na darating sa buhay mo pero hindi mo pwedeng panatilihin ng matagal. Maybe because, they doesn’t fit you o kaya naman, ayaw mo lang talaga sa kanila.
BINABASA MO ANG
Timeless
Cerita PendekIt's been a while. A long while. I keep myself from falling but the only rule I have has been broken. There was this man who has always been a stranger to me. Kakaiba. Sobrang kakaiba. I was stucked in the feeling of hating something different. Si...