Ikaw?

42 4 0
                                    


"Dalian niyo naman sa paglakad, Pupunta pa tayong Penshoppe store." sabi ko sa mga kaibigan ko na nagdadaldal pa sa may likod ko.

Bakit kase penshoppe penshoppe pa nasa wishlist ng nabunutan kong name? Hayst.

"Oo na, oo na, maaga pa naman ahh? Marami pang oras!" sigaw sa akin ni Vynt na sinamahan pa ng batok.

Napahawak ako sa tinamaan ng batok ng ungas. I gave him a bored look saka nagpatuloy nalang ulit sa paglalakad.

While we're walking, I read every names of the stores para makita agad ang store na bibilhan namin. This is our first time na dumayo sa pinakalayong mall just to have fun and buy things for the Christmas party.

Nang may hindi sinasadyang nabangga ang isa ko pang kaibigan na si Ranz.

Ayan daldal pa.

Pinuntahan ko sila at tinulungang tumayo si Ranz while tumayo na din ang lalaki with Vynt's help.

"Sorry Dre, hindi ko sinasadya." paumanhin ng lalaki.

"It's fine, hindi rin kase ako tumitingin sa dinadaanan." patawad rin ni Ranz. Tinignan ko ang lalaki. Hmm... Familiar.

Tumingin sa akin ang lalaki.

"Pamilyar ka, have we met before?" 'di ko na napigilan magtanong.

"Ahh, hindi pa, bakit?" sagot niya. Sino ba kase 'to?

Mataman ko siyang tinignan. An image of a boy suddenly popped inside my head...

"Wtf! Kajik?!" Sigaw ko sa kanya ng patanong.

"Wait, bakit kilala mo 'ko?" tanong niya.

"HOW CAN I FORGET YOU?! IKAW 'YONG NANGUTANG SA AKIN NG 2 THOUSAND LAST YEAR!" bulalas ko.

Damn, kaya pala pamilyar na pamilyar ang mukha ng damuho!

Pagkatapos niya mangutang sakin noon, hindi na siya nagpakita pa sa'kin kailan man!

I glared at him.

"Shit, RUI?!" he shouted surprisingly.

"Tangina ka! Bayaran mo 'ko!"

Tumakbo ako palapit sa kanya habang nagsimula na rin siyang tumakbo palayo sa'kin.

"Hoy Ikaw! Ibalik mo pera ko!"

"Matagal na yun, Rui! Kalimutan mo na!"

"Gago ka Kajik! Pambili ko 'yon ng project materials!"

"Wala na akong pera!"

"Bahala kana diyan Rui! Iiwan ka na na namin nina Vynt!" rinig kong sigaw ni Ranz. DAMN YOU DIMWIT!


━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━
Author's Note:

Hello readers! Are my stories fine? Please give me feedbacks if you have time so I could gain more ideas and improve my works. You can also suggest a story. Have fun, muah!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 28, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Short storiesWhere stories live. Discover now