Kabanata 7

78 1 3
                                    

Beautiful

All I felt was anger. Hindi na bago sa 'kin ang pagtrayduran. Maraming tao ang dumaan sa buhay ko na ang tanging motibo ay ang kayamanan at impluwensya ng ama ko.

Pero hindi pa rin talaga ako nasasanay. I am very disappointed and mad at the same time.

Tulala ako sa aking kwarto habang nasa harapan ko ang mga notebook ko. May assignment kami ngayon at kailangan ko itong tapusin but all I could think is what happened earlier.

Naghalo-halo na ang emosyon ko pero hindi ko maintindihan kung bakit sumasagi rin sa isipan ko ang mukha ni Edward bago ako umalis doon.

Alam ko namang mali ang ginawa ko. I was a bit guilty dahil pinahiya ko sa harap ng maraming tao si Patricia. But I was driven by my anger. Walang hihinahon kung malalaman mong anak siya ng kabit ng tatay ko.

Mabuti na nga lang at wala sa 'king gaanong nakakakilala dito dahil kung sa Maynila ito nangyari baka nasa mga newspapers na ako at marami ng media sa labas ng mansion namin para mainterview si daddy.

Napabuntong hininga ako at napatitig sa mga notebook ko. Halos hating gabi na ng matapos ako. Naisipan kong magbukas ng facebook sa aking phone at napakunot ang noo ko ng may makita ang message doon mula kay Edward. Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako.

I sighed heavily as I opened his message.

Edward Gab Suarez: Are you okay?

Kumunot ang noo ko sa message niya. What is this? Bukod sa hindi maganda ang huli naming pagkikita especially the disgusting thing I saw in the bathroom wala akong makitang dahilan para i-message niya ako ng ganito.

I chose to exit that chat box and just scroll my newsfeed and I accidentally saw new post 5 minutes ago from Edward. Tiningnan ko ito at nakitang isang madilim na bar iyon.

Kitang kita ang party lights at ang bote ng alak sa mesa nila. It has a caption that says 'I wanna be drunk tonight'.

Hindi ko alam kung anong nagtulak sa aking tingnan ang comment section at doon ay nakita ko ang mga apelyidong Suarez. I didn't know na marami silang Suarez. They might be cousins.

Alexander Suarez: Don't call me when you got poison bro.

Jonas Gward Suarez: Sinong kasama mong ugok ka?

Perfiñan Suarez: Just don't puke at someone's shirt asshole.

Marami pa doon ang nagcomment pero hindi ko na binasa lahat. I closed my phone and lie down on my bed.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. I should forget all of this and be at peace. This is damn stressing me out.

Kinabukasan ay napansin ko ang masayang pakikitungo sa akin ni mommy. Alam ko naman na naghahanap pa rin siya ng sagot sa nangyari sa akin noong isang araw pero hindi ko yata kayang sabihin ang lahat kung sakaling magtanong na siya.

Kung sa 'kin nga ay masakit na, paano pa kaya kay mommy 'di ba?

Pagkadating ko pa lang ng school ay ramdam ko na ang panunuod ng mga estudyante sa akin lalo na ng mga senior high student dahil sila ang nakakita ng mga nangyari kahapon.

Pagkapasok ko sa room ay nakita ko si Patricia na nakikipagtawanan sa bagong mga kaibigan niya. Maybe she got sympathy for what I did kaya maraming lumapit sa kaniya.

Wala akong pakielam sa kaniya. Huwag lang niya ako kakausapin dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kanya. I am at my limits.

Kung sana ay may magagawa ako. Kung sana ay hindi ako mahina. Kung sana ay kaya kong labanan ang ama ko. Hindi na sana nangyayari pa ang lahat ng ito.

Broken Days (SUAREZ SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon