Bea

15 2 0
                                    

"Sana,siya nalang ako"

Palaging sinasabi ng isang batang babae.

"Nakakainggit siya,kasi nasa kaniya na yung lahat ng gusto ko. Maganda, magaling-gumuhit at higit sa lahat gusto ng lahat ng tao."

Palaging sambit ni Bea sa sarili niya. Wala siyang mapagsabihan sapagkat wala rin siyang kaibigan hindi tulad ni Jade na halos lahat ng ka-barangay nila ay kaibigan siya.

"Kung bibigyan ako ng kahiligan, hihilingin ko na sana magkapalit kami ng katauhan." sambit ni Bea. Laking gulat niya na...

may lumabas na isang ginie sa harapan niya at sinabing "Iyan ba talaga ang iyong ninanais?. Kaya ko iyang gawin ngunit kailangan mo lamang akong pakawalan dito sa kulungan kong ito sapagkat sampung-taon na akong naririto".

"Tunay ka ba? o baka naman niloloko mo lang ako tulad ng iba?" tugon naman ni Bea.

"Subukan mong ihipan ang takure para ako'y makalabas dito at makuha mo na rin ang ninanais mo".

Inihipan ni Bea ang takure ng walang pag-aalinlangan sa ninanais na mangyari ang kanyang kagustuhan. At biglang tumambad ang isang napakalaking genie sa harap ni Bea.

"Ngayong nakalabas kana, gawin mo na ang aking kagustuhan. Pagpalitin mo na kaming dalawa!" dali-daling sigaw ni Bea sa genie.

"Sigurado ka bang hind mo pagsisisihan ang lahat ng iyan?" tanong ng genie sa kaniya.

"Hinding-hindi!!!!!!!!!!!!!! nais ko nang magkaroon ng maraming kaibigan tulad niya."

"Kapag ginawa ko iyon, ang iyong ina. Hindi kana kailanman kikilalain sapagkat ang batang iyon na ang bagong anak niya." Paalala ng genie kay Bea.

"Si.. ina, nakalimutan ko siya." pagdadalawang-isip ni Bea."Ngunit gusto ko lang naman magkaroon ng kaibigan katulad niya."

"Eh, bakit tila nagbabago yata ang iyong isip?"

"Ayaw mo na bang maging siya?" dagdag pa ng genie.

"Gusto... kaso paano na ang aking ina kung mawawala ako? Mahal na mahal ko siya at hindi ko kayang mawala." sagot ni Bea sa ginie.

"Kung gayon, mamili ka. Ang iyong ina o ang kagustuhan mong maging siya?" sabi ng genie kay Bea.

Malalim na nag-isip si Bea tungkol sa bagay na sinabi ng genie sa kaniya. Hindi niya alam kung iiwan ba niya ang kanyang ina o mamuhay bilang si Jade gaya ng matagal na niyang gusto.

"Patawad,Ina. Gusto ko lamang mamuhay nang masaya gaya niya.Sana mapatawad mo ako."sabi ni Bea sa kaniyang sarili. "Hinihiling ko na sana, maging siya nalang ako!!" malakas na sigaw ni Bea.

Sa sandaling iyon, walang inisip si Bea sa kung anong mangyayari basta ang ninanais lamang niya ay maging si Jade at maging masaya katulad niya.

....

Nagising si Bea at dali-daling tumingin sa salamin. Laking gulat niya na ibang tao na ang nasa repelksiyon ng salamin. Mukha ni Jade na, maganda at gusto ng lahat gaya nang ninanais niya.

Biglang may lumabas na luha sa mga mata ni Bea. "Sa wakas! Siya ay ganap na ako na." sabi ni Bea sa kaniyang sarili. "Magugustuhan na ako ng lahat." dagdag ni Bea na may galak.

"Jade!!!!!! Gumising kana!! Mahuhuli kana sa klase."sigaw ng isang ginang. Sabay bukas ng pintuan sa kwarto kung nasan naroroon si Bea na ngayon.

"Ako na nga pala si Jade ngayon.Nakalimutan ko." sabi ni Bea sa isip niya.

"Dalian mo diyan! At pagkatapos mo sa klase mo umuwi ka agad para samahan mo akong magtinda dito." sabi ni Aling Nena na ina ni Jade.

"Mag-tinda? Eh may mga takdang-aralin po ako panigurado. Hindi pwedeng hindi ko gagawin iyon."sagot ni Bea kay Aling Nena.

"Kung ayaw mong tumulong sa akin, lumayas kana lang dito. Hindi ko kailangan ng anak na gaya mo!! Walang silbi." sigaw ni Aling Nena kay Bea.

Ganito pala ang buhay ni Jade sa araw-araw. Pagkatapos sa eskwela pupunta siya sa tindahan nila sa palengke para tumulong sa kaniyang ina. Ano nang gagawin ko? Paano kung habang buhay na talaga ako maging ganito? Pero hindi bale, maganda naman ako at gusto ng mga tao. Kaya masasabi ko na nanalo naman ako. Nanalo nga ba?

Maisip-isip ni Bea.

...

Habang naglalakad siya patungo sa kaniyang eskwelahan. Nakita niya si Jade na ngayon ay si Bea na kasama si Aling Maria na ina naman ni Bea. Kasama nito si Jade patungong eskwelahan.

"Jade! Ako ito si Bea. Magkaklase tayo. Hindi mo ba ako kilala? Bakit hindi mo ako pinapansin kahit nakita mo na ako?" sabi ni Jade kay Bea.

"HA? hindi kita nakita! Umalis ka nga sa harapan ko. Ayoko nang makita ang mukha mo." sagot ni Bea kay Jade at dali-dali itong tumakbo at nagtago sa gate ng kanilang eskwelahan.

"Hayaan mo na anak. Pagpasensyahan mo na si Jade baka may mga problema lang siya sa bahay nila kaya ganoon ang trato niya sayo." sabi ni Aling Maria kay Jade.

"Siguro nga po, Mama." sagot naman ni Jade.

Nakita ni Bea ang mga pangyayaring iyon. At lalo siyang nalungkot sapagkat bigla niyang nais yakapin nang mahigpit ang kaniyang ina. Nang sandaling iyon biglang hiniling ni Bea na sana hindi na lamang niya sana ninais na maging si Jade at sana hindi siya nagpadala sa inggit at tinanggap kung anong mayroon siya.

...

"Jade, gusto mo ba akong maging kaibigan?" tanong ni Jade kay Bea na ngayon ay nasa katauhan na ni Bea.

"Ayoko nga! Sa tingin mo makikipag-kaibigan ako sayo eh ang pangit-pangit mo tapos hindi ka pa marunong gumuhit gaya ko!" Laking gulat ng mga kaibigan ni Jade nang nagawa niya iyon sapagkat kahit kailan ay hindi sumigaw at nakapag-salita ng ganoon si Jade sa kahit na sinuman. Nagbulungan ang mga tao at mga kaibigan niya sa kaniya.

"Parang nagbago nga siya simula kanina pang-umaga. "

Hindi naman siya ganoon diba?"bulong ng isang kaklase nila at lalong nagbulugan din ang lahat. Napatakbo si Bea palayo sa kanila. Pati siya ay nagulat din sa nagawa niya. Pag-balik niya sa kanilang silid-aralan ang dating lumalapit kay Jade ay kay Bea na nais makipag-kaibigan.

Nang sandaling iyon hiniling ni Bea na sana hindi nalang niyang hiniling na maging si Jade at gusto na niyang bumalik sa dati.

Kaya't hinanap niya ang genie na gumawa noon sa kaniya. Nang makita niya iyon ay dali-dali niya itong hinipang muli at sinabi na gusto na niyang bumalik sa totoo niyang katauhan.

"Hindi na maibabalik ang lahat. Ang desisyon na iyan ay iyong kagustuhan kaya lamang hindi na kita kahit kailanman maibabalik sa dating katauhan na mayroon ka." sagot ng genie.

"Parang awa mo na... gusto ko nang bumalik sa dati." pagmamakaawa ni Bea.

Ngunit ang genie ay bumalik muli sa takure at hindi ginawa ang hinihiling ni Bea na makabalik sa totoo niyang katawan. Kahit kailan hindi na mayayakap pang muli ni Bea ang kaniyang ina. Hindi na siya nito ipagluluto ng agahan katulad ng ginagawa nito sa kaniya at lalong lalo na hindi na siya nito masasabihan na mahal na mahal siya.

...

Ang dating Bea na malungkot ay naging masayahin na at maraming kaibigan. Hindi rin siya gumaling sa pag-guhit. Hindi niya nakuha ang talentong mayroon si Jade noon pa. Naisip ni Bea na baka hindi ang pisikal na anyo niya ang problema ngunit siya. Sapagkat palaging na kay Jade ang atensyon niya at nakalimutan niyang tignan ang sarili niya. Masyado niyang hinangad ang bagay na mayroon ang iba at hindi niya nakikita ang mayroon siya.

Mayroon siyang sariling ganda at talento na kahit kailan ay hindi makukuha ng sinuman. Mayroon siyang mapagmahal na ina na handang gawin ang lahat para sa kaniya.

ARAL: MATUTONG MAKUNTENTO SA MAYROON KA.



Hallu, maraming errors. Mali na grammars or anu pa man. Sorry. 

ONE SHOT STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon