Nakaupo si Seth sa may sofa habang ang kanyang mga mata ay nakatuon sa nakapinid na pinto ng katabing silid ng masters kung saan naroon si Gabriella sa loob nito. Hindi niya alam kung ano ang sanhi ng pamumutla nito, bigla na rin lang kasi itong hindi na siya kinibo at nanatili na tahimik hanggang sa tuluyan na ngang nagkulong ito sa loob ng silid, pero hindi sa kanilang silid kundi sa dating silid na inokupahan nito noon.
Kung wala naman itong dinaramdam at bigla na lang nagbago ang pakikitungo nito sa kanya, iisa lang ang naiisp ni Seth na dahilan, ang malaman nito na hindi na niya pabubuksan ang kaso ni tatay Rico. Hindi naman niya iyun pabubuksan, ang gusto lamang niya ay malaman ang totoong nangyari noong gabi na iyun. Hindi na niya iyun sasabihin pa sa kaibigan, pero mukhang dinamdam ni gabriella ang kanyang gagawin dahil na rin sa nakapangako siya rito.
Napabuntong-hininga si Seth at isinuklay niya ang kanyang mga daliri sa kamay sa kanyang ulo, at bigla siyang tumayo para sana lapitan ang pintuan ng kwarto at muli niyang katukin si Gabriella, pero natigilan na siya sa paghakabang nang biglang bumukas ang pintuan at lumabas mula roon si Gabriella at dala nito ang bag na bitbit nito kanina.
"Okey ka na ba hon?" ang tanong niya rito at nakita niyang tumangu-tango ito sa kanya.
"I'll cook something for us, or maybe magpa-deliver na lang"- hindi na niya natapos pa ang sasabihin dahil sa sunod-sunod na pag-iling ng ulo ni Gabriella sa kanya.
"Uuwi na muna ako," ang sagot nito sa kanya na kanyang ikinagulat. Kumunot ang kanyang noo sa narinig, usapan kasi nila na kapag malapit na ang araw ng round-up sila babalik sa rancho.
"Pero ang usapan," –
"Uuwi na ako Seth, oo usapan natin isang araw bago mag-round-up tayo uuwi, hindi ako tumupad, bakit? Tumupad ka rin ba?" ang sumbat ni Gabriella sa kanya at batid niya kung anon gang tinutukoy ni Gabriella.
Napabuntong-hininga siya at inilagay niya ang kanyang mga kamay sa kanyang bewang, "Look Gab, I'm sorry about that, hindi ko naman pabubuksan ang kaso ang sa akin lang ay malaman lang kung ano ang totoo na nangyari noon," ang giit niya.
"Bakit?! Bakit kailangan mo pang ungkatin o halungkatin ang nakaraan na iyun!" ang hamon ni Gabriella sa kanya.
"Hindi ko alam, tatay ko na rin si tatay Rico, hindi ko matanggap na ganun na lang ang nangyari sa kanya!" ang malakas na sagot niya kay Gabriella.
Tumangu-tango si Gabriella sa kanya, "kung ganun, hahayaan kita na mamuhay sa nakaraan ng wala ako," ang sabi nito sa kanya, saka ito naglakad patungo sa pintuan pero mabilis niyang hinawakan ang pulsuhan kaliwang pulusuha nito at hinila niya ito palapit sa kanya, pero itinulak siya ni Gabriella at pilit nitong inalis ang kamay mula sa kanyang pagkakahawak.
"Gab please, mag-usap muna tayo, please intindihin mo naman ako, sampung taon kong dinala ang bigat nito sa aking dibdib," ang pakiusap niya kay Gabriella, at nakita niya ang paniningkit ng mga mata nito sa kanya at umiling ang ulo nito.
"Hindi mo alam ang ibig sabihin ng sampung taon na pagdadala ng sakit Seth, hindi mo alam," ang mariin na sagot sa kanya ni Gabriella at saka ito pumiglas at binitiwan na niya ang kamay nito.
"Ihahatid kita," ang sabi niya rito pero mabilis na umiling si Gabriella sa kanya.
"Bigyan mo muna ako ng space Seth, gusto ko munang huminga na malayo na iyo," ang sagot nito sa kanya at mabilis na itong lumabas ng pinto at naiwan siyang nakatingin ang mga mata sa nakapinid na pinto ng kanyang bahay na may nakabibinging katahimikan sa paligid at muli ay naramdaman niya ang sakit at pangungulila.
***
"Please nakikiusap ako sa inyo, uhm kailangan lang talaga namin ng malaking halaga sa round-up, uhm and that's a few days from now, ibabalik ko ng buo ang bayad kasama ng interest," ang saad niya sa manager ng bangko.
BINABASA MO ANG
The Bribe To Be - Gabriella Kirkland - Kirkland Series (completed)
RomansaStrictly for mature readers only 18 and up. Please be guided. Her family has deeply hurt him from the past, and now, it's time for retribution, and she's going to be the payment that he has always wanted. Completed February 2, 2021 © Cacai1981