CHAPTER 42

7.1K 132 9
                                    

CHAPTER 42 

LORAINE

"HINDI BA SIYA 'yan? Anong ginagawa niya dito? It's been years, 'no! Bakit napadpad siya ulit dito? They broke up years ago, right? Nandito na naman?"

I shook my head while walking inside the building. Why are some people are like these women in front of me? Parang mas alam pa nila ang nangyari sa buhay ko kung tingnan at pag-usapan nila ako.

What did they expect? Na forever ako sa France kasama ang mga anak ko? Of course, not. Their uncles and aunts were begging me to return with my kids.

"Siya nga. Grabe, 'no? Parang hindi nagkaka-edad. Tumangkad din siya ng konti. Maybe the breakup made her more beautiful." Hindi ko na pinansin ang dalawang babaeng nasa gilid ko. I entered the elevator at nagpahatid sa pinakataas nito.

I'm glad that I can enter this building now. Noong huling punta ko, hinarang pa ako ng guards dahil sa sobrang bitter ng amo nila.

I flipped my hair as I entered the glass door of his floor. I arched my brow nang makita kong nag-iba na ang design nito. Well, mabuti na lang at nagbago ang taste niya at hindi na mukhang patay ang bawat sulok nito.

Hindi ko maiwasang hindi pasadahan ng tingin ang suot kong dark green dress at inayos ko pa ang shades na suot ko. I brushed my hair using my fingers dahil baka may nakatayo doon. I need to look elegant all the time.

Ang kambal ay nasa France pa. Pinapalinis ko pa kasi ang bahay dito sa Pilipinas at ang magiging kwarto nila. I'm just here to get my diamond. Nanalo ang Jackson na 'yon sa bidding kaya nangyari 'to. Dumbass. What for? For his wife? That's sweet, but the pink diamond is mine.

"Ma'am Loraine?" Nakasalubong ko ang sekretarya niya. Hindi pa rin pala siya nagpapalit ng sekretarya. So loyal, huh?

"Hey, where's Jackson?" She looks shocked. Gano'n ba nakakagulat ang biglang pagdating ko?

"Nasa... nasa loob po." Pinasadahan niya ako ng tingin. "You're stunning. Two years rin po kayong nawala. Grabe, mas gumanda ka po lalo." Ngumiti lang ako sa kanya.

Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang matanaw ko siya. Nakatayo siya habang nakahilig sa malaking lamesa, but his hands are in his pockets.

He doesn't look shocked. Kalmado lang siya tulad ko.

[Now playing: I Need You More Today]

I licked my lips bago ko itinaas ang shades na suot ko. I suddenly remembered that I have green eyes at green din ang suot ko. Hindi kaya ako magmukhang halaman?

Huminto ako ng isang metro ang layo sa kanya. I smiled at him pero nanatiling seryoso ang tingin niya. Bakit ganyan siya makatingin?

"Mr. Calin, long time no see." Ngumisi ako at inabot ang aking kamay sa kanya.

"Ms. Quenery..." Nakipagkamay siya sa akin. Saglit kaming walang imik. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin.

"I bet you're a little bit shocked because of me. I'm sorry if I didn't tell you that I'm going here. Biglaan lang din." Tinignan ko ang glass wall sa likod niya.

"It's alright..." Bumalik ang tingin ko sa kanya.

"Let's make this fast. May flight pa ako mamaya." Tinanaw ko ang wristwatch na suot.

"Aren't you staying here for good?"

Tinanaw ko ulit siya. That's a personal question, and I am here for business.

"Babalik din ako. Pinapaayos ko pa kasi ang isang kwarto sa bahay namin." I shrugged. "Can I sit?" Sa wakas ay umiwas din siya ng tingin at inilahad sa akin ang sofa.

Chase Once Again [ Billionaire Series #2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon