Tanging tunog lang ng aking stilleto ang naririnig ko habang tinatahak ko ang daan papunta sa aking opisina. I didn't bring my personal bodyguard with me today kasi mas kailangan siya ng site.
“Ma'm, I have a news for you,” ani Ms. Hera, ang aking secretary nang nasa tapat na ako ng pinto ng aking opisina. Iminuwestra ko sa kanya ang loob saka ako nagpaumunang maglakad. I sighed before sitting down on my swivel chair. Nilingon ko ulit ang aking secretary na ngayon ay nakatayo na sa aking harapan.
“Spill it.”
“The invitations were all sent to its destined receivers pero may isa pong nag-decline.” Tumaas ang isang kilay ko nang matapos magsalita si Hera.
Nag-decline? Who could it be? At sino kaya ang may lakas ng loob na tanggihan ang imbitasyon ko? When in fact, I only invited those people na may naitulong sa paggawa ng Grande de Verde.
“Name it,” seryoso kong sabi.
“Si Sir Travis Ramirez po, Ma'm.” Biglang umurong ang dila ko dahil sa aking narinig. Variety of thoughts filled my mind.
Bakit siya? I mean, not that I want him to attend my little opening party pero ano kaya ang rason niya kung bakit siya tumanggi? He should be around! He helped in renovating the mansion and in building some of our hotels kahit na musmos pa lang siya nun. Scratch that, oo nga pala't hindi siya kailanman naging musmos.
Baka naman busy siya sa mga babae niya? Well, hindi ka na dapat magulat pa Zia kasi matagal mo ng alam 'yon, diba? He's an asshole from the very start, a cheater and a fucker!
That thought alone makes me want to scream in frustration. But I can't do that right now, in front of my secretary, baka kasi kung ano-ano pa ang isipin niya.
“How dare him decline my invitation?!” mahina kong bulong ngunit tama lang upang marinig nitong kaharap ko.
Gusto kong sumabog sa inis pero ayaw ko ring masira ang imahe ko. People nowadays judge you easily, kahit sobrang liit lang ng pagkakamaling ginawa mo, they will still judge you. That's why I'm always trying to be self-composed.
“Ang sabi niya lang po Ma'm ay ibalik ko raw sa inyo itong invitation kasi hindi naman daw niya kailangan ito.”
“What?!” mas lalong lumaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Hindi niya kailangan? Wow lang ha! As if kailangan din siya ng GDV!
Oh my God! I can't understand myself now. Kanina lang, gusto kong pumunta siya, tapos ngayon, ewan! It's really hard to fix thoughts between me and myself.
“Ma'm, bakit parang gulat na gulat po kayo? If you want, we can send him again the invitation para masigurado kung pupunta ba talaga siya o hin—”.
“Don't!” I cut her off. Agad akong napangisi nang bigla akong may maisip. “I'll send it myself.”
“Pero Ma'm—”.
“No buts! Ma'm mo ako, diba?” pinagtaasan ko siya ng kilay at agad naman siyang tumango. “My decision, my rule! Now leave!” huminga ako ng malalim saka ako sumandal sa aking swivel chair.
My secretary bowed at me before leaving my office. I grinned and played with my pen.
Kung magulo ang decision ko ngayon, mas magulo pa rin ang mga decision ko noon. I can't decide for myself, lagi lang akong on the go, kung nasaan ang majority, doon ako. But little by little, I started to pity myself, doon ko lang na-realize na sobra na pala akong nagpapakatanga.
Well, I've moved on, hindi na ako bata para gawin ulit ang mga katangahang ginawa ko na noon. Kahit na medyo magulo pa rin akong tao, at least I tried to change myself. Hindi naman ako nabigo, kasi habang tumatagal, mas lalo akong namumulat sa katotohanan.
BINABASA MO ANG
Breaking the habit (Monteverde Series #1)
Любовные романыA loyal heartbreaker-Zakirah Litizia Monteverde-doesn't care about someone's heart, doesn't care about someone's emotion. She doesn't even care about her own feelings so why would she care about someone? She thinks that the world is just a playgroun...