Tell me
What the hell?!
Kani-kanina lang, I was praying na sana, hindi tumapat sa akin ang bote kasi paniguradong sa akin nila ipapagawa ang pinaka-worst na dare. Alam na alam kasi nila na hindi ko sila kayang tanggihan. But hello, marunong naman akong tumanggi 'no! Hindi ko nga lang palaging ginagawa kasi why not, diba? Kaya ko naman, I can try, I will try kahit na sarili ko pa ang ibuwis ko. For me kasi, there's no room for refusion.
“Zia, why are you blushing? Hindi pa nga namin nasasabi 'yong dare, na-e-excite ka na!” ani Melody nang mapansin niyang nakahawak ako sa magkabilang pisngi ko.
If she only knew na I'm not blushing, hinding-hindi niya magagawang sabihin 'yan. But she's Melody for Pete's sake! Of course, gagawa at gagawa pa rin siya ng paraan para lang maipangalandakan sa lahat na na-e-excite nga ako when in fact, I'm not!
Sinong tanga ang ma-e-excite kung alam mo naman na maruming dare ang ipapagawa nila sa'yo?!
“Naku te! Bopolz lang?” sabat ni Sef dahilan upang sabay kaming mapalingon ni Melo sakanya. Tatlo lang kami ngayon kasi umalis saglit si Daryl. I didn't bother asking him because I already know what he's up to. Alam naman nating lahat na maharot ang kaibigan kong 'yon e. “Tayo nga na magbibigay lang ng dare ay na-e-excite, siya pa kaya na siya mismo ang bibigyan ng dare?”
“Oh my God Sef! Wag ka ngang masyadong perfectionist, mas lalo lang akong nahahawa sa kabobohan mo e!”
Hay naku! Ngayon ko lang na-realize na I shouldn't put these two in one place, para kasi silang mga aso't pusa. Lagi na lang silang ganyan, palagi na lang nagbabangayan. Ano'ng akala nila sa sarili nila? Bata? My goodness! They're both adults na!
Hindi naman sa nagmamalinis ako ah, though I can't even apply it to myself, at least, I know what's right from wrong. Eh sila, are they even thinking?
“Guys, please just stop it! We're in the middle of drinking and we're still playing! Ano ba kayo! Kung may sama ng loob kayo sa isa't-isa, please don't bring it here! Set that aside! We're here to have fun! Hindi para panoorin kayong magbangayan!” I couldn't help but to shout at them.
Pero walang halong pagkamuhi.
Walang personalan.
Kahit naiirita na ako sa kanilang dalawa, I still manage to do the friendly shout.
“Okay okay, mukhang hindi ka na nga makapaghintay,” ani Melo pero hindi ko na lang pinansin ang huli niyang sinabi kasi baka mas lalo lang akong mairita sakanya. “You see that man?” May itinuro siya roon sa harap ng stage pero hindi ko mawari kung alin doon at kung sino.
“Saan d'yan?! They are all men!”
“Yun... Yung nakasuot ng black t-shirt.” Nang makita ko na kung sino ang itinuturo niya ay agad na nanliit ang mga mata ko.
Unang kita ko pa lang sakanya, hindi ko na kaagad siya nagustuhan.
He doesn't fit my ideal type of men.
He doesn't even look expensive!
At mas lalong hindi siya 'yong tipo ng lalaki na mabenta sa mga babae.
“What about him? Don't tell me...” Nilingon ko si Melo at siya naman ngayon ang pinanliitan ko ng mga mata.
“Uy Litizia, bet ko siya!” gigil ni Sef pero inirapan ko lang siya.
Bet mo mukha mo! Mukha nga 'yang pulubi e. My God! Wala na bang ka-taste-taste ang baklang 'to ngayon?!
“Ganito yun, my original dare is you'll take a man of my choice upstairs. I was thinking of Daryl pero alam kong hindi ka naman papay—”
BINABASA MO ANG
Breaking the habit (Monteverde Series #1)
RomanceA loyal heartbreaker-Zakirah Litizia Monteverde-doesn't care about someone's heart, doesn't care about someone's emotion. She doesn't even care about her own feelings so why would she care about someone? She thinks that the world is just a playgroun...