Ang akala ko noon dalawang bagay lang ang mahirap gawin,
Ang Simula at huli, Simula dahil mahirap kung saan, paano o kailan magsisimula at Ang huli ,kagaya ng nauna pareho lang din sila ang pinagkaiba lang kung paano mo matutuldukan o bibitawan.
Habang naglalakad ako sa isang malawak na lupain na madamo, isang tahimik na lugar ngunit nagmimistulang buhay dahil sa puting at berdeng mga halaman at punong sumasayaw na sumasabay sa ihip ng hangin. Naalala ko pa noon kung paano ko nalaman ang isa pang mahirap gawin sa mundong ito.
"Render!! mahuhuli na tayo" hinihingal na ani ng boses sa likuran ko, tumingin ako sa aking relong pambisig "Marami pang oras, bakit ka ba sumisigaw at nagmamadali, iniistorbo mo ang pagkakaroon ko ng oras sa sarili" usal ko.
"Mahuhuli ka na para sa hapunan" Tiningala ko siya pagkatapos niyang pumantay sa pagkakatayo ko, hindi talaga kumukupas ang pagiging magandang lalaki ng lalaking to, matangkad, may magandang katawan, mahahabang pilikmata,matangos na ilong, manipis na labi , higit sa lahat ang napaka berde niyang mga mata, Seryoso ang kanyang expresyon na nakatingin sa pinagmamasdan ko kanina."Hindi ka maaring magpagutom dahil may misyon pa tayong kailangan gawin", dagdag niya pa
"alam ko yun Surgeon General of the army Louim Tine Ebora-Gwyne nagmumuni-muni lang ako, hindi ko alam kung kailan"
Tama ang narinig mo, oo isa akong Lieutenant General of the air force at ang lalaking nasa tabi ko ay isang Surgeon General of the army. Parehas kaming nangako na kami ay magsisilbi sa bansa at tatalikuran ang kapakanan ng sarili at minamahal, mali man mahalin namin ang isa't isa'y nangyari parin.Naramdaman ko ang pagyakap niya galing sa likuran ko,Nalanghap ko ang kanyang napakapamilyar na pabango.
"kung kailan, ano?"Sabi niya, tumingin ako sakanya mula sa malayo papunta sa mga mata niyang nagtatanong na nakatingin saakin.Nakangiti na may halo mang pait, marahan akong sumandal sakanya sabay bitaw sa mga katagang
" ang kamatayan ko", Natahimik siya ng ilang saglit "Kahit anong mangyayari, mahal na mahal kita Lieutenant General of the air force Render Fajar Vanderbilt"
" Mahal na mahal din kita" tugon ko,Pinaharap niya ako sakaniya at Siniil niya akong isang mababaw ngunit puno ng pagmamahal at nangangailangan na uri ng halik.Hindi ko makakalimutan ang pangyayaring iyon.
Pagkatapos naming lahat mananghalian, Biglang may sumabog at nagkaroon ng putukan sa paligid "MAGSISIMULA NA!!" anang ng aming commander-in-chief, nag umisa ng humanda ang lahat.
" Para sa kaligtasan at kapayapaan ng bansa tayo'y lalaban!" dagdag niya
" Para sa kaligtasan at kapayapaan ng bansa tayo'y lalaban!" usal namin"Magiingat ka" usal ni louim bago kami maghiwalay, " lalo ka na " tugon ko.Nasaharap ko na ang EuroFighter Typhoon na papaliparin ko
Pero bago man ako makasakay, lumapit saakin ang commander-in-chief "If the situation are no longer following our plan C, be ready for the plan D we are rooting for you, whatever happened release the ICBM" tango na lang ang itinugon ko, bagamat napakadelikado ang palayain ang missalyang iyon. Naging madugo ang labang iyon , maraming nasugatan ,may mga nawawala at syempre maraming mga namatay.
Tiniis ang pagod at gutom. Dahil hindi nangyari ang Plan C, kailangan ko ng gawin ang nararapat gawin, nag aalangan man ay narelease ko nga missalyang iyon.Pagkatapos ng mahabang paghihirap nakamit nga namin ang tagumpay na mapanatili ang kalayaan at kaligtasan ng aming bansa.
Tumigil ako sa paglalakad ng matutunon ko ang aking hinahanap. Ang isang pamilyar na likod at postura ang aking nadatnan , paano ko ba makakalimutan ang nagiisang taong minahal ko ng lubos?, pumantay ako ng tayo sa kanya.
"kamusta ka na?,dinala ko ang paborito mong itim na rosas."aniya habang umuupo at nakatingin sa ibaba ng madamong lugar na ito, bagama't pitong taon na ang nakakalipas pagkatapos naming makamit ang pagkapanalo hindi parin ako magsasawang purihin ang bawat anggulo na meron siya.Saan nga pala siya nakatingin? Sa lapida kung saan nakaukit ang posisyon at ang buo kong pangalan.Nagtagumpay man kami sa labang iyon, hindi naman ako nanatiling buhay sa piling ng taong pinahahalagahan, pinangakuan at inalayan ko ng lubos na pagmamahal."pitong taon na ang lumilipas, Mahal na mahal parin kita, sa loob ng pitong taon na yun ang sakit sakit isipin na wala ka na,hindi na kita mahahagkan,mahahalikan, mayayakap,maasar,makasama sa pagtanda. ang hirap tanggapin, ngunit kailangang kong gawin,ni hindi man lang kita nahatid sa huling hantungan mo", dagdag niya.Niyakap ko siya mula sa likuran
"Patawad kung hindi ko nagawa ang manatiling buhay sa piling mo, tulad ng iyo pitong taon na din ang lumilipas hindi parin kumukupas ang taglay mong ganda,Mahal na mahal din kita, patay na nga ako pero paulit ulit mo naman akong pinapatay sa pagmamahal mo, hayaan mo't magkikita't magkikita tayo, konting panahon na lang,mahal ko". Ano nga ba yung isang pang bagay na mahirap gawin sa mundong ito?. Ang pagpili kung alin ba ang mas nararapat, Ang sundin natin ang ninanais ng puso't isip o ang pagpili sa tama at dapat gawin para sa ikababauti ng lahat, Isipin kung hindi ko go ginawa ang huli naming plano buhay nga ako't humihinga pero hindi naman malaya ang aming bansa.Nawala man ako, kaunting panahon man ang binigay para saamin, naiwan ko man siya sa mundong ito. Masakit man pero hindi ako magsisi na pinili ko ang tama na isakripisyo ang aking sariling buhay para sa ikakabuti ng lahat.
~~~~ END ~~~