Kate's POV
Hindi naman ito ang unang beses na makakaharap ko ang lolo ni Lance. Pero sa tuwing magkikita kami ay may kakaibang tensyon akong nararamdaman. Sabagay, natural nang makaramdam ako ng ganito lalo pa at may mga bagay kaming hindi napagkasunduan noon. Magkaiba kami ng pinaniniwalaan. At higit sa lahat hindi siya marunong makinig sa katwiran ng iba.
"Have a seat Miss Kate."
"Thank you Sir." Naupo ako sa bakanteng silya sa tapat niya.
Yung kaba ko kanina mas naging doble pa ngayon. Kaharap ko na siya pero parang nag dadalawang isip pa rin ako kung kakausapin ko ba siya tungkol sa kontrata.
"You know what Miss Kate I never thought I will ever see you again."
Awtomatiko akong napatingin ng diretso sakanya.
"Ano pong ibig niyong sabihin?" Halos hindi ko maibuka ang bibig ko para magsalita.
"Akala ko marunong kang tumupad sa usapan. You chose your father over my grandson. You should stick to your decision and never bother Lance again. Do you remember why I hire you before?"
Sandali akong napaisip at nagbalik tanaw sa unang pagkakataon na nagharap kami. Nang araw na yon ay gusto niyang hiwalayan ko si Lance kapalit ng mga bagay na pwede niyang ibigay tulad ng maganda future para sa akin at sa pamilya ko. A very good offer that I immediately refuse without hesitation. Inakala ko pa na hindi na ako makakapasok sa Mezzo Corp dahil sa naging asal ko noon sa kanya. Pero may isang bagay siyang nakita sa akin na nagustuhan niya. That thing is about my attitude and most of all my loyalty.
"Natatandaan ko po ang bagay na yon Sir. Yung loyalty ko kay Lance ang isa sa dahilan kung bakit niyo ako tinanggap sa kumpanya niyo." Sabi ko sa kanya.
"That's right. I really thought I already have a good judgement about you. But in the end you disappoint me. Your loyalty is not really deep but too shallow. I gave you a chance even though you are out of his league. It's not me who destroy your relationship it's you Miss Kate."
Natigilan ako sa mga sinabi niya. Bagama't alam kong may halong pangungutya ang mga salitang binitawan niya ay hindi ito ang ikinasama ng loob ko.
"Paumanhin Sir pero wala kayo sa posisyon para husgahan ang katapatan ko kay Lance. Loyalty? Gusto mong itakwil ko ang sarili kong ama. Yung taong kadugo ko. Yung taong dahilan kung bakit ako nasa mundong ito. Ganoong klase ba ng loyalty ang gusto niyo? Ang iwan at pabayaan ang mga taong mahal mo at nagmamahal sayo?"
Punong puno ako nang hinanakit. Alam kong nagkamali ako. Batid kong wala ako sa ganitong sitwasyon kung hindi dahil sa mga nagawa kong desisyon. Pero ang bagay na hindi ko kayang tanggapin ay ang bagay na paulit ulit niyang ipinipilit sa akin. Na dapat ay sinunod ko ang gusto niya at itinakwil ko ang papa ko.
"You made your decision. You should stick to that. Now, if you will insist what you want then let me warn you. I will do anything I can in my power to destroy you."
Hindi ko napigilang ikuyom ang kamay ko dahil sa galit. Isang bagay pa ang dapat kong alamin. Nagkamali na ako noon. Mali na naniwala ako sa mga sinabi niya.
"You're a liar. Ang sabi mo ay kagustuhan ni Lance ang nasa kontrata. Pero hindi pala yon ang totoo. Nagsinungaling ka sa akin. Pinaniwala mo ako sa mga kasinungalin mo tungkol sa kontrata na yan. Hindi ko akalain na ganyang klase pala kayong tao. Hindi kayo patas lumaban Sir." May halong diin ang bawat salitang binitawan ko. Ang alam ko kasi ay nirerespeto siya ng lahat. Sa pamilya man niya o maging sa loob ng kumpanyang ito. Dati ganon din ang tingin ko sakanya. Pero simula ng mangyari ang bagay na yon tatlong taon na ang nakakalipas biglang naglaho ang respeto ko sakanya.
BINABASA MO ANG
A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)
Short StorySa buhay may mga tao kang makikilala. Na magpapadama sayo ng tunay na pagmamahal. Yung pagmamahal na kayang manatili sa puso mo. Nariyan man siya sa tabi mo O sa piling ng ibang tao. -- This book is a work of fiction. Names, characters, places an...