Prologue
“Bakit ba kita nakikita?” tanong ko sa kanya habang nakatitig sa papalubog na araw. Nagiging kahel na ang kulay ng karagatan sa pagtama ng liwanag ng kalangitan sa ibabaw nito. “Kasi kailangan mo ako,” saad n’ya.
Nagliliparan na rin ang mga ibon pauwi. Ang mga pakpak nila, ang ganda. “Ang sarap siguro, ‘no? Kung makakalipad ka? Hindi yung sasakay ka ng eroplano, ha? Yung lilipad ka gaya ng mga ibon tapos mahahawakan mo ang mga ulap. Yung parang walang problema...” Naramdaman ko ang pagtitig n’ya sa akin ngunit hindi ko s’ya nilingon.
“Maria...” saad n’ya gamit ang napakamalumanay n’yang boses. “Gusto mo bang lumipad?” Napalingon ako sa kanya. Kaunti na lamang ang oras namin kaya siguro mas mabuti na sulitin na namin ito. Susulitin ko na ‘to.
Agad akong napatango na parang bata. Unti-unti nang namuo ang mga luha sa gilid ng aking mata habang nakatitig sa perpekto n’yang mukha. “Isasama kita sa himpapawid. Pero pagkatapos no’n...kailangan na nating magdesisyon.” Hindi ko alam kung tatango o iiling. Bumagsak na ang aking mga luha kasabay ng pagbagsak ng aking puso at pag-asa. Kahit saan ko man tingnan ay iisa lamang ang aming patutunguhan.
Tumango ako at saka s’ya napangiti. Matapos no’n ay lumabas ang kanyang mga pakpak mula sa kanyang likod. Inunat n’ya ito na para bang nararamdaman n’ya ang bawat kumikinang na mga balahibong puti. Tumayo s’ya’t inilahad ang kanyang kamay sa akin. “Halika na. Huli na ‘to.”
—
:)
YOU ARE READING
SENTINEL: Truth and Justice
FantasíaMoe, a lawyer working at Santiago Y Justicia, a law firm owned by her late father's close friend, has been used to experiencing extreme occurrence in her life. Death threats never made her falter nor made her knees tremble. Upon meeting Trightan, a...