Chapter One
"MOE, I think you really need to go home. Ang putla mo na, oh!” Kanina pa ako pinipilit ni Avil na umuwi pero pinagpapatuloy ko lang ang pagtipa sa keyboard ko. “Moe, I’m serious,” muli n’yang saad habang nakahalukipkip. Hindi man lang ako natinag. Ilang beses n’ya na ba sinabi ang katagang “I’m serious”? Hindi ko na rin mabilang. Hindi ko na rin s'ya pinansin. Gayunpaman, desidido pa rin si Avil na mapauwi ako.
Kanina pa kasi ako nahihilo dito sa loob ng office ko habang binabasa ang mga papeles. Masyado ring malamig ang aircon. Kung papatayin naman ay biglang iinit ang paligid. Hindi maganda ang naging gising ko kanina. Mabigat ang katawan ko habang nagd-drive ako patungo rito sa building one ng Santiago Y Justicia, ang law firm na pinagtatrabahuan ko. Avil is a friend of mine. I met him when I was still in college and now, hindi na n'ya ako nagawang tantanan.
“Attorney Maria Olivia Elizabeth Torres- Laurel,” basa ni Avil sa pangalan ko na eleganteng naka-engrave sa babasaging marmol na nakalagay sa aking mesa. Napangiti ako. Ang sarap talaga pakinggan ng salitang “attorney” sa pangalan ko. “Masyado mo atang minamahal ang pagiging abogado. Ayan! Pati sarili mo, kinalilimutan mo na.”
“Avil, madali na lang ‘to. Sini-send ko lang ang responses ko sa mga kliyente ko.” Inangat ko ang aking paningin at nang makitang seryoso nga ang kanyang mukha ay tinanggal ko na ang aking anti-radiation glasses at saka sumandal sa sandalan ng aking swivel chair. Napabuntong-hinga na lamang ako at saka itinaas ang dalawa kong kamay, ipinapakitang sumusuko na ako. “Okay, okay! Uuwi na ako.” I immediately closed my laptop and arranged my things. Nahagip pa ng aking mata ang aking digital wall clock at nakitang alas dos na ng hapon.
Kukunin ko na sana ang susi ko nang hablutin iyon ni Avil. “Magsabi ka nga, dati ka bang snatcher?” tanong ko sabay irap. “Grabe ka naman magbintang, Moe. Parang wala tayong pinagsamahan.” Wow. Just wow, Avil. He even dramatically held his chest for effects. “Ikaw nga ‘tong snatcher, e. Ninakaw mo puso ko!” I chuckled. Avil has always been so vocal about his feelings for me. Sinasabi n’ya sa akin, siguro makapal talaga ang mukha n’ya. He did not oblige me to love him back, ‘yan ang gusto ko sa kanya. He just cared and valued me, making sure that he’s there whenever I need him. Pero para sa akin, hanggang kaibigan lang talaga kami.
“Tse! Mas pinapasakit mo ‘tong ulo ko.” Agad akong lumabas sa aking opisina matapos kong ligpitin ang mga gamit. Isinukbit ko sa aking braso ang aking brown case-like handbag at saka nagpatuloy maglakad patungo sa elevator. Maingay rin ang pagkalampag ng aking takong kung kaya ay nakakaagaw ng pansin ang aking paglalakad.
“Uuwi ka na po, Attorney Laurel?” tanong ni Ara, isa sa mga interns, nang madaanan ko. Tango na lang at ngiti ang naisagot ko sa kanya. Masyado nang masakit ang ulo ko para magsalita pa. Narinig ko pang bumulong si Avil sa kanya upang ipaliwanag ang sitwasyon.
Attorney Maria Olivia Elizabeth T. Laurel. 27 years old, two years in the field of licensed lawyers. Kahit na bago pa lamang ako sa field na ito ay unti-unti ko nang nabubuo ang aking pangalan. Hindi man gano’n karami pero palaging pinag-uusapan ang mga cases na hinahawakan at naipapanalo ko. I was a topnotcher during our board exam. After that, I applied at Santiago Y Justicia. During my first year ay lumapit ang isa sa mga malalapit kong kaibigan at sinabing they will file a case laban sa isa sa mga kasama kong abogado roon. Matibay ang ebidensya laban sa kanya—child trafficking, sexual assault, harassment, at iba pang may kaugnayan sa tatlo. Sigurado akong maipapanalo ko ‘yon ngunit maaapektuhan ang kompanya. People are twins with hasty generalization, that's a fact. Alam kong may iilan sa mga nagtatrabaho roon ay mga makatarungan at devoted sa trabaho nila. Gayunpaman, mas pinili kong i-handle ang case at naipanalo ko naman ito. Hindi naman bumagsak ang ratings ng kompanya dahil hindi naman connected ang mga indibidwal na nasangkot sa iba pang mga indibidwal sa kompanya. Dahil do’n, mas dumami ang mga kliyente ko.
YOU ARE READING
SENTINEL: Truth and Justice
FantasiaMoe, a lawyer working at Santiago Y Justicia, a law firm owned by her late father's close friend, has been used to experiencing extreme occurrence in her life. Death threats never made her falter nor made her knees tremble. Upon meeting Trightan, a...