Here we go again.Week have passed and we're back to normal.Hazel wearing her usual outfit and me, to mine.Wearing a tank top underneath my leather jacket and a leather pants paired with boots.
"Ni minsan ba hindi ka man lang nagalala na baka mahulog yang suot mo?"nagtatakang tanong ko kay Hazel.
Her outfit when we're going to a bar is always a tube dress.Nothing's wrong about that,nagaalala lang ako.Makakampante pa ako kung may strap or something.
"Hindi naman-plus the fact na wala akong suot na kahit ano underneath"I choke on my drink while she just casually said that.
Since we're back to normal,naglalakwatsa nanaman si Hazel kung saan saan sa loob ng bar habang ako ay masayang nakatambay sa iisang lugar.Why bother lurking around?I'm at peace in my own world.
Tumungga ako sa inumin ko ng may nahagip ang mata ko ngunit hindi rin ako nagtagal ng tingin.May nagtatangkang lumapit saakin ngunit lumilihis din kaagad kapag ilang hakbang nalang ang pagitan namin.Oh?Kasalanan ko?Wala naman akong ginagawang masama eh,ni hindi nga ako nagsasalita.Tinitignan ko lang sila ng diretso sa mga mata bago papasadahan ng tingin ang kabuuan nila at hindi nagpapakita ng kahit anong emosyon.Yun lang!Hindi ko na kasalanan kung na-intimidate sila.
"Hoy!"awtomatikong kumukunot ang noo ko kapag naririnig ko ang boses ni Hazel.Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy sa paginom.Nage-enjoy ako dahil hindi man lang ako nakakaramdam ng kahit ano sa kabila ng dami ng nainom ko. "Ako pinapahirapan mo eh!"angil niya.Binigyan ko naman siya ng tingin na nagtatanong. "Nagpapa-lakad yung mga may gusto sayo!Iilang hakbang nalang tumitiklop!Ang sama mo raw makatingin."aniya na parang siya ang nareject.
"Hindi ko na kasalanan yun-"
"Kasalanan mo!Kaya ang lungkot ng buhay mo e!"
"Hazel..."malumanay na tawag ko sakanya.Hinawakan ko pa ang dalawa niyang kamay bago tinarayan ang mukha ko"Kung interesado ako sakanila ay hindi ko na papalagpasin pa!Lalo na kung iilang hakbang nalang?Hindi mo na kailangang magpagod."nakita ko naman ang pag bagsak ng mga balikat niya.
"Ano pa nga bang inaasahan ko,eh mukang natali na ang atensyon mo sa lalaking 'yon-"
"Tumigil ka nga!Ayan ka nanaman sa konklusyon mo eh.Wag mo kong gawan ng issue,dati pa man ay hindi na ko interesado."mataray ngunit kalmadong ani ko.
Narinig kong bumuntong hininga siya. "Camie..."hinaplos niya ang kanang balikat ko.Tumingin ako sakanya at nakita ko ang malungkot niyang pag ngiti. "Masaya ako nung makita kong nageexplore ka nung nakaraang linggo..."aniya habang nakangiti at bahagyang tumatango. "akala ko natututunan mo ng makita yung makakapag pasaya sayo.Yung magiging dahilan ng ngiti mo.Hindi lang ako tumutukoy sa tao ah?Kundi sa mga ginagawa mo."
Hindi ko matagalan ang mga titig niya kaya nag-iwas ako ng tingin at bahagyang ginalaw ang balikat ko ngunit hindi naalis ang hawak niya doon. "Tsk,ano bang sinasabi mo?"
"Pakiramdam ko nakita ko yung totong Camila nung nakaraang linggo eh.You look so-..."natigilan siya ng parang inaalala ang mga nangyari noong nakaraang linggo. "wala lang...you look so happy,so carefree.You know?It's like you're just feeling yourself,and it makes you stand out even more,especially when you're wearing that beautiful and truthful smile of yours..."naging matunog ang pagngiti niya. "Kung inaalala mo yung sinabi ni Tito-"
"Hazel,stop."diretsong sabi ko,hindi siya tinignan.
"Yeah,sorry.Ang akin lang...being strong doesn't mean you shouldn't be happy.The more you fake it,the more you're being fragile."aniya bago tumayo at tinapik ang balikat ko.
BINABASA MO ANG
45 Calibre
AcakShe's living, and it feels like she's in debt. Blind by an owe, she does dirty work. It's giving it all in like she already forgot who she really is or what she's not. (c)Pinterest(story cover)