14

874 21 0
                                    

Bago pa niya ako maabutan bumaba na agad ako at pumunta na ng kwarto saka nilock ang pinto.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil ang lakas ng tibok ng puso ko. Mahal ko na nga tong gagong to! Hindi ako pwedeng magkamali pero akala ko umuwi na siya.

"Mari..open the door" sabi niya kaya napatakbo ako papuntang kama saka nagtalukbong.

"im gonna sleep" i tried not to stuttered para hindi niya halata, nakahinga naman ako ng maluwang ng wala nang kumatok.


Masama to masyado na akong nahuhulog sa kaniya, nakatulugan ko ang pag iisip ko kaya kinabukasan na ako nagising.

Nagdadalawang isip pa ako kung lalabas na ba ako dahil nandiyan pa siya eh, no choice nagugutom narin ako.

Deretso lang ang lakad ko hanggang kusina para uminom, pagkatingin ko sa labas wala yung kotse niya nakaalis na ba siya? Nagkunwari akong umiinom ng kape at palakad lakad sa loob ng bahay kahit wala naman akong iniinom.

Umupo ako sa sofa salamat naman at wala na siya.

"good noon! Good noon!" napabalikwas ako ng pumasok si Rina dito sa bahay na pumapalakpak pa.

"what are you doing here?" takang tanong ko sa kaniya.


"its my house duh! Anyway napadaan talaga ako dito para kamustahin ka at batukan ka" babatukan niya na sana ako ng makailag ako umupo siya sa sofa at sumeryoso.


"im on my way here when i saw a black car coming from this way" kinabahan ako sa tanong niya.

"who's that ate? Sa pagkakaalam ko wala kang car na dala"


"it was my boss no big deal" sabi ko agad, baka ano pang sabihin eh.


"ah no big deal. Daddy is looking for you everywhere dont trust anybody kung ayaw mong mabisto na nandito ka" tumango ako nagcellphone siya sa harap ko at mukhang naiinis.

"Anyway why are you here? Dont you have a class?" tinaasan niya ako ng kilay ang taray talaga ng babaeng to.


"its our sembreak so im gonna stay here for 1 week i guess it depends" napabuga ako sa iniinom ko sa gulat, paano kapag bumalik si Jilmar hindi ko yun mapipigilan.

"what again Kyros?" inis na sagot niya sa tawag saan niya ba nakilala ang Kyros na yan?


"duh im on vacation" tumayo siya saka pumunta sa likod ng bahay mykhang may ayaw iparinig ah haha.


Sana nga maging busy si Jilmar ng 1 week para hindi makapunta dito. Wait- inaasahan ko ba na pupunta siya dito? No way!


"ate! Wala bang makain dito im hungry!" oh ayan na nga ang maldita.


"teka lang! Walang pagkain diyan. Punta tayo sa garden manghihingi tayo" aya ko. Nagningning naman ang mga mata niya at naexcite.


Mahilig kasi to sa Nature eh kaya gustong gusto niya, nagpalit siya ng tsinelas kasi baka maputik.

Ayun nga nakita nanamin yung garden sa gitna ng mga kakahuyan andoon ata yung may ari.

"Hi manong!" masayang bati ni Rina kaya nagugulat ako sa napatingin sa kaniya.

"Hello hija buti naman nakapasyal ka dito" nakatayo lang ako sa tabi niya habang nagsisilapitan ang mga tao saamin at nakikipag kamay. Kilala niya ng mga ito? Ang bait niya ah.


"pasensya na po pala nakalimutan kong magpadala last month dito manong madami po kasi akong ginagawa eh"

Oh? Huwag mong sabihing siya ang bumubuhay at tumutulong sa kanila?

"naku okay lanng hija meron pa naman yung pera na pinadala mo noon" sagot naman ng isang magsasaka.


"ah manong eto nga po pala ang nakakatandan kong kapatid si Ate mari, bago lang po siya dito kaya sana po tignatignan niyo po" ngumiti ako sa kanila at nakipagkamay nagaalinlangan pa sila dahil madumi ang kamay nila.


"oo naman hija lagi namin siyang binabantayan" ngumiti lang ako sa kanila. Ang sarap naman mabuhay dito sariwang hangin ang ganda pa ng kapaligiran.


"ay manong pwede ho bang makahingi ng kahit konting gulay lang kakainin lang namin" paalam niya sa kanila.


"ay oo naman hija sige halikayo at pumitas tayo ng kahit anong gusto niyo" naglakad na kami papalapit sa garden, at ang dami nga at mukhang masagana, ang sarap umani.



Naenjoy namin ang pagpitas dahil nakikitawa at nakikipagusap rin ang iba samin. Ganito ang gusto ko yung walang takot ang mga tao na kumausap samin.


"hija merong naghahanap sa iyo" kinalabit  ako ng isang ale kaya napatingin ako sa kaniya.


"sino ho?" napatayo ako habang hawak ang mga gulay.

"me" muntik na akong mahulog sa palayan ng marinig ko ang boses niya.

Tama nga ako at babalik si Jilmar dito hindi ako nakagalaw kaya hinapit niya ako sa bewang at sinandal ang ulo niya sa balikat ko. Naestatwa ako sa ginawa niya, narinig ko naman ang hagikhikan ng mga matatanda pero nangibabaw ang tawa ng kapatid ko kaya napatingin ako sa kaniya.


"boss pala ah" napapailing at natatawa niyang sabi saka nagpitas ulot para hindi kami maistorbo.

Peste kang babae ka!






















Escaping The Reality (Cagayan Series #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now