Hindi na ako nagulat sa nagsalita alam ko naman kung sino yun ni hindi ko nga sya tinignan. Tumalikod na lang ako at akma na sanang maglalakad nang biglang may humawak sa braso ko.
"may problema ka ba? Tanong sakin ni edward. Halata din sa muka nya na nagaalala sya.
"wala!. Madiin kong sagot sa kanya.
"wala? e bakit parang lagi ka nalang galit? Pakeaalam nya ba? e sa gusto kong magalit e. "uy!. Kinalabit nya ako sa likod. "galit ka ba?
"kahit na galit ako, wala kang pakealam!. Sagot ko sa kanya habang nakatalikod.
"ha? Iniharap nya ako sa kanya kaya napatitig ako sa mga mata nya. "bakit naman? nagagalit ka ba dahil wala na akong time sayo? kung ganon sorry na!. Hinawakan nya yung dalawang kamay ko. "please!! pangako mula ngayon ibabalik natin yung dati!. Halos iiyak na sya sa mga sinasabi nya, naawa naman ako kaya pinatawad ko na.
"oo na sige na pinapatawad na kita!. Sabi ko saka ngumiti sa kanya.
"talaga! hindi ka na galit ah,. Tumango ako. Ngumiti sya na abot hangang tenga pati nga mata nya nakangiti narin e. Nagulat naman ako sa kanyang sunod na ginawa. Bigla nya akong niyakap. Hindi ko alam pero bakit parang may iba? Parang biglang may nagbago. Dati-rati naman hindi ganito kahit kapag nagaaway kami at nagsosorry ako o sya. Pero ngayon parang bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko! hindi ko maintindihan. "oh! parang namumutla ka? may sakit ka ba? Tanong nya sakin pagkatapos nya akong bitawan sa pagkakayakap.
"ah!.. ano.. hindi kasi ako makahinga dahil ang higpit ng yakap mo e!.
"ay! sorry ^__^ namiss ko kasi yung best friend ko e.
"oo na sige na!. Sabi ko nalang. Pero naguguluhan parin ako.
....
Edward's POV
"babe! bili mo ako ng ice cream please! Nagpapacute pa sya habang nagpapabili sakin.
"oo naman babe sandali lang ha!. Tumayo ako para pumunta sa bakery para bumili ng ice cream, may tinda silang ice cream e, cute nga ng nakalagay sa taas e! BaCrean. "miss pabili po ng ice cream yung cockies and cream yung flavor. Habang kinukuha ni ateng tindera yung ice cream, umupo muna ako at humarap sa daan, naiinitan na kasi ako e. Habang nakatingin ako sa daan ay bigla akong may napansin na parang kakilala ko, sa paglalakad palang ay kilala ko na sya. "cathy!. Sigaw ko sa kanya.
"oh? Sagot nya.
"san punta?
"ako?
"hindi si ate!. Pambabara ko.
=_= yung muka nyang ganyan naging ganyan ^_^ "may nakita kasi akong tao na nakaupo sa tapat ng bacream, tinawag nya ako kaya lumapit ako, at may sinabi pa sya.... ililibre nya daw ako hehehe..
"ha? may sinabi ba syang ganon? Tanong ko.
"ay! nakalimutan na pala nya kaya ngayon ang gagawin ko ay maglalakad na at di na sya papansinin kahit kelan!. Mahabang sagot nya habang nakangiti sabay irap.
"ito naman joke lang halika dito!. Pinaupo ko sya at tinanong kung anong gusto nya. Pagkatapos naming bumili ay nagpaalam na kami sa isat-isa. Sabi nya san daw ako pupunta sabi ko kay ronalyn kanya kasi yung isang binili ko, tapos ewan ko ba kung bakit bigla nalang syang sumimangot sabi ko bakit sabi nya wla daw.
"babe! ang tagal mo naman.. Salubong sakin ng nakasimangot na si ronalyn.
"e kasi babe napahaba yung pag uusap namin ni cathy e! sorry. Pagkasabi ko nun sa kanya ay lalo syang sumimangot.
"ano ba yan! mas inuna mo pa sya kesa sa akin, na girl friend mo?
"hindi sa ganon babe! bumabawi lang ako! diba napagusapan na natin to?
BINABASA MO ANG
Sino nga ba sya
Teen FictionSya? sino nga ba sya? isa lang naman syang kaibigan na nakasama ko mula pagkabata hangang sa lumaki kami hanggang magbago ang nararamdaman ko hanggang mag-kagusto ako sa kanya hanggang sa minahal ko na sya. yan ang mga salitang gusto kong sabihin sa...